Tekstong Naratibo at Deskriptibo | PPIT

studied byStudied by 23 people
5.0(1)
Get a hint
Hint

Unang Panauhan

1 / 35

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Language

11th

36 Terms

1

Unang Panauhan

(Anong Punto De Vista ang inilalarawan?)

Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumamit ng panghalip na ako.

New cards
2

Ikalawang Panauhan

(Anong Punto De Vista ang inilalarawan?)

Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumamit siya ng panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi.

New cards
3

Ikatlong Panauhan

(Anong Punto De Vista ang inilalarawan?)

Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pasalaysay ay siya.

New cards
4

Tekstong Naratibo

Ito ang uri ng teksto sa paraang pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod mula simula hanggang wakas.

New cards
5
  • Maikling kwento

  • Nobela

  • Kuwentong Bayan

  • Mitolohitya

  • Alamat

Magbigay ng isang halimbawa ng akdang panulatan na gumagamit ng Tekstong Naratibo.

New cards
6

Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

(Mga pamamaraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo?)

Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.

New cards
7

Di Direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

(Mga pamamaraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo?)

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o

nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

New cards
8

Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina..

—Mula sa “Ang Kariton ni Donato”

Anong pamamaraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo ang nagamit sa pahayag?

New cards
9

Di Direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.

Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay papasok sa munti nilang kusina.

Anong pamamaraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo ang nagamit sa pahayag?

New cards
10

Tauhan

(Anong Elemento ng Tekstong Naratibo ang tinutukoy?)

Mga taong gumaganap sa isang kuwento.

New cards
11
  • Expository — kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.

  • Dramatiko — kusang magbubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.

Ano ang dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan at ang pagpapakahulugan ng mga ‘to?

New cards
12

Pangunahing Tauhan

Sa isang akda, siya ang bida, umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang katapusan.

New cards
13

Katunggaling Tauhan

Sa isang akda, siya ang kontrabida, sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

New cards
14

Kasamang Tauhan

Sa isang akda, siya ang karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.

New cards
15

Ang May-akda

Sa isang akda, sinasabing ang pangunahing tauhan ay siya at siya ay lagi nang kasama sa kabuoan ng akda.

New cards
16

Tauhang Bilog

Ito ang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Nagbabago rin ang kanyang pananaw; at damdamin ayon sa pangangailangan.

New cards
17

Tauhang Lapad

Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangian na madaling matukoy o predictable.

New cards
18

Tagpuan at Panahon

(Anong Elemento ng Tekstong Naratibo ang tinutukoy?)

Ito ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayarli sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

New cards
19

Banghay

(Anong Elemento ng Tekstong Naratibo ang tinutukoy?)

Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

New cards
20

Anachrony

Ano ang pagsasalaysay na hindi nakaayos?

New cards
21
  • Simula

  • Suliranin

  • Kasiglahan

  • Kasukdulan

  • Resolusyon o kakalasan

  • Makabuluhang Wakas

Binubuo ang karaniwang akda ng isang Banghay o plot, ano-ano ang mga bahagi nito?

New cards
22

Analepsis **(**o Flashback)

Uri ng Anachrony kung saan papasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

New cards
23

Prolepsis (o flash-forward)

Uri ng Anachrony kung saan pumapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.

New cards
24

Ellipsis

Uri ng anachrony kung saan may mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal.

New cards
25

Paksa/Tema

(Anong Elemento ng Tekstong Naratibo ang tinutukoy?)

Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tesktong naratibo.

New cards
26

Tekstong Deskriptibo

Ito ang uri ng tekstong pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama.

Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

New cards
27

Tama

(Tama/Mali)

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na “Ano?”.

New cards
28

Batay sa PANDAMA

(Tukuyin ang Paraan ng Paglalarawan)

Nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig

New cards
29

Batay sa NARARAMDAMAN

(Tukuyin ang Paraan ng Paglalarawan)

Bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan.

New cards
30

Batay sa OBSERBASYON

(Tukuyin ang Paraan ng Paglalarawan)

Batay sa obserbasyon ng mga nangyayari.

New cards
31

Karaniwang Paglalarawan

(Tukuyin ang Uri ng Paglalarawan)

  • Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama

  • Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan

  • Nagbibigay lamang ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

New cards
32

Masining na Paglalarawan

(Tukuyin ang Uri ng Paglalarawan)

  • Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng tagapagsalaysay.

  • Layunin nitong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa na guniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan

New cards
33

Impresyon

(Mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan)

Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng ____ hinggil sa inilalarawan.

New cards
34

Wika

(Mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan)

Ang isang manunulat ay gumagamit ng ____ upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pangabay

New cards
35

Masistemang Detalye

(Mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan)

  • Dapat magkaroon ng _____ sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari.

  • Sa ganito, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.

New cards
36

Pananaw ng Paglalarawan

(Mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan)

Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.

New cards

Explore top notes

note Note
studied byStudied by 59 people
... ago
5.0(2)
note Note
studied byStudied by 24 people
... ago
4.5(2)
note Note
studied byStudied by 7 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 400 people
... ago
4.8(5)
note Note
studied byStudied by 9 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 3 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 6 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 4890 people
... ago
4.3(14)

Explore top flashcards

flashcards Flashcard (27)
studied byStudied by 5 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (30)
studied byStudied by 1 person
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (85)
studied byStudied by 1 person
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (50)
studied byStudied by 5 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (23)
studied byStudied by 5 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (20)
studied byStudied by 8 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (58)
studied byStudied by 9 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (38)
studied byStudied by 32 people
... ago
5.0(1)
robot