1/46
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Tekstong Impormatibo
Isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari
Inilalahad ang totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon
Pag-uulat Pang-impormasyon
Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid
Pagpapaliwanag
Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari
Tekstong Deskriptibo
Sinasabing makulay, masining at nagpapahayag ng malakas na impresyon o emosyon. Ang mga salitang ginamit ang siyang nagbibigay buhay sa teksto na nagbibigay ng makatotohanang imahe sa inilalarawan nito.
Obhektibo o Karaniwang Paglalarawan
Ang ganitong uri ng paglalarawan ay hindi ginagamitan ng sariling emosyon o pagpapahayag ng sariling paghahatol. Nagbibigay ang may-akda ng impersonal o karaniwang paglalarawan sa kaniyang ipinapakilala sapagkat ang tanging layunin nito ay makapagbigay ng impormasyon o tiyak na kabatiran sa kongkretong katangian nito.
Subhektibo
Nagbibigay ang may-akda ng sariling impresyon sa bagay na inilalarawan, ayon sa kaniyang nakikita o nadarama upang mapukaw ang emosyon ng mambabasa . Layunin ng ganitong uri ng paglalarawan ang makapanghikayat o makaantig ng damdamin ng mambabasa.
Masining na Paglalarawan-
Ang may-akda ay gumagamit ng mga tayutay o di-literal na paglalarawan upang mapukaw ang guni-guni o imahinasyon ng mambabasa sa tiyak na larawang nilikha ng may-akda.
Teknikal na Paglalarawan-
Gumagamit ang may-akda ng akma o mga teknikal na mga salita upang makapagbigay ng eksaktong representasyon sa mga bagay-bagay at pangyayaring kaniyang inilalarawan.
Tekstong Naratibo
Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nagyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Tauhan
Mga taong gumaganap sa kuwento.
Expository
Tagapagsalaysay ang magpapakilala sa tauhan
Dramatiko
Kilos at pagpapahayag ang magpapakilala sa tauhan
Tauhang Bilog
Tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw na personalidad.
Tagpuan at Panahon
Kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon ( oras, petsa, taon ).
Banghay
Maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Analepsis
Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis
Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
Elipsis
May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
Anachrony
Ang pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod
Tekstong Prosidyural
Ito ay nagpapaliwanag ng pagkasunod-sunod ng mga hakbang o prosesong dapat isagawa na maingat at malinaw na inilalahad upang makuha at maisakatuparan ang ninanais na hangganan o resulta.
Panimula at Layunin
Ito ay isang pahayag na nagsisilbing pamagat din. Isinasaad dito ang nais makamit ng isang gawain.
Listahan
Tinutukoy ang mga kasangkapan o kagamitang kailangang gamitin.
Paraan o Metodo
Ang paraan o pagkakasunod-sunod ng mga gawaing dapat maisakatuparan.
Mga paraan ng pagluluto o recipe ng pagkain
ipinakikita ang mga sangkap na dapat isahog sa niluluto, pagkasunod-sunod ng mga hakbang upang maipakita kung paano ang pagluluto ng pagkain at makikita rin ang ilang mga larawan patungkol dito.
Pagbuo ng mga kagamitan at pagkukumpuni ng mga ito
Ipinakikita ang serye ng mga gawain na dapat sundin upang mabuo ang isang bagay.
Manwal
Ipinakikita ang hakbang-hakbang na pagsasagawa ng gawain upang magamit o mapaandar ang isang bagay.
Pagbibigay ng direksyon
Ipinakikita kung paano mararating ang isang lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na panuto kasama ang pangalan ng lokasyong kinalalagyan nito. Sa tekstong ito, kailangang gumamit ng pormal na pananalita at karagdagang mapa upang lubos na maunawaan ang direksyong itinuturo.
Pagsunod sa mga patakaran ng isang tao
Ipinakikita kung paano ang wastong paglalaro ng isang bagay. Ang uri ng wikang ginagamit dito ay inaangkop sa edad ng mga manlalaro dito.
Tekstong Persuweysib
• Isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama.
Aristotle
Tatlong (3) paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi ayon sa Griyegong pilosopo na si
Ethos
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay bakâ hindi silá mahikayat na maniwala rito.
Pathos
Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan upang makumbinsi silá.
Logos
Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na siyang dapat paniwalaan.
Ad hominem fallacy
Ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.
Kalinawan
Tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag, gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap.
Kaugnayan
Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng pagpapahayag.
Bisa
Ang isang pahayag ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.
Nagtataglay ito ng sumusunod na katangian−makatotohanan, nababakas ang katapatan,at binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.
Tekstong Argumentatibo
Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.
Panimula
Ipinakikita ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at binabasa ang isang teksto. Layunin nito na ihanda ang mga mambabasa at makuha ang atensyon at damdamin nila.
Katawan
Magsisilbing dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila matapos ang isang mabisang simula at kung papalarin ay nakatutok pa rin sa bawat mensaheng pinararating hanggang sa mabisang pagwawakas.
Wakas at Kongklusyon
Kailangang maging tuwiran, payak, mariin, malinaw at mabisa. Kailangang tinitiyak sa pagwawakas na ang sinumang maaaring may taliwas na opinyon ay makukumbinsi ng manunulat.
Puna
Kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.
Sayantipiko
Kung ito ay nag-uugnay sa mga konsepto sa isang tiyak na sistemang karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang proposisyon ay mahinuha o mapatunayan.
Proposisyon
Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
Argumento
Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Analisis, Sanhi at Bunga, Pangangatwirang Pabuod, Pangangatwirang Pasaklaw
Iba’t Ibang Paraan sa Paghahanda ng Pangangatwiran