Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/47

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Mga flashcards para sa pagrepaso ng mga bokabularyo at konsepto ukol sa kasaysayan, kultura, heograpiya, at paniniwalang Pilipino.

Last updated 7:53 AM on 9/16/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

48 Terms

1
New cards

Aristotle

Griyegong pilosopo at "Ama ng Agham" na nagturing sa kasaysayan bilang "nakaraan ng sangkatauhan" at maayos na pagtatala ng mga likas na pangyayari.

2
New cards

Herodotus

Griyegong historyador at "Ama ng Kasaysayan" na nagsulat ng Histories at unang sistematikong nagtipon at nagdokumento ng mga nakaraang pangyayari mula sa salitang "historiēn".

3
New cards

Thucydides

Griyegong historyador na itinuturing na "siyentipikong mananalaysay" dahil sa kaniyang makaagham at kritikal na pagsusulat sa History of Peloponnesian War.

4
New cards

Teodoro Agoncillo

Pilipinong historyador na kinikilalang "Ama ng Historiograpiyang Pilipino" at tagapagtaguyod ng makabayang pananaw sa pagsulat ng kasaysayan.

5
New cards

Gregorio F. Zaide

Pilipinong historyador na tinaguriang "Dekano ng Historiograpiyang Pilipino" na sumulat ng humigit-kumulang 67 aklat at mahigit 500 artikulo tungkol sa kasaysayan.

6
New cards

Renato Constantino

Pilipinong historyador at makabayang iskolar na nagbigay-diin sa konsepto ng "kasaysayan ng bayan" at kolektibong pagsisikap ng mga Pilipino.

7
New cards

Zeus A. Salazar

Pilipinong historyador at antropologo na kinikilalang "Ama ng Bagong Historiograpiyang Pilipino" at bumuo ng konseptong Pantayong Pananaw.

8
New cards

Pasulat na Kasaysayan

Mga impormasyong naitala o naisulat tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan tulad ng mga aklat, talaarawan, liham, at opisyal na dokumento.

9
New cards

Pakwentong Kasaysayan

Pasalitang pagsasalaysay ng mga karanasan, tradisyon, at kwento na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod tulad ng alamat, epiko, at kwentong-bayan.

10
New cards

Primaryang Batis

Mga orihinal o direktang ebidensya at unang-kamay na impormasyon mula sa mismong panahon ng pangyayari.

11
New cards

Sekondaryang Batis

Impormasyong ginawa batay sa pagsusuri, interpretasyon, o pagbubuod ng mga primaryang batis.

12
New cards

Kamalayang Pangkasaysayan

Ang malalim na pag-unawa, pagpapahalaga, at kritikal na pagsusuri sa mga pangyayari sa nakaraan upang iugnay ito sa kasalukuyan at hinaharap.

13
New cards

Kaalamang Pangkasaysayan

Ang pag-aaral sa mga pangyayari, kronolohiya, sanhi at bunga, konteksto, at iba't ibang interpretasyon ng kasaysayan ng sangkatauhan.

14
New cards

Panlabas na Kritisismo

Ang epistemolohikal na pagsusuri sa materyal na pinagmulan at konteksto ng batis upang tiyaking hindi ito huwad, anakronistiko, o binago.

15
New cards

Panloob na Kritisismo

Ang hermenyutikang pagsusuri sa semantika, katotohanan, at motibasyon ng may-akda upang malaman kung mapagkakatiwalaan ang mga pahayag sa loob ng batis.

16
New cards

Kultura

Kabuuan ng paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao kabilang ang paniniwala, tradisyon, wika, sining, pagpapahalaga, at gawi.

17
New cards

Franz Boas

Ama ng Modernong Antropolohiya na nagpakilala sa mga konseptong Cultural Relativism at Historical Particularism.

18
New cards

Edward Burnett Tylor

Iskolar na nagbigay-kahulugan sa kultura bilang masalimuot na kabuuan na natututunan ng tao bilang miyembro ng lipunan at hindi namamana sa dugo.

19
New cards

Émile Durkheim

Pranses na sosyologo na naniniwala sa Collective Consciousness kung saan ang kultura ay binubuo ng shared symbols at values na nagbibigay ng moral na puwersa.

20
New cards

Max Weber

Alemang sosyolohista na naglarawan sa kultura bilang nagbibigay ng kahulugan sa bawat kilos ng taong nakasabit sa "webs of significance".

21
New cards

Prospero R. Covar

Ama ng Pilipinolohiya at pangunahing tagapagtaguyod ng maka-Pilipinong sosyolohiya.

22
New cards

Dr. Nestor Castro

Pilipinong antropologo na nagpaliwanag sa kultura bilang panlipunang pinagbabahaginang sangkap ng kaisipan, damdamin, at gawi na likas na dinamiko.

23
New cards

Heograpiya

Sangay ng agham panlipunan na nag-aaral sa mundo, lokasyon, kapaligiran, at ugnayan ng tao sa kalikasan.

24
New cards

Eratosthenes

Kinikilalang Ama ng Heograpiya na unang gumamit ng salitang "Geography" para sa matematikal at siyentipikong paglalarawan sa mundo.

25
New cards

Kultural na Tanawin (Cultural Landscape)

Ang pagbabagong ginagawa ng tao sa natural na anyo ng lupa at tubig sa pamamagitan ng kaniyang kultura tulad ng kabahayan, kalsada, at sakahan.

26
New cards

Ilaya

Mga pamayanang matatagpuan sa mataas na bahagi ng lupa gaya ng kabundukan, bulubundukin, o upland areas.

27
New cards

Igorot

Pangkalahatang tawag sa mga katutubong pangkat na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region).

28
New cards

Cañao

Tradisyunal na ritwal ng mga Igorot na may kasamang sayaw, tugtog ng gangsa (gong), at pag-aalay bilang pasasalamat o paghingi ng biyaya.

29
New cards

Binukot

Mga kababaihang itinuturing na "buhay na kaban ng yaman" at sagradong tagapangalaga ng oral na tradisyon tulad ng Sugidanon sa Panay Bukidnon.

30
New cards

Ilawod

Mga pamayanang matatagpuan sa mababang lugar, kapatagan, tabing-ilog, o malapit sa dagat.

31
New cards

Moro

Tawag sa mga grupong Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas tulad ng Tausug, Maranao, Maguindanao, Sama, at Yakan.

32
New cards

Badjao

Kilala rin bilang Sama-Badjao o "Sea Nomads" na naninirahan at namumuhay sa dagat at sa mga bahay na nasa ibabaw ng tubig.

33
New cards

Hiyas

Mga bagay na mahalaga at pinahahalagahan ng isang pamayanan na naipapasa sa bawat salinlahi at nagsisilbing simbolo ng kapangyarihan at proteksyon.

34
New cards

Anting-anting

Bagay, bato, medalya, o papel na may orasyon na pinaniniwalaang may kapangyarihang magbigay ng proteksyon o lakas espiritwal.

35
New cards

Ginhawa

Ayon kay Dr. Zeus A. Salazar, ito ang espiritu, kabuuran, o pinakasimulain ng buhay (life force), kagalingan, at balanseng kalagayan ng tao.

36
New cards

Umalagad

Tawag ng mga sinaunang Bisaya sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno na nagbibigay ng proteksyon sa pamilya.

37
New cards

Babaylan

Espiritwal na lider, manggagamot, at tagapamagitan sa mundo ng mga tao at espiritu noong sinaunang panahon.

38
New cards

Katalonan

Ang katumbas ng babaylan sa pangkat ng mga Tagalog.

39
New cards

Albularyo

Tradisyunal na manggagamot na gumagamit ng halamang-gamot, masahe, ritwal, at panalangin sa panggagamot.

40
New cards

Orasyon

Set ng mga sagradong salita o panalangin na ginagamit sa mga ritwal ng tradisyunal na panggagamot, proteksyon, at iba pang gawaing espiritwal.

41
New cards

Bogwa

Tradisyonal na ritwal ng mga Ibaloy sa Benguet kung saan muling binubuksan ang libingan upang linisin at ayusin ang mga buto ng yumao.

42
New cards

Sulad

Sa paniniwalang Cebuano/Bisaya, ito ang kabilang-buhay o daigdig ng mga patay kung saan patungo ang kaluluwa ng yumao.

43
New cards

Pangowan

Ritwal ng pamamaalam at pagpaparangal ng mga Manobo sa paglalakbay ng kaluluwa patungong Sambayon.

44
New cards

Hilot

Tradisyunal na sining ng pag-aayos ng mga ugat, buto, at kalamnan sa pamamagitan ng masahe gamit ang langis.

45
New cards

Tawas

Ritwal ng pagtukoy sa sanhi ng sakit gamit ang kandila, itlog, o tawas upang malaman kung ito ay dulot ng espiritu o pagkapagod.

46
New cards

Virgilio Enriquez

Pangunahing tagapagtaguyod at nagtatag ng Sikolohiyang Pilipino noong dekada 1970.

47
New cards

Loob

Malalim na dimensyon ng pagkatao ng Pilipino na kinabibilangan ng kaisipan, damdamin, at pagpapahalaga tulad ng lakas ng loob at utang na loob.

48
New cards

Kapwa

Sa Sikolohiyang Pilipino, ito ay tumutukoy sa shared identity o pagkakaisa ng sarili at ng iba, at hindi simpleng "ibang tao".