1/14
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pansariling Gampanin
Tungkulin o responsibilidad ng isang indibidwal sa kanyang personal na kapasidad para makatulong sa lipunan.
Isyung Panlipunan
Mga problema o hamong kinakaharap ng lipunan o ng mundo.
Dignidad
Ang kalidad ng pagiging marangal, magiting, at ang likas na halaga ng tao dahil siya ay tao.
Bisyo
Nakasasamang gawain gaya ng sugal, alak, o droga na sumisira sa kalusugan at relasyon.
Pambubulas (Bullying)
Kilos o salita na nagdudulot ng pang-aapi, kahihiyan, at pagkasira ng moral ng tao.
Panggigipit
Paggamit ng kapangyarihan upang manakit o magdulot ng kahirapan sa iba.
Panlalamang
Pagsasamantala sa kahinaan ng kapwa para sa personal na interes.
Sapat na Kaalaman
Pagbabasa at pakikinig sa balita para maunawaan ang mga isyu.
Pananaliksik
Pagsusuri sa mga sanhi ng problema gamit ang datos at estadistika.
Paggamit ng Boses
Pagpapahayag ng opinyon at nakatutulong na suhestiyon.
Pakikipagtulungan
Pagsasama-sama at paglahok sa mga proyektong pangkapakanan.
Paggamit ng Teknolohiya
Paggamit ng social media at internet para magpalaganap ng kamalayan.
Pagbabago sa Sarili
Simula ng positibong pagbabago sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan.
Pagprotesta
Isang demokratikong karapatan upang ipahayag ang saloobin, hinaing, at pananaw.
Ginto na Panuntunan
Dapat gawin sa mapayapang paraan—walang karahasan, pinsala, o pisikal na puwersa.