FILIPINO SA IBA'T IBANG DISIPLINA

studied byStudied by 2 people
0.0(0)
Get a hint
Hint

Hutch

1 / 104

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

YUNIT 1-4

105 Terms

1

Hutch

Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong pantao.

New cards
2

Constantino (2007)

ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.

New cards
3

Mendoza , 2007

Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o anumang saloobin.

New cards
4

Gleason

ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.

New cards
5

Dr. Fe Oranes (2002)

matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang gingalawan.

New cards
6

wika

Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa isa't isa.

New cards
7

Kalikasan ng wika

Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.

• Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o sagisag

• Ang lahat ng wika ay may estruktura.

• Ang lahat ng wika ay nanghihiram. • Ang lahat ng wika ay dinamiko.

• Ang lahat ng wika ay arbitraryo.

New cards
8

Abril 2015

bunsod ng petisyon ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo.

New cards
9

Abril 2018

inilabas ng CHED ang CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema.

New cards
10

CHED

Commission on Higher Education

New cards
11

GEC

General Education Curriculum

New cards
12

TRO

Temporary Restraining Order

New cards
13

SALIGANG BATAS 1987, ARTIKULO XIV, SEKSYON 6

FILIPINO ang WIKANG ginagamit ng mga naninirahan sa PILIPINAS , ang pambansang wika ng mga PILIPINO.

New cards
14

Seksyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang edukasyon.

New cards
15

Seksyon 7

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Espanol at Arabic.

New cards
16

Primus interes pares

nangunguna sa lahat ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.

New cards
17

Mother Tongue - Based Multilingual Education (MTB-MBLE)

Sa kasalukuyan , dahil sa K to 12, sa unang mga taon sa elementarya , ang namamayaning wika o inang wika ay ang ( mother tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa patakaran ng

New cards
18

“Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” ( Almario, 2014)

( Almario, 2014) na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis na pagkakaunawaan at pagsibol ng “damdaming pagkakaisa”.

New cards
19

Gimenez Maceda (1997)

Ayon kay, ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay -tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera , at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.

New cards
20

globalisasyon

pandaigdig sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng taripa , nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon.

New cards
21

Lumbera (2003)

Ayon kay, sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino.

New cards
22

Lumbera

Para kay, na tagapagtaguyod ng makabayang edukasyon , ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan

New cards
23

FILIPINO

Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies iba-iba man ang katawagan , ang ubod ng mga terminolohiyang ito'y tumutukoy sa ______ bilang larangan, bilang isang disiplina na esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang partikular na usapin” ( Guillermo 2014)

New cards
24

“Intelektuwalismo sa Wika”

Sa artikulong______, nilinaw ni Constantino (2015) ang kahalagahan ng ganap na intelektwalisasyon ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo: “ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip”.

New cards
25

pagpaplanong pangwika

Sa ganitong konteksto, mahalaga ang papel ng __________ sa pag-unlad ng Filipino bilang larangan at ng Filipino sa iba't ibang larangan

New cards
26

Filipino

Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang__________ bilang wikang panturo sa mga larangang ito.

New cards
27

San Juan et al., (2019)

Nabanggit nina__________ (mula kay Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko.

New cards
28

REGISTER

Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na

Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina. • Dalawa o higit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina. • Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito.

New cards
29

hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao

pangunahing layunin ng humanidades

New cards
30

J. Irwin Miller

Ang layuning ito ay sinugsugan ni ________ , na nagsabi na “ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito

New cards
31

Humanidades

Ang larangan ng _______ ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng Griyego at Romano kung saan inihanda ang mga tao na maging Doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at seyentipiko.

New cards
32

analitikal na lapit

ginagamit sa pagoorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa.

New cards
33

kritikal na lapit

ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.

New cards
34

ispekulatibong lapit

kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.

New cards
35

Impormasyonal imahinatibo pangungumbinse

TATLONG (3) ANYO SA PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES

New cards
36

Impormasyonal

maaring isagawa batay sa sumusunod:

a. paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa.

b. paglalarawan nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa.

c. proseso binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika.

New cards
37

Paktwal ang mga impormasyon

bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa.

New cards
38

paglalarawan

nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa.

New cards
39

proseso

binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika.

New cards
40

Imahinatibo

binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito.

New cards
41

Pangungumbinse

pagganyak upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.

New cards
42

agham panlipunan

isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

New cards
43

Agham Panlipunan

Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa __________ ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.

New cards
44

Mga Anyo ng Sulatin

Karaniwang mga ___________ sa Agham Panlipunan ang report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo, niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonyal at iba pa.

New cards
45

Proseso sa pagsulat ng agham lipunan

a. Pagtukoy sa genre o anyo

b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.

c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.

d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.

e. Pagkalap ng datos

f. Analisis ng ebidensya

g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado

h. Pagsasaayos ng sanggunian

New cards
46

pagsasalin

Napakahalaga ng papel na ginampanan ng ____________ sa patuloy na pagsulong ng wikang Filipino sa akademya.

New cards
47

translatio

Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na “___________” na “translation” naman sa wikang Ingles.

New cards
48

Metafora

o “metaphrasis” ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009). Ito ang dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay isang simpleng pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika o rehiyon na wika.

New cards
49

A. Batnag at J. Petra (2009):

Ang sumusunod na mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat nina ___________

1. Translation consists in producing in the receptor language the closest, natural equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondary instyle (Nida, 1964).

2. Translation is made possible by an equivalent of thoughts that lies behind its verbal expressions (Savory, 1968).

3. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in another language (Newmark, 1988).

New cards
50

Layunin ng Pagsasalin

1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika.

2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.

3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin.

New cards
51

Pagsasaling Pampanitikan -

nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika

New cards
52

Pagsasaling siyentipiko-teknikal

komunikasyon ang pangunahing layon

New cards
53

Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino

Ilan sa mga tungkulin ng pagsasalin sa pagsusulong sa Filipino ayon kina San Juan et al.,:

1. Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino.

2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin.

3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino.

4. Mga aklat at materyales na panturo o sanggunian.

5.Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan.

New cards
54

intelektwalisasyon

Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko-teknikal, kailangan ang ___________ ng wika.

New cards
55

linggwistiko at ekstra-linggwistiko

Mayroong dalawang proseso sa pagtatamo ng intelektwalisasyon ng wika sa akademya,

New cards
56

“scientia

Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na “__________” na nangangahulugan ng karunungan. Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham.

New cards
57

teknolohiya

Ang ________ ay pinagsamang salitang Griyego na “techne” (sining, kakayahan, craft o parang kung paano ginagawa ang bagay); at “logos” o salita, pahayag, o binigkas na pahayag. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan.

New cards
58

techne

sining, kakayahan, craft o parang kung paano ginagawa ang bagay

New cards
59

logos

o salita, pahayag, o binigkas na pahayag. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan.

New cards
60

Information Technology (IT)

Ito ay tumutukoy sa pagaaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso.

New cards
61

Inhinyeriya

Ito ay nagmula sa salitang Kastila na “ingeniera” o ingenieria. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan.

New cards
62

IMRaD

Metodong _______ ang kadalasang ginagamit sa Siyensiya at Teknolohiya

New cards
63

Introduksyon

Nakapaloob dito ang problema, motibo, layunin. Background at pangkalahatang pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis?

New cards
64

Metodo

Nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sinosino ang sangkot? (Disenyo ng Pag-aaral, Respondente at paraan ng pagpili, Lugar ng Pag-aaral, Hakbang na Isasagawa, Instrumentong gagamitin, Istatistikang Panunuri)

New cards
65

Resulta

Nakapaloob dito ang resulta ng ginawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer.

New cards
66

Analisis

Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pagaaral batay sa resulta.

New cards
67

Diskusyon

Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan.

New cards
68

pagsasaling teknikal

Malaki ang naitutulong ng ______________ sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang sangay at institusyon sa bansa sapagkat ang pangunahing layon nito ay ang magkaroon ng mas malinaw at mabilis na komunikasyon gamit ang Filipino sa larangan ng agham at teknolohiya.

New cards
69

MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

(Unibersidad ng Pilipinas)

1. Pagtutumbas mula Tagalog/Filipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas 2. Panghihiram sa Español

3. Panghihiram sa Ingles; pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles

4. Paglikha

New cards
70

Taga Salin

Katangiang Dapat Taglayin ng mga _______ sa Tekstong Siyentipiko at Teknikal

1. malawak na kaalaman;

2. mayamang imahinasyon;

3. katalinuhan;

4. kakayahang makapamili at makapagpasya sa pinakaangkop na terminong katumbas mula sa literatura ng mismong larangan o sa diksiyonaryo;

5. kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika nang may kalinawan, katiyakan, at bisa; at 6. karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na larangan o disiplina.

New cards
71

saling-angkat

direct borrowing

persepsyon mula sa Latin na perception

amnesya mula sa Ingles na amnesia

sikolohiya mula sa Kastila na psicologia

mahal mula sa Bahasa Malaysia na mahal

salin mula sa Javanese na salin

New cards
72

saling-paimbabaw

(surface assimilation)

Halimbawa:

reimporsment mula sa reinforcement suggested mula sa suggestion

its depends mula sa it depends

bolpen mula sa ballpen

tsaa mula sa cha

New cards
73

saling-panggramatika

(grammatical translation)

Halimbawa: inter-aksyong sosyal ---- social interaction

kumperensyang internasyunal ---- international conference

reaksyong abnormal ---- abnormal reaction

New cards
74

saling-hiram

(loan translation) –

Halimbawa:

paghuhugas-isip para sa brainwashing

alon ng tunog para sa sound waves

alon ng utak para sa brain waves

susing-panalita para sa keynote speaker

New cards
75

saling-likha

(word invention)

Halimbawa: punlay (punla+buhay) – sperm

banyuhay (bagong anyo ng buhay) - metamorphosis

balarila (bala ng dila) - grammar

New cards
76

saling-daglat

(acronyms/abbreviated word)

Halimbawa: BSU-Batangas State University

LPU-Lyceum of the Philippines University

UB-University of Batangas

TAPSILOG - Tapa-Sinangag-Itlog

New cards
77

saling-tapat

(parallel translation)

Halimbawa: panaderya para sa bakery

Lesson Plan para sa guro

New cards
78

saling-taal

(indigenous-concept oriented translation)

Halimbawa:

Pakikitungo (transaction/civility with)

Pakikisalamuha (inter-action with)

Pakikilahok (joining/participating)

New cards
79

saling-sanib

(amalgamated translation)

gahum (Cebuano) para sa hegemony

hinupang (Hiligaynon) para sa adolescence

New cards
80

Clarke at Clarke (2005)

ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba’t ibang larangan o disiplina.

New cards
81

Nuncio, et. al. (2013),

ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng paghahanap na obhetibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.

New cards
82

Aquino (1994)

ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

New cards
83

Sistematiko matalino etikal

Ang pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik ay kailangang:

New cards
84

Sistematik

proseso o pagkakasunod-sunod na mga hakbang

New cards
85

pangunahing layunin ng pananaliksik

Makadiskubre ng bagong kaalaman

Makakita ng sagot sa mga suliranin

Umiiral na teknik at makadebelop

Maunawaan ang kalikasan ng dati nang substance at elemenets

Makalikha ng mga batayan

Ma-satisfy ang kuryosidad

Mapalawak o ma-verify ang kaalaman

Mapaunlad ang sariling kaalaman mabatid ang lawak ng kaalaman

New cards
86

Sistematik kontrolado empirikal

Katangian ng Pananaliksik

New cards
87

Kontrolado

kailangang maging constant ang mga baryabol

New cards
88

Empirikal

katanggap-tanggap ang mga pamamaraan

New cards
89

Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik

Naisasaalang-alang sa pangangailangan ng lipunan

New cards
90

Pagpili ng Batis ng Impormasyon

Nakabatay sa bisa ng mga nakahanay na datos at impormasyon

New cards
91

Pagbasa, Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak at Rebyu

May mga kasanayan sa pagbasa na dapat taglayin ng isang mahusay na mananaliksik tulad ng pagsulat ngparaphrase, abstrak at rebyu.

New cards
92

Akademikong Publikasyon

Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung hindi ito naibahagi at nailathala sa mga akademikong journal.

New cards
93

Presentasyon ng Pananaliksik

paraan ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang kumperensiya.

New cards
94

maka-Pilipinong pananaliksik

gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.

New cards
95

paksang naaayon sa interes

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng ____________ at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

New cards
96

(San Juan, et al., 2019).

Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na mga batayan

1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.

2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw

3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong kaalaman. Hindi na mahalaga kung bago o luma ang paksa.

4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa pananaliksik.

5 . Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa.

New cards
97

Pagpili ng Batis ng Impormasyon

1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko.

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian.

3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o Hal. sekundarya. aklat, journal, artikulo, URLs: .edu, .org, .com

New cards
98

Paraphrase

tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan.

New cards
99

Abstrak

Ang_________ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report.

New cards
100

pagsulat ng abstrak

Mga dapat tandaan:

1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel.

2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para pahabain ito.

3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak

4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsulat ng abstrak.

5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.

6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng pananaliksik.

New cards

Explore top notes

note Note
studied byStudied by 13 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 14 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 10 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 9 people
... ago
4.0(1)
note Note
studied byStudied by 8 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 166 people
... ago
5.0(5)
note Note
studied byStudied by 56 people
... ago
5.0(1)
note Note
studied byStudied by 16 people
... ago
5.0(1)

Explore top flashcards

flashcards Flashcard (55)
studied byStudied by 1 person
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (41)
studied byStudied by 1 person
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (29)
studied byStudied by 5 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (413)
studied byStudied by 209 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (44)
studied byStudied by 4 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (30)
studied byStudied by 7 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (41)
studied byStudied by 23 people
... ago
5.0(1)
flashcards Flashcard (22)
studied byStudied by 13 people
... ago
5.0(1)
robot