1/75
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ano-ano ang mga Bahagi ng Pananalita?
PANGNGALAN, PANGHALIP, PANDIWA, PANG-URI, PANG-ABAY, PANG-UKOL, PANGATNIG, PANDAMDAM, at PANTUKOY
Ano ang Pangngalan?
Salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Dalawang uri ng Pangngalan
Pangngalang Pambalana at Pantangi
Ano ang Panghalip?
Bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Uri ng Pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Pangngalang Pambalana
Uri ng Pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
Pangngalang Pantangi
Ang mga salitang lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, at ibon ay nasa anong uri ng Pangngalan?
Pangngalang Pambalana
Ang mga salitang Hannah, SM MOA, at Penshoppe ay nasa anong uri ng Pangngalan?
Pangngalang Pantangi
Ano-ano ang anim na uri ng Panghalip?
Panghalip Panao, Paari, Pananong, Pamatlig, Pamilang, at Panaklaw
Uri ng Panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao.
Panghalip Panao
Ano ang Panghalip Paari?
Uri ng panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari, kadalasang ginagamit sa mga pahayag na may kaugnayan sa pag-aari.
Ano ang Panghalip Pananong?
Uri ng panghalip na ginagamit upang magtanong tungkol sa tao, bagay, o pangyayari.
Ano ang Panghalip Pamatlig?
Uri ng panghalip na ginagamit upang tukuyin o ituro ang isang tao, bagay, o lugar.
Ano ang Panghalip Pamilang?
Uri ng panghalip na nagpapahayag ng bilang o dami, na ginagamit upang tukuyin ang eksaktong bilang ng tao o bagay.
Ano ang Panghalip Panaklaw?
ginagamit para tukuyin ang bilang ng pangngalan.
Ang mga salitang gaano man, alin man, saan man, sinuman, ilan man, kaninuman, at bawat ay nasa anong uri ng Panaklaw?
Pang-isahan
Ang mga salitang lahat, pawang, marami, kapwa, at ilan ay nasa anong uri ng Panaklaw?
Pang-maramihan
3 Anyo ng Panghalip Pamatlig:
Anyong “ang”, Anyong “ng“, at Anyong “sa“
Mga uri ng Panghalip Pamilang:
patakaran, panunuran, pamahagi, palansak, pahalaga, at patakda
Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip.
Panghalip Pamilang
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Pandiwa
3 uri ng Pandiwa
Payak, Katawanin, Palipat
Ano ang Payak (Pandiwa)?
ginagamit na simuno (subject) sa pangungusap.
Ito ay isang uri ng Pandiwa na nagpapakita na buo ang diwang ipinahahayag. Wala itong tuwirang layon o tumatanggap ng kilos.
Katawanin
Ang uri ng Pandiwa na ito ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ito ay karaniwang may kasamang layon na tumutukoy sa bagay na direktang tinatamaan ng kilos. Ginagamitan ito ng mga panlaping -an/-han, i-, ipang-, at ipa-
Palipat
Tawag sa relasyong pansematika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Pokus ng Pandiwa
Pitong Pokus ng Pandiwa
Pokus tagaganap, sa layon, sa tagatanggap, sa ganapan, sa kagamitan, sa sanhi, at sa direksyunal.
Nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng pangungusap.
Pokus sa Kagamitan
Ano ang Pokus sa Tagatanggap?
Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno sa pangungusap.
Uri ng Pokus ng Pandiwa na kung saan ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Pokus sa Sanhi
Ito ay nagpapakita kung kailan ang kaganapan ng kilos o gawa.
Aspekto ng Pandiwa
Nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos. Ito ay kadalasan binubuo ng salitang ugat at mga panlaping “nag-”, “um-”, “nan-”, “-in”, “ni-”, “na-’, at “-an”.
Perpektibo
Ano ang Imperpektibo?
Ang imperpektibong aspekto ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw na ginagawa pa o hindi pa tapos. Ito ay tinatawag ding pangkasalukuyang aspekto.
Ito ay nagsasaad ng kilos na hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang.
Kontemplatibo
Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa sa simuno (subject). Nakakatulong ito sa pagpapaliwanag ng relasyon ng simuno at layon sa pangungusap. Ito ay may tatlong uri: payak, katawanin, at palipat.
Mga Uri ng Pandiwa Ayon sa Kaukulan
Ito ay ayon sa mga panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang magbago ang anyo at kahulugan nito. Ito ay may apat na uri: pawatas, maylapi, inuulit, at tambalan.
Mga Uri ng Pandiwa Ayon sa Panlapi
Salitang naglalarawan sa pangngalan. Nilalarawan nito ang katangian, itsura, kulay, bilang o dami, laki, amoy, panlasa, at hugis.
Pang-uri
3 Antas ng Pang-uri
pahambing na magkaulad, pahambing na ‘di-magkatulad, at pasukdol
Uri ng Pang-uri na ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar) o panghalip.
Pahambing na Pang-uri
Ano ang Pang-abay?
Ito ay mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Uri ng Pang-abay na nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa
Pamanahon
Ito ay maikling kataga na walang kahulugan kung nag-iisa lamang ito ngunit nakakapagpabago ng kahulugan ng pangungusap. Inilalagay ito sa pagitan ng pangungusap upang mas lalong luminaw ang kahulugan nito.
Ingklitik o Kataga
Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit upang ipakita ang relasyon ng isang salita o grupo ng mga salita sa iba pang bahagi ng pangungusap. Ito ay naglalayong mag-ugnay sa isang pangngalan, pandiwa, panghalip o pang-abay sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Karaniwan itong ginagamit upang tukuyin ang pinagmulan, kinaroroonan, pinangyarihan, o kina-uukulan ng isang aksyon, balak, o layon.
Pang-ukol
Magbigay ng isa sa mga pangunahing layon ng Pang-ukol
Ang mga pangunahing layon nito ay upang:
Ipakita ang relasyon ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Magbigay ng mas malinaw na pagkakaintindi sa pangungusap.
Magpahiwatig ng pagkakabuo, pananagutan, at iba pang relasyon sa mga salita.
Tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ito ay maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw, manubali, magbigay halintulad, magbigay sanhi, at magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.
Pangatnig
Uri ng Pangatnig na kung saan ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito.
Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, o kahit.
Pangatnig na Paninsay
Uri ng Pangatnig na kung saan ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, sakali, disin sana, kapag, o pag.
Pangatnig na Panubali
Uri ng Pangatnig na kung saan ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino… siyang, kung ano… siya rin, o kung gaano… siya rin.
Pangatnig na Panulad
2 pangkat ng Pangatnig
Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit at Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit
2 gamit ng Pangatnig
Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Salita at Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Parirala
O Interjection sa Ingles. Ayon sa may-akda ng Makabagong Balarila, maaring magamit ito sa kahit anong salita kung bibigkasin ito nang may matinding damdamin.
Pandamdam
Ano ang Pantukoy
katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan.
2 uri ng Pantukoy
Pantukoy na Pambalana at Pantukoy na Pantangi
Kapag ang isang grupo ng salita ay walang diwa, ito ay isang…
Parirala
grupo ng mga salita na may buo o hinding buong diwa ay tinatawag na…
Sugnay
dalawang uri ng sugnay
Sugnay na makapag-iisa at Sugnay na di makapag-iisa
Ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri. Buo pa rin ang diwa nito kahit inihiwalay sa pangungusap.
Sugnay na makapag-iisa
ano ang Sugnay na di makapag-iisa
Ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri subalit hindi nagbibigay ng buong diwa kapag inihiwalay sa pangungusap. Pinangungunahan ito ng pangatnig gaya ng habang, ngunit, kung, samantala, sapagkat.
Ito ay isang yunit ng wika na nagpapahayag ng isang kaisipan, karanasan, damdamin, at iba pang impormasyon. Ito ay maaaring magsimula sa isang salita lamang o maging lipon ng mga salita na magkakaugnay upang magpahayag ng kumpletong diwa o kaisipan. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang simuno (paksa) at panaguri (naglalarawan sa simuno), na buo ang diwa.
Pangungusap
dalawang bahagi ng isang pangungusap
simuno at panaguri
bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung sino o ano ang paksa. Ito ay maaaring tao, bagay, lugar, o pangyayari.
simuno
nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa simuno. Ito ay maaaring isang aksyon, katangian, o kondisyon ng simuno.
panaguri
Ang mga pangungusap ay maaaring pangkatin ayon sa bilang o uri ng diwa na bumubuo sa mga ito:
Payak na pangungusap, Tambalang pangungusap, at Hugnayang pangungusap
dalawang ayos ng pangungusap
karaniwan at di karaniwan
Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ito ay nasa…
karaniwang ayos
Kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ito ay nasa
‘di-karaniwang ayos
Ang pangungusap ay mayroong iba’t ibang gamit o tungkulin, tulad ng…
pasalaysay, patanong, pautos, padamdam, at pakiusap
ano ang pangungusap na pasalaysay?
Ang pangungusap na pasalaysay o paturol ay nagbibigay ng impormasyon, opinyon, pahayag, o kaisipan. Ito ay karaniwang nagtatapos sa tuldok (.).
Ang pangungusap na ito ay isang uri ng pautos na nagpapahayag ng pakiusap o kahilingan. Ito ay karaniwang nagtatapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?).
Pakiusap
ano-ano ang mga uri ng pangungusap na walang paksa?
eksistensyal, temporal, penomenal, panawag, sambitla, pormularyong panlipunan, sagot lamang, at pautos/pakiusap
ano-ano ang walong pagbabantas?
Tuldok (.)
Kuwit (,)
Pananong (?)
Pandamdam (!)
Tutuldok (:)
Tuldukuwit (;)
Gitling ( - )
Gatlang ( – )
Sa pagitan ng mga panlaping maka, taga, mag sa, at sa mga tambalang salita. (pagbabantas)
gitling ( - )
saan ginagamit ang Gatlang ( – )?
Panghalili sa panaklong, sa mga pagbabagong diwa ng pahayag.
Humahalili sa pangatnig at naghihiwalay sa mga sugnay.
Tuldukuwit (;)
Sa hanay ng mga tala o halimbawa.
Tutuldok (:)
Sa paghahanay ng mga kaisipan o halimbawa sa isang uri o pangkat.
Kuwit (,)