1/60
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?
Ay ang kakayahan ng isang tao na gamitin ang wika nang angkop sa iba't ibang sitwasyon, tao, lugar, at layunin ng komunikasyon.
Sino ang bumuo ng SPEAKING Model?
Ang SPEAKING Model ay binuo ni Dell Hymes upang ipaliwanag kung paano nauunawaan ang isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Ano ang ibig sabihin ng S sa SPEAKING Model?
Setting/Scene
Ano ang ibig sabihin ng P sa SPEAKING Model?
Participants
Ano ang ibig sabihin ng E sa SPEAKING Model?
Ends (Layunin)
Ano ang ibig sabihin ng A sa SPEAKING Model?
Act Sequence
Ano ang ibig sabihin ng K sa SPEAKING Model?
Key (Tono o Damdamin)
Ano ang ibig sabihin ng I sa SPEAKING Model?
Instrumentalities
Ano ang ibig sabihin ng N sa SPEAKING Model?
Norms
Ano ang ibig sabihin ng G sa SPEAKING Model?
Genre
Ano ang Kakayahang Lingguwistiko?
Dito pinag-aaralan ang wika, tunog, pagbuo ng salita, at pag-aayos ng mga salita.
Ano ang Kakayahang Pragmatiko?
Kakayahang gamitin ang wika ayon sa layunin at sitwasyon. Isinasaalang-alang dito ang kausap, lugar, panahon, at konteksto upang maging angkop ang komunikasyon.
Ano ang Kakayahang Diskursal?
Kakayahang makabuo ng magkakaugnay, organisado, at malinaw na talata o usapan upang maging buo ang mensahe.
Ano ang Pangngalan?
Noun
Ano ang Panghalip?
Pronoun
Ano ang Pandiwa?
Verb
Ano ang Pang-uri?
Adjective
Ano ang Pang-abay?
Adverb
Ano ang Pang-ukol?
Preposition
Ano ang Pangatnig?
Conjunction
Ano ang Pandamdam?
Interjection
Sino ang nagpanukala ng mga estratehiya sa personal at interpersonal na pagpapahayag?
Engleberg at Wynn (2008) ang nagpanukala ng ilang estratehiya sa personal at interpersonal na pagpapahayag kung paano iwawaksi ang mga negatibong pag-iisip, pangangamba, at takot na sagabal sa pagpapalakas ng tiwala sa sarili.
Ano ang Panuntunan sa Kumbersasyon?
Ang Panuntunan sa Kumbersasyon (Conversational Maxims) ay inilahad ni Paul Grice noong 1975. Nakabatay ito sa Cooperative Principle (Prinsipyo ng Kooperasyon), na nagsasabing ang mga taong nag-uusap ay inaasahang nagtutulungan upang maging malinaw, maayos, at mabisa ang komunikasyon.
Sino ang naglahad ng Panuntunan sa Kumbersasyon?
Paul Grice noong 1975.
Ano ang Cooperative Principle?
Nagsasabing ang mga taong nag-uusap ay inaasahang nagtutulungan upang maging malinaw, maayos, at mabisa ang komunikasyon.
Ano ang Maxim of Quantity (Kantidad)?
Magbigay lamang ng sapat na impormasyon—hindi kulang at hindi rin sobra.
Ano ang Maxim of Quality (Kalidad)?
Sabihin lamang ang totoo at may sapat na batayang impormasyon.
Ano ang Maxim of Relation (Relasyon)?
Ang sagot o pahayag ay dapat may kaugnayan sa paksa ng usapan.
Ano ang Maxim of Manner (Paraan)?
Magsalita nang malinaw, hindi mahaba, maayos, at hindi malabo o nakalilito.
Ano ang Berbal na Komunikasyon?
Ang berbal na komunikasyon ay ang paggamit ng mga salita—pasalita man o pasulat—upang maipahayag ang mensahe.
Ano ang Pasalitang Komunikasyon?
Ginagamit ang bibig at tinig sa pagpapahayag.
Ano ang Pasulat na Komunikasyon?
Ginagamit ang pagsulat upang maipahayag ang mensahe.
Ano ang Di-Berbal na Komunikasyon?
Ang pagpapahayag ng mensahe nang hindi gumagamit ng mga salita.
Ano ang ginagamit sa Di-Berbal na Komunikasyon?
Kilos, galaw, ekspresyon ng mukha, tono ng boses, at iba pang simbolo.
Ano ang Kinesics (Kilos ng Katawan)?
Pagpapahayag gamit ang galaw ng katawan.
Ano ang Proksemika/Proxemics (Espasyo)?
Tumutukoy sa distansiya ng mga taong nag-uusap.
Ano ang Pandama o Paghawak / Haptics?
Komunikasyong gamit ang paghawak.
Ano ang Paralanguage?
Tumutukoy sa paraan ng pagsasalita, hindi sa mismong salita.
Ano ang Katahimikan?
Kahit walang binibigkas na salita, maaari pa rin itong maghatid ng mensahe.
Ano ang Kapaligiran?
Tumutukoy ito sa lugar o pisikal na kapaligiran na maaaring makaapekto sa kahulugan at bisa ng komunikasyon.
Ano ang Oculesics?
Paggamit ng mata at tingin bilang paraan ng pagpapahayag.
Ano ang Chronemics?
Paggamit at pagpapahalaga sa oras bilang bahagi ng komunikasyon.
Ano ang Physical Appearance?
Ay tumutukoy sa panlabas na anyo ng isang tao tulad ng pananamit, kalinisan ng katawan, ayos ng buhok, postura, at pangkalahatang presentasyon ng sarili.
Ano ang Artifacts?
Mga bagay o kagamitang isinusuot o ginagamit ng isang tao na may ipinahihiwatig na mensahe.
Ano ang Padron (Pattern)?
Ang padron ay paraan ng paglalahad o pag-oorganisa ng mga ideya sa isang teksto.
Ano-ano ang mga uri ng Padron?
Sanhi at Bunga; Paghahambing at pagkokontrast; Pagbibigay ng halimbawa; Paglalarawan; Pag-uuri; Problema at solusyon; Pagbibigay ng depinisyon.
Ano ang mga Panandang Kohesyong Gramatikal?
Mga elementong pangwika na ginagamit upang pag-ugnayin ang mga salita, pangungusap, at talata upang maging malinaw at organisado ang isang teksto.
Ano-ano ang mga Panandang Kohesyong Gramatikal?
Pagpapatungkol (Reference); Pamalit (Substitution); Elipsis (Ellipsis); Pag-uugnay (Conjunction); Pag-uulit (Lexical Repetition).
Ano ang Pagpapatungkol (Reference)?
Paggamit ng mga salitang tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring nabanggit na o babanggitin pa lamang.
Ano ang halimbawa ng Reference?
Si Liza ay masipag. Siya ay laging nag-aaral.
Ano ang Pamalit (Substitution)?
Paggamit ng salitang pamalit upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng parehong salita.
Ano ang halimbawa ng Substitution?
Gusto ko ang asul na bag. Maaari mo bang ibigay ang isa?
Ano ang Elipsis (Ellipsis)?
Pag-aalis ng salita o pariralang nauunawaan na sa konteksto upang maiwasan ang pag-uulit.
Ano ang halimbawa ng Ellipsis?
Kumain si Ben ng mansanas at si Carla naman ay ubas.
Ano ang Pag-uugnay (Conjunction)?
Paggamit ng mga pang-ugnay upang maging maayos ang daloy ng mga ideya.
Ano ang halimbawa ng Conjunction?
At, ngunit, dahil, kaya, samakatuwid, at gayunpaman.
Ano ang Pag-uulit (Lexical Repetition)?
Sinasadyang pag-uulit ng salita o parirala upang bigyang-diin ang mahalagang ideya.
Ano ang halimbawa ng Lexical Repetition?
Ang edukasyon ay mahalaga. Ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan.
Ano ang Pormal?
Sa pakikipagtalastasan, mayroong tiyak na tuntunin at kumbensiyon na ginagamit. Ang pananalita ay may sinusundang padrino sa pagbuo ng pahayag na nakaaangkop sa antas ng layunin ng target ng audience.
Ano ang Impormal?
Nagbabago ang daluyan o yung tsanel. Karaniwang nangyayari kung ang audience ay kapalagayang-loob (close friends).
Ano ang Bionote?
Isang maikling paglalarawan tungkol sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan, edukasyon, propesyon, karanasan, kasanayan, at mga natamong tagumpay.