1/31
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
pangalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
el filibusterismo
Filibustero
itinuturing na rebelde o subersibo laban sa pamahalaan
Noong Pebrero 17, 1872, binitay ang tatlong paring Pilipino:
o Mariano Gomez
o Jose Burgos
o Jacinto Zamora
Panahon ng Pagsulat
• Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat noong 1887 matapos mailathala ang Noli Me Tangere.
• Natapos niya ito noong 1891.
• Halos apat na taon niya itong isinulat.
Dito unang isinulat ang ilang bahagi.
• Nais sana niyang manatili rito ngunit lumala ang alitan ng kanyang pamilya at ng mga prayle.
Calamba, Laguna
Ipinagpatuloy niya rito ang pagsusulat habang nagsasaliksik sa aklatan.
London, England
• Dinagdagan niya ang ilang kabanata. • Nakipag-ugnayan siya sa iba pang Pilipinong ilustrado
Paris, France
• Nagpatuloy ang kanyang pagsusulat habang nag-aaral at nakikipaglaban para sa reporma.
4. Madrid, Spain
• Dito niya isinulat ang malaking bahagi ng nobela. • Pinili niya ang Brussels dahil mas mababa ang gastusin sa pamumuhay
5. Brussels, Belgium
• Dito niya natapos at naipalimbag ang El Filibusterismo.
Ghent, Belgium
Nailimbag ang El Filibusterismo noong
Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.
nagbigay ng salaping kailangan upang maipalimbag ang aklat
Valentin Ventura
• Ang pangunahing tauhan ng nobela. • Siya ang nagbalik na nagkunwaring isang mayamang alahero. • Dating si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere. • Nagtago matapos mapagbintangang rebelde. • Layunin niyang maghiganti sa pamahalaang Espanyol at mga prayle. • Naniniwala siyang hindi na sapat ang mapayapang reporma; nais niyang magsimula ng rebolusyon. • Siya ang nagplano ng pagsabog sa kasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang lamparang puno ng dinamita. • Sa huli, nabigo ang kanyang plano at nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino kung saan niya inamin ang kanyang tunay na pagkatao bago siya namatay.
Simoun
• Anak nina Sisa at Pedro. • Kapatid ni Crispin. • Isa sa mga pangunahing tauhan ng nobela. • Isa na siyang mag-aaral ng medisina. • Kasintahan ni Juli. • Nais niyang makapagtapos upang maiangat ang kanilang buhay. • Tumangging sumama kay Simoun sa rebolusyon noong una. • Nang mamatay si Juli, halos sumapi siya sa paghihiganti ni Simoun.
Basilio
• Makata at mahusay na mag-aaral. • Pamangkin ni Padre Florentino. • Kasintahan ni Paulita Gomez. • Isa sa mga nanguna sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. • Idealista at naniniwala sa mapayapang pagbabago. • Siya ang nagtapon ng lampara ni Simoun sa ilog kaya nailigtas ang maraming tao.
Isagani
• Isang masipag na magsasaka. • Inagawan ng lupa ng mga prayle. • Dahil sa labis na pang-aapi, naging tulisan. • Simbolo ng mga magsasakang nawalan ng pag-asa sa hustisya.
Kabesang Tales
• Anak ni Kabesang Tales. • Kasintahan ni Basilio. • Naglingkod bilang katulong kay Hermana Penchang. • Tinangka siyang pagsamantalahan ni Padre Camorra. • Dahil sa kahihiyan, tumalon siya mula sa bintana at namatay.
Juli
• Ama ni Kabesang Tales. • Lolo ni Juli. • Naging pipi matapos sunod-sunod na trahedyang naranasan ng pamilya.
Tandang Selo
• Isang Pilipinong pari. • Tiyuhin ni Isagani. • Mabait, matalino, at makabayan. • Pinakinggan niya ang huling pagtatapat ni Simoun. • Siya ang nagtapon ng kayamanan ni Simoun sa dagat upang hindi ito magamit sa kasamaan.
Padre Florentino
• Prayleng Pransiskano. • Kilala sa pagiging mapang-abuso at mahilig sa babae. • Tinangka niyang halayin si Juli. • Simbolo ng imoralidad ng ilang prayle.
Padre Camorra
• Pari na kunwa'y kakampi ng mga estudyante. • Ngunit mas pinoprotektahan niya ang sariling kapakanan. • Tagapayo ng mga mag-aaral sa usapin ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Irene
• Dominikanong pari. • Isa sa iilang prayleng makatarungan. • Nakikipagdebate kay Isagani tungkol sa edukasyon. • Bukas ang isip sa iba't ibang pananaw
Padre Fernandez
• Propesor sa pisika. • Napakahigpit. • Minamaliit ang mga Pilipinong mag-aaral. • Pinahiya si Placido Penitente.
Padre Millon
• Mataas na opisyal ng pamahalaan. • Tagapagpasya sa mungkahing Akademya ng Wikang Kastila. • Tinanggihan ang kahilingan ng mga estudyante. • Simbolo ng burukrasya
Don Custodio de Salazar
• Mamamahayag. • Mahilig magsulat ng pabor sa mga Espanyol. • Mahilig magpalabis ng balita. • Simbolo ng bias na media.
Ben Zayb
• Mag-aaral ng unibersidad. • Matalino ngunit nawalan ng gana dahil sa sistemang pang-edukasyon. • Umalis sa paaralan matapos mapahiya.
Placido Penitente
• Pinakamayamang estudyante. • Isa sa mga nanguna sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. • Nagpahiram ng bahay para sa pagpupulong ng mga estudyante.
Makaraig
• Kastilang estudyante. • Kumakampi sa mga Pilipino. • Naniniwala sa pagkakapantay-pantay.
Sandoval
• Isa ring estudyante. • Madalas magduda sa tagumpay ng kanilang mga plano. • Mapanuri.
Pecson
• Pinakatamad sa grupo. • Laging umaasa na walang pasok. • Nakakatawang tauhan sa nobela.
Tadeo
• Mayamang binata. • Anak ng mayamang negosyante. • Napangasawa si Paulita Gomez. • Mahilig makisama sa mga prayle.
Juanito Pelaez
• Kasintahan ni Isagani noong una. • Pamangkin ni Doña Victorina. • Iniwan si Isagani at pinakasalan si Juanito Pelaez.
Paulita Gomez