AP super duper a lot

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/199

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

dont actually use this

Last updated 12:18 PM on 8/31/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

200 Terms

1
New cards

ISAHANG PAGMAMAY-ARI O SOLE PROPRIETORSHIP

Iisang tao ang nagmamay-ari ng negosyo, naglalaan ng pangunahing kapital, tumatanggap ng tubo, at gumagawa ng mahahalagang pasya. Karaniwang halimbawa nito ang sari-sari store, maliit na repair shop, online shop, food stall, salon, at iba pang negosyong maaaring simulan sa limitadong puhunan at payak na organisasyon. 

2
New cards

ISAHANG PAGMAMAY-ARI O SOLE PROPRIETORSHIP

Pinakamalaking lakas nito ang bilis at linaw ng pagpapasiya.  Walang mahabang botohan o konsultasyon bago baguhin ang presyo, produkto, supplier, o oras ng operasyon.  Malapit din ang ugnayan ng may-ari sa manggagawa at mamimili, kaya mabilis niyang napapansin ang reklamo, pagbabago ng panlasa, at pangangailangan sa serbisyo.  Ang natitirang kita matapos bayaran ang gastusin ay napupunta sa may-ari.

3
New cards

SOSYOHAN O PARTNERSHIP 

Kasunduan ng dalawa o higit pang tao na mag-ambag ng salapi, ari-arian, kasanayan, industriya, o kombinasyon ng mga ito sa isang negosyo at paghahatian ang tubo ayon sa kanilang napagkasunduan.  Dahil pinagsasama ang lakas ng mga kasosyo, maaaring magkaroon ng mas maraming kapital, ideya, network, at espesyalisadong kakayahan. 

4
New cards

SOSYOHAN O PARTNERSHIP

Mahalaga ang malinaw na partnership agreement upang matukoy ang halaga at uri ng ambag, tungkulin, lawak ng kapangyarihang magpasya, paraan ng paghahati ng tubo at lugi, pagpasok o pag-alis ng kasosyo, at proseso sa paglutas ng hindi pagkakaunawaan.

5
New cards

SOSYOHAN O PARTNERSHIP

Ang pangunahing hamon dito ay ang posibilidad ng hindi pagkakasundo. Ang magkaibang pananaw sa paggastos, kalidad, pagkuha ng manggagawa, oras ng trabaho, o paghahati ng kita ay maaaring makaapekto sa relasyon at operasyon. Kaya mahalaga ang malinaw na komunikasyon, records, awtoridad, at mekanismo sa paglutas ng alitan. 

6
New cards

KORPORASYON

Isang legal na katauhang hiwalay sa mga stockholder o miyembrong bumuo nito. 

7
New cards

Kapital

Sa stock corporation, ito ay nahahati sa shares.

8
New cards

Stockholders

Sa stock corporation, ang may hawak ng nahahati sa shares ay tinatawagang?

9
New cards

Board of Directors

Sa isang stock corporation, sila ang nagtatakda ng mahahalagang polisiya, habang ang mga opisyal at manager ang nangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon.

10
New cards

 Ang tubo ng stockholder

Sa isang korporasyon, ito’y maaaring dumating sa anyo ng dibidendo at pagtaas ng halaga ng shares, ngunit hindi garantisado ang dibidendo. 

11
New cards

KORPORASYON

Kabilang naman sa mga hamon ang mas komplikadong pagtatatag, reportorial requirements, corporate governance, at posibilidad ng burukrasya

12
New cards

KOOPERATIBA

Isang autonomous at demokratikong samahan ng mga taong kusang-loob na nagsama upang tugunan ang magkakatulad na pangangailangang pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura sa pamamagitan ng negosyong sama-samang pag-aari at pinamamahalaan. 

13
New cards

ENTREPRENYUR 

Magkakaiba man ang produkto at serbisyong iniaalok ng mga negosyong ito, may isang mahalagang bagay na nag-uugnay sa kanila.  Ang bawat isa ay nagsimula sa ITONG TAO na nakakita ng pangangailangan, bumuo ng ideya, naglaan ng puhunan, at humarap sa panganib upang maisakatuparan ang kaniyang layunin. 

14
New cards

entreprende, isagawa, isakatuparan

Ang salitang entreprenyur ay mula sa salitang Pranses na _____ na nangangahulugang "_____" o "______."  Tumutukoy ito sa taong nagsasama-sama ng iba't ibang salik ng produksiyon upang makalikha ng produkto o serbisyo at mapatakbo ang isang negosyo.  Hindi lamang siya naglalaan ng puhunan.

15
New cards

1. Nakapokus sa Nais Matamo 

May malinaw na layunin ang entreprenyur. Nakatutuon ang kaniyang oras at pagsisikap sa pagkamit ng mga mithiin ng negosyo. Para sa kaniya, mahalaga ang bawat oras kaya hindi ito sinasayang sa mga gawaing walang kaugnayan sa layunin. 

16
New cards

2. Handang Tumanggap ng Pagbabago 

Bukas ang entreprenyur sa mga bagong ideya at pagbabago sa pagnenegosyo. Inaangkop niya ang produkto o serbisyo sa pangangailangan at panlasa ng mamimili. Maaari rin siyang gumamit ng makabagong teknolohiya at social media upang mapalawak ang negosyo. 

17
New cards

3. Malakas ang Loob 

Hindi agad sumusuko ang entreprenyur kapag nakararanas ng pagkalugi o kabiguan. Patuloy siyang naghahanap ng paraan upang malampasan ang mga pagsubok at makabangon muli. 

18
New cards

4. May Disiplina 

Mahalaga ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang entreprenyur ay maingat sa paggamit ng oras, puhunan, at yaman ng negosyo. Mahalaga rin ang maayos na pakikitungo sa mga manggagawa at mamimili

19
New cards

Joseph Schumpeter, innovator

Ayon sa kanila/kaniya, ang entreprenyur ay isang ________. May kakayahan siyang gumamit ng mga bagong ideya upang makalikha o makapagpahusay ng mga produkto at serbisyo.

Naniniwala siya na mahalaga ang mga pagbabago at inobasyon sa pag-unlad ng negosyo at ekonomiya.


IDENTIFY BOTH THE NAME AND BLANK

20
New cards

Frank Knight, Peter Drucker, risk bearer/risk taker

Ayon sa kanila/kaniya, ang entreprenyur ay isang ________. Handa siyang magtaya ng panahon, yaman, at pagsisikap upang maisakatuparan ang isang ideya o negosyo. Gayunman, hindi siya basta sumusugal; pinag-aaralan niyang mabuti ang kaniyang mga pagpapasiya. 

21
New cards

1. Tagapag-ugnay ng mga Salik ng Produksiyon 

Pinagsasama-sama ng entreprenyur ang lupa, paggawa, kapital, at iba pang salik upang makalikha ng produkto o serbisyo. Siya ang nag-oorganisa ng mga kailangan sa produksiyon

22
New cards

2. Tagapagpasya 

Ang entreprenyur ang gumagawa ng mahahalagang desisyon tungkol sa produkto, presyo, paraan ng produksiyon, at target na mamimili. Nasa kaniya ang mahahalagang pagpapasiya para sa negosyo. 

23
New cards

3. Lider at Tagapamahala 

Pinangungunahan at pinamamahalaan niya ang negosyo. Tinitiyak niyang maayos ang operasyon, napangangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, at natutugunan ang pangangailangan ng mamimili. Dahil dito, tinatawag siyang Kapitan o Utak ng Industriya. 

24
New cards

DIVISION OF LABOR 

Upang mapabilis ang paggawa, hinati-hati ng sandwich shop ang mga gawain ayon sa espesyalisasyon. May isang manggagawa sa paghahanda ng tinapay, isa sa paglalagay ng palaman, isa sa pag-aayos ng sandwich, at isa sa pagbabalot at paglalagay ng label.

25
New cards

MECHANIZATION 

Patuloy pa ring dumarami ang order, kaya nagdagdag ang may-ari ng makina upang gawin ang isang gawain na dati ay ginagawa ng tao.

Halimbawa, ang isang bread-slicing machine ang naghihiwa ng tinapay sa halip na isang manggagawa. Sa ganitong paraan, ang makina mismo ang gumagawa ng isang bahagi ng proseso ng produksiyon. 

26
New cards

PRODUCTION LINE 

Upang maging mas organisado ang paggawa, inayos ang proseso sa magkakasunod na istasyon.

Mula sa paghahanda ng tinapay, dumaraan ang sandwich sa paglalagay ng palaman, pag-aayos, at packaging.

Maaaring gumamit ng conveyor belt o magkakaibang stations upang tuloy-tuloy at sunod-sunod na maisagawa ang bawat hakbang ng produksiyon. 

27
New cards

AUTOMATION

Sa ganitong bahagi ng proseso, maaaring itakda muna ang mga kailangang gawin ng makina.

Pagkatapos, awtomatikong nagpapatuloy ang makina sa paggawa ng isang gawain nang hindi ito kailangang palaging direktang kontrolin ng tao.

Halimbawa, maaaring awtomatikong magbalot ng mga sandwich ang isang automated packaging machine. 

28
New cards

ROBOTICS 

Sa paggamit nito, computer-controlled robots ang gumagawa ng mga partikular na gawain sa produksiyon. Halimbawa, maaaring gumamit ng robot arm upang kumuha ng sangkap, mag-ayos ng sandwich, o maglagay nito sa packaging. Ang galaw ng robot ay kinokontrol ng isang computer system. 

29
New cards

TOTAL FIXED COST (TFC)

Gastusing hindi nagbabago kahit magbago ang dami ng output.

30
New cards

TOTAL VARIABLE COST (TVC) 

Gastusing nagbabago ayon sa dami ng output. 

31
New cards

TOTAL COST (TC)

Kapag pinagsama ang fixed cost at variable cost, makukuha ang kabuuang gastusin sa produksiyon.

32
New cards

Average Fixed Cost (AFC)

Fixed cost bawat produkto.

33
New cards

Average Variable Cost (AVC)

Variable cost bawat produkto.

34
New cards

Average Total Cost (ATC)

Kabuoang gastos bawat produkto.

35
New cards

Marginal Cost (MC)

Dagdag na gastos sa dagdag na produkto.

36
New cards

Implicit Cost

Halagang nauugnay sa paggamit ng sariling pag-aari o salik ng produksiyon.

37
New cards

Explicit Cost

Gastusing aktuwal na binabayaran.

38
New cards

Opportunity Cost

Halaga ng pinakamahalagang alternatibong isinakripisyo.

39
New cards

Pagkonsumo (Consumption)

ang paggamit ng mga produkto at

serbisyo upang matugunan ang

pangangailangan at kagustuhan ng

tao.

40
New cards

PAG-AANUNSIYO

pagbibigay ng

impormasyon upang

hikayatin ang mga tao

na tangkilikin ang isang

produkto at serbisyo.

41
New cards

Bandwagon

Paraan ng pag-aanunsiyo na

nanghihikayat sa mamimili na

gumamit ng produkto dahil

marami nang gumagamit nito.

42
New cards

Testimonial

Pagpapahayag o pag-endorso

ng isang kilalang tao o

gumagamit ng produkto upang

mahikayat ang iba na bumili.

43
New cards

Brand

Kilalang pangalan o tatak

ng produkto na nagsisilbing

pagkakakilanlan nito sa

merkado.

44
New cards

Pagpapahalaga ng Tao (Values)

Ang mga paniniwala, prinsipyo, at

prayoridad ng tao na nakaaapekto

sa kanyang desisyon sa pagbili at

pagkonsumo.

45
New cards

Panggagaya (Imitation)

Pagkiling ng tao na tularan ang

istilo, gawi, o binibiling

produkto ng ibang tao lalo na

ng mga kaibigan, pamilya, o

iniidolo.

46
New cards

Kita (Income)

Halagang tinatanggap ng isang

tao o pamilya bilang kabayaran

sa kanilang trabaho, negosyo, o

puhunan.

47
New cards

Kita (Income)

Habang tumataas ng isang

tao o sambahayan ito, bumababa ang

porsiyento ng kita na ginagastos nila

sa pagkain, kahit maaaring tumaas

ang aktuwal na halaga ng kanilang

ginagastos sa pagkain.

48
New cards

Okasyon

Mga espesyal na pangyayari

tulad ng kaarawan, kasal, Pasko,

at pista na nagiging dahilan ng

pagtaas ng paggasta at

pagkonsumo.

49
New cards

Presyo

Halagang ibinabayad kapalit

ng isang produkto o serbisyo.

Kapag mababa ang presyo,

mas maraming tao ang

bumibili.

50
New cards

REHIYONALISMO

Pagkiling sa mga

produktong gawa o

nagmumula sa sariling

rehiyon o lalawigan.

51
New cards

Kaisipang Kolonyal

Pagpapahalaga sa

mga produktong

banyaga kaysa sa mga

produktong lokal.

52
New cards

Pakikisama

Pagpapanatili ng mabuting

relasyon sa kapwa kahit

minsan ay napipilitang

gumastos upang makibagay

sa grupo.

53
New cards

Pagtatanaw ng utang na loob

Pagbibigay ng pabor,

suporta, o pagtangkilik

sa taong nakatulong

bilang pasasalamat.

54
New cards

PRODUKTIBO (PRODUCTIVE)

Pagkonsumo ng mga produkto

at serbisyong nakatutulong sa

paglikha ng iba pang produkto o

sa pagpapataas ng kakayahan

ng tao.

55
New cards

TUWIRAN (DIRECT)

Agarang paggamit ng

produkto o serbisyo para

at kaagad nararamdaman

ang epekto nito

56
New cards

MAPANGANIB

Pagkonsumo ng mga

produkto o gawaing

maaaring magdulot ng

pinsala sa kalusugan o

kapaligiran.

57
New cards

MAAKSAYA

Labis o hindi

kinakailangang paggasta

sa mga bagay na hindi

mahalaga.

58
New cards

LAW OF VARIETY

Nais ng tao na

magkaroon ng iba't ibang

produkto at serbisyo

upang mapataas ang

kasiyahan.

59
New cards

LAW OF DIMINISHING MARGINAL UTILITY

Habang dumarami ang

pagkonsumo ng parehong

produkto, unti-unting

nababawasan ang

kasiyahang nakukuha rito.

60
New cards

LAW OF HARMONY

Mas mataas ang

kasiyahan kung

magkakaugnay at

nababagay ang mga

produktong kinokonsumo.

61
New cards

LAW OF IMITATION

Ang tao ay may likas

na ugaling tularan ang

pagkonsumo ng ibang

tao.

62
New cards

LAW OF ECONOMIC ORDER

Inuuna ng tao ang kanyang

pinakamahahalagang

pangangailangan bago

gastusan ang mga luho.

63
New cards

mamimili

ay taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan. Kabilang dito ang pagkain, damit, gamot, gamit sa paaralan, pamasahe, internet, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

64
New cards

mamimili

Mahalaga ang mga pasyang ginagawa niya dahil nakaaapekto ang mga ito sa mga negosyo at sa pamilihan. Kapag maraming bumibili ng isang produkto, nagiging gabay ito sa mga prodyuser kung ano at gaano karami ang kanilang dapat likhain. Sa kabilang banda, kapag hindi tinatangkilik ang isang produkto, maaari nitong baguhin ang paraan ng pagnenegosyo ng mga prodyuser.

65
New cards

May Alternatibo

Ang kakulangan ng suplay ng produkto ay nararanasan sa pamilihan kaya minsan ay hindi mabibili ang dating ginagamit na produkto. Maaari ring hindi sapat ang kita upang mabili ang nais na bilhin. Sa ganitong sitwasyon, ang matalinong mamimili ay marunong humanap ng alternatibong produkto na maaari ring makatugon sa kaniyang pangangailangan.

66
New cards

Sumusunod sa Badyet

Bumibili ang mamimili ayon sa kaniyang kakayahang pinansiyal. Inuuna niya ang mga pangangailangan at iniiwasan ang hindi kinakailangang paggastos. Hangga't maaari, hindi siya nangungutang upang bumili ng mga produktong hindi naman mahalaga

67
New cards

Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

Ang kalidad at pakinabang ng produkto ang pangunahing isinasaalang-alang ng matalinong mamimili. Hindi siya basta naaakit sa mga patalastas o sa paggamit ng mga kilalang personalidad bilang endorser ng produkto.

68
New cards

Mapanuri

Bago bumili, maingat na sinusuri ng mamimili ang presyo, timbang, kalidad, sangkap, at expiration date ng produkto. Tinitiyak niyang ligtas at kapaki-pakinabang ang produktong kaniyang bibilhin.

69
New cards

Hindi Nagpapanic Buying

Ang matalinong mamimili ay hindi agad naniniwala sa mga balitang may kakulangan sa suplay ng produkto. Nauunawaan niyang may mga pagkakataong pansamantala lamang ang ganitong sitwasyon kaya bumibili lamang siya ng sapat para sa kaniyang pangangailangan.

70
New cards

Makatwiran

Pinahahalagahan ng mamimili ang bawat sentimo ng kaniyang salapi. Sinisiguro niyang sulit ang halaga ng produktong binibili sa pamamagitan ng paghahambing ng presyo, kalidad, at kapakinabangan nito.

71
New cards

Hindi Nagpapadaya

Laging alerto at mapagmasid ang matalinong mamimili. Sinusuri niya ang sukli, timbang, resibo, at kondisyon ng produkto upang matiyak na tama at patas ang transaksiyon.

72
New cards

TINUTUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN

Ginagamit ng mamimili ang kaniyang limitadong kita upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at maayos na mapaglaanan ang kaniyang badyet.

73
New cards

Nagbibigay ng Mensahe sa Pamilihan

Ang mga produkto at serbisyo ng madalas binibili ng mamimili ay nagsisilbing gabay sa mga prodyuser kung ano ang dapat nilang likhain at ipagbili.

74
New cards

Nagtataguyod ng Maayos at Tapat na Pamilihan

Sa pagiging mapanuri at alerto, nakatutulong ang mamimili upang mapanatili ang patas, maayos, at responsableng kalakalan sa pamilihan.

75
New cards

ALOKASYON

ay ang matalinong paggamit at pamamahagi ng limitadong yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao.

76
New cards

ANO ANG GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung anong produkto o serbisyo ang dapat unahin.

77
New cards

PAANO ITO GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin ang paraan, teknolohiya at mga maaring gamitin.

78
New cards

GAANO KARAMI ANG GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung gaano karami ang dapat gawin.

79
New cards

PARA KANINO ITO GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung sino ang makikinabang sa mga produkto o serbisyo.

80
New cards

FIRST COME, FIRST SERVED

Sa paunahan, ang produkto, serbisyo, o oportunidad ay ipinagkakaloob batay sa pagkakasunod-sunod ng pagdating, pagpila, o pagpaparehistro. Ang unang makarating o makapagparehistro ang unang makatatanggap.

81
New cards

PAGRARASYON

nililimitahan ang dami ng produkto o serbisyong maaaring matanggap o magamit upang mapahaba ang suplay at mas maraming tao ang makinabang.

82
New cards

KOMPETISYON

Ginagamit ito sa scholarship, trabaho, paligsahan, grant, bidding, at promosyon. Nakagaganyak ito upang pagbutihin ang pagganap, ngunit kailangang tiyaking patas ang pagkakataong makilahok at ang pamantayan ay angkop sa layunin.

83
New cards

PRESYO

ang produkto o serbisyo ay naipamamahagi sa mga mamimiling handa at may kakayahang magbayad sa itinakdang halaga.

84
New cards

EQUITY

ay tumutukoy sa pagiging makatarungan at angkop ng pamamahagi batay sa pangangailangan at kalagayan ng mga tao.

85
New cards

EQUALITY

ay pagbibigay ng pare-parehong bahagi. Pamimigay ng sapatos: Pantay ang bilang, ngunit hindi pantay ang pakinabang.

86
New cards

EFFICIENCY

ay kakayahang makamit ang pinakamalaking pakinabang mula sa limitadong yaman habang pinabababa ang hindi kinakailangang gastos, oras, at pag-aaksaya. Hindi ito nangangahulugang palaging piliin ang pinakamurang opsyon; mahalaga ring isaalang-alang ang kalidad, tibay, at pangmatagalang epekto ng isang desisyon.

87
New cards

FULL EMPLOYMENT

Ang yamang tao ang nagpapatakbo sa mga makina, negosyo, paaralan, ospital, sakahan, at tanggapan.

88
New cards

GROWTH

Mahalaga sa alokasyon na ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi lamang gamitin upang tugunan ang kasalukuyang pangangailangan. Dapat ding mailaan ang ilan sa mga ito sa mga gawaing makapagpapalawak sa kakayahan ng ekonomiya sa hinaharap, tulad ng edukasyon, imprastraktura, teknolohiya, pananaliksik, at pagpapaunlad ng negosyo.

89
New cards

STABILITY

ay kalagayang napapanatili ang maayos at hindi labis na pabago-bagong galaw ng ekonomiya. Kabilang dito ang relatibong matatag na presyo, tuloy-tuloy na produksiyon, sapat na oportunidad sa trabaho, maaasahang suplay ng mga pangunahing pangangailangan, at kumpiyansa ng mamamayan at mga mamumuhunan.

90
New cards

Sistemang Pang-ekonomiya

Ang paraan o balangkas na ginagamit ng isang lipunan o bansa upang pamahalaan ang produksyon, distribusyon at pagkunsumo ng mga produkto at serbisyo.

91
New cards

TRADISYONAL

Ang mga desisyon sa ekonomiya ay batay sa kaugalian, tradisyon at nakagawian na ng maraming henerasyon.

92
New cards

COMMAND O SENTRALISADO

Ang pamahalaan ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay ukol sa ekonomiya.

93
New cards

MALAYANG PAMILIHAN (MARKET ECONOMY)

Ang mga indibidwal at pribadong negosyo ang malaya at kusang gumagawa ng desisyon sa ekonomiya.

94
New cards

MIXED ECONOMY:

Pinagsasama ang malayang pamilihan at interbensyon ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

95
New cards

kakapusan

ay ang limitasyon ng mga pinagkukunang-yaman kumpara sa walang hanggang pangangailangan ng tao.

96
New cards

PRODUKSIYON

ay proseso ng paglikha ng mga produkto, serbisyo, at pakinabang upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at ekonomiya

97
New cards

input

ay tumutukoy sa mga sangkap, kagamitan, paggawa, kaalaman, teknolohiya, enerhiya, at iba pang pinagkukunang ginagamit sa paglikha ng produkto o serbisyo.

98
New cards

transformation

ay proseso ng pagbabago, pagsasama, pagpoproseso, o paggamit sa mga input upang makabuo ng produkto o serbisyo.

99
New cards

output

ay ang produkto o serbisyong nalikha matapos ang transformation.

100
New cards

tangible goods

ay mga produktong may pisikal na anyo. Nakikita, nahahawakan, nabibilang, naitatago, at naililipat ang mga ito.