1/29
Mga bokabularyo at mahahalagang konsepto tungkol sa kamalayang pangkasaysayan ng Pilipino at ang diskurso nina Renato Constantino, Zeus Salazar, at William Henry Scott tungkol sa sinaunang kabihasnan.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Kamalayan
Nagmula sa salitang “malay” na nangangahulugang gising, may kaalaman, at may kabatiran.
Kasaysayan
Hango sa mga salitang “salaysay” at “saysay,” na tumutukoy sa kuwentong may kabuluhan.
Kamalayang Pangkasaysayan
Malalim na pag-unawa at pagkilala sa kasaysayan ng bayan at kung paano hinuhubog ng nakaraan ang pagkatao at pagkakilanlan.
Renato Constantino
Dalubhasa na nagbigay-diin sa epekto ng edukasyong kolonyal sa kamalayan ng mga Pilipino sa kanyang sanaysay na “The Miseducation of the Filipino.”
Pantayong Pananaw
Isang perspektiba na naglalayong buwagin ang kolonyal na kamalayan at bigyang-puwang ang diskurso mula sa loob ng kulturang Pilipino gamit ang sariling wika, kaisipan, at karanasan.
Dr. Zeus Salazar
Ang historyador na nagpakilala sa Pantayong Pananaw at nagsulong ng makabayan at radikal na pamamaraan sa pag-aaral ng kasaysayan.
William Henry Scott
Isang dayuhang historyador na sumulat tungkol sa makatotohanang larawan ng mga Pilipino bago ang kolonisasyong Espanyol sa aklat na “Barangay.”
Kabihasnan
Nagmula sa salitang “bihasa,” na tumutukoy sa mataas at maunlad na antas ng kultura at organisasyon ng lipunan.
Martin Fernandez Navarette
Nag-ipon ng mga tala ukol sa mga paglalakbay-pandagat at ekspedisyon ng Espanya sa kanyang koleksyong Colección de los viages y descubrimientos.
Blair & Robertson
Isang dambuhalang 55−volume na koleksyon ng mga isinaling opisyal na dokumentong Espanyol tungkol sa Pilipinas.
Antonio Pigafetta
Ang opisyal na tagatala (chronicler) ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong 1521 na nagbigay ng unang detalyadong deskripsiyon sa kultura ng mga Bisaya.
Juan de Plasencia
Prayleng Pransiskano na sumulat ng “Relacion de las Costumbres de los Tagalos” (1589) na nagdetalye sa istrukturang panlipunan ng mga Tagalog.
Padre Pedro Chirino
Paring Heswita na sumulat ng “Relación de las Islas Filipinas” (1604) at nag-ulat sa mataas na antas ng literasya ng mga katutubo gamit ang Baybayin.
Antonio de Morga
Opisyal na sumulat ng “Sucesos de las Islas Filipinas” (1609) na nagbigay ng sekular na paglalarawan sa pamahalaan, hustisya, at industriya ng mga sinaunang Pilipino.
Barangay
Nagmula sa salitang “balangay,” na tawag sa bangkang ginagamit ng mga katutubo; binubuo ng 30 hanggang 100 na pamilya.
Datu
Ang pinuno ng komunidad sa Kabisayaan na may kapangyarihang politikal, ekonomikal, at panghukuman.
Timawa (Bisaya)
Malayang mamamayan o pinalayang alipin sa lipunang Bisaya na ang kalayaan ay ipinagkaloob ng kanilang mga ninuno.
Oripun
Ang tawag sa mga alipin sa Kabisayaan na maaaring mula sa pagkabihag, pagkakautang, o pagkapanganak.
Maginoo
Ang tawag sa mga pinuno o marangal na angkan sa lipunang Tagalog.
Maharlika at Timawa (Tagalog)
Mga mamamayang malaya na hindi nagbabayad ng buwis ngunit may tungkuling sumama sa digmaan.
Aliping Namamahay
Uri ng alipin sa mga Tagalog na may sariling bahay at pamilya, naglilingkod sa amo ngunit hindi maaaring ipagbili.
Aliping Saguiguilid
Aliping naninilbihan sa loob ng bahay ng amo, maaaring ipagbili, at walang karapatan sa mga ari-arian.
Ilaya
Komunidad sa upland o itaas ng ilog na nakatuon sa agrikultura, pangangaso, at pagtatanim.
Ilawod
Komunidad sa lowland o nasa katubigan na nakatuon sa pangingisda at kalakalan.
Laguna Copperplate Inscription
Ang pinakamatandang dokumento na natagpuan sa Pilipinas (900CE) na patunay ng masiglang kalakalan sa Asya.
Baybayin
Katutubong sistema ng panulat ng mga sinaunang Pilipino na dinatnan ng mga Espanyol noong 1521.
Sabod
Sistema ng mga Bicolano sa pagpaparami ng binhi sa pamamagitan ng pagsabog ng palay sa isang punlaan.
Balatik
Isang uri ng nakakamatay na pana na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pangangaso.
Dihoon
Tawag sa paggawa ng palayok sa Visayas na isinasagawa ng mga kababaihan gamit ang paraang paddle-and-anvil.
Sandugo
Ritwal sa pagkakaibigan ng mga sinaunang Pilipino na itinala ni Antonio Pigafetta.