1/48
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Family planning
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng moderno at natural na mga pamamaraan upang mabisang maisakatuparan ang hangarin ng mga mag-asawa na magkaroon ng minimithing dami ng mga anak at wastong pag-aagwat sa pagbubuntis sa mga ito ng may pagitan ng tatlo hanggang limang taon.
PROCLAMMATION NO.429
Deklarasyon sa buwan ng Agosto bilang Natural Family Planning Month
Batas Republika Blg. 6365 o Population Acr of 1971
Ang legal na batayan ng mga programa ukol sa pagpaplano sa pamilya. Dahil dito ay naitatag ang Population Commission o POPCOM
Pangulong Ferdinand Marcos
Sino ang pumirma sa Declaration on Population noong 1967?
Condom
Kaluban na gawa sa goma at ginagamit ng lalaki bilang kontraseptibo. Isinusuot ng lalaki sa kaniyan ari bago tuluyang makipagtalik.
Injectibles
Tinuturukan ang babae ng gamot para maging regular ang pagdating ng regla at naiiwasan ang pagbubuntis.
Pildoras o Pills
Tinatawag ding oral contraceptives dahil araw araw na iniinom ng babae para maiwasan ang obulasyon o paglikha ng ovum. naiiwasan ang pagbubuntis
Intra-Uterine Device o IUD
Instrumentong kontraseptibo na inilalagay sa uterus. Maliit at malambot na plastic na inalalagay sa matris ng babae upang pigilan ang pagbubuntis hanggang sampung taon.
Vasectomy
Medikal na proseso sa kalalakihan. Tinatalian at pinuputol ang bahagi ng vas deferens upang pigilan ang paglabas ng semilya.
Tubal Ligation
Medikal na proseso para sa kababaihan. Dito ay tinatalian at pinuputol ang dalawang fallopian tube na dinadaluyan ng ova mula sa obaryo patungo sa matris.
Standard Day Method
Gumagamit ng cycle beads o kalendaryo upang matukoy ng mag-asawa ang panahong maaaring maiwasan ang pagtatalik sa panahong ito, at upang maiwasan ang pagbubuntis.
Basal Body Temperature
Temperatura sa katawan kapag ganap nang nakapahinga. Bahagyang tumataas ang basal bodu temperature sa panahon ng obulasyon.
Cervical Mucus Method
Parang gel na lumalabas mula sa matrus tungo sa puwerta. Sa buong panahon ng pagrerega, nagbabago ang kapal at dami ng cervical mucus.
Sympto-Thermal Method
Sabay na sinusuri ng babae ang temperature ng kaniyang katawan at ang mucus na lumalabas sa kaniyang puwerta, kasama rito ang obserbasyon sa mga manipestasyon tulad ng pagkirot ng puson upang malaman kung siya ay fertile o maaaring mabuntis
Reproductive Health Law o Batas Republika Blg. 10354
Batas ng naglalayong maturuan ang mga kabataan, magulang at lahat ng uri ng Pilipino na maging responsable sa pagpaplano ng magiging pamilya o responsible parenthood.
Hiring of Skilled health professionals for mental health care and skilled birth attendance (Section 5)
ito ay nagtatakda ng pagtatalaga ng mga empleyadong pangkalusugan tulad ng mga doktor, nars, komadrona, at iba pang propesyonal na kalusugan ng mangangalaga sa kalusugan ng mga inang nasa kalunsuran at kanayunan.
Health Care Facilities (Section 6)
ang pagtatayo at pagpapaunlad sa mga ospital at klinika para sa pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol.
Access to family planning (Section 7)
Ang laaht ay binibigyan ng karapatan na malaman ang mga impormasyon ukol sa pagplaplano ng pamilya at mabigyan ng nararapat na serbisyo ukol dito.
Procurement and Distribution of Family Planning Supplies (Section 10)
Inaatasan nito ang kagawaran ng kalusugan, gayundin ang mga lokal na pamahalaan, na magkaroon ng mga suplay ng kagamitan para sa pagplaplano ng pamilya na ipamamahagi sa mga pamilya at mamamayang nasasakupan
Mobile Health Care Services (Section 13)
Inaatasan na bumuo ng mobile health clinic na maaaring lumibot sa mga liblib na lugar.
Age and Development-Appropriate Reproductive Health Education (Section 14)
Nagsasaad ng pagtuturo ng edukasyon ukol sa reproduktibong kalusugan nang naaayon sa edad at development ng nais matuto nito.
Sexual ang Reproductive Health Program for Persons with Disabilities (Section 18)
Pagbibigay ng serbisyo ay pagsama sa mga taong may kapansanan sa mga programang naglalayong mapaunlad ang reproduktibong kalusugan.
Prostitusyon
Pagbibigay ng serbisyong seksuwal na may karampatang kabayaran. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga kababaihan noon ngunit pati ang lalaki at kabataan ay gumagawa narin nito.
Prostitute
Tawag sa mga tao ng gumagawa ng prostitusyon
Decriminalization
Pagkabigo na masugpo o magabi ang prostitusyon at pang-aabuso dahil sa demand para dito
Criminalization
Pagtingin ng mga iilang grubo sa masamang idudulot ng prostitusyon sa bawat tao sa ating bansa at bawat panig ng daigdig.
Pang-aabuso
isang gawain upang makakuha ng kontrol sa isang tao, pamilya, karelasyon o grupo.
Karahasang Pisikal
Paggamit ng katawan o bagay ipang makontrol ang isang biktima. Pagsakit sa iba.
Karahasang sikolohikal
Ang paggamit ng pananakot at pagbabanta sa isang tao upang siya ay makontrol.
Karahasang Espirituwal
Ang paniniwala ng isang tao ay ginagamit upang makapambiktima ng iba.
Karahasan laban sa Kultura
Umuusbong kapag ang isang indibidwal ay nasaktan dahil sa pagsasagawa ng isang kultural na gawain.
Karahasang seksuwal
Nagaganap kapag ang isang tao ay napuwersa o pinili sa pakikipagtalik at iba pang gawaing seksuwal.
Pang-aabusong pasalita
Paggamit ng salita, nakasulat man o hindi, upang makapanakit ng isang indibidwal.
Karahasang emosyonal
paggamit ng emosyon ng isang tao o pagpapababa sa pagkatao nito upang makontrol ito
Pang—aabuso sa pananalapi
Paggamit sa pinansiyal na pagmamay-ari ng isnag tao o ang maling paggamit nito nang walang pahintulot.
Kapabayaan
Ang isang indibidwal ay nakararanas nito mula sa taong may responsibilidad sa kaniya.
hirap sa pagtulog
Kadalasan ay gising ang biktima hanggang madaling araw. Epekto ng pang-aabuso
Depresyon
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan marami ang sintomas kagaya ng hirap matulog, madalas na pagtutulog, o di kaya ay tulog nang buong araw.
Pagkatakot
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ang pang-aabuso au nagbubunga ng takot sa tao, lugar, ingay at iba pa.
Pagbabab ng pagpapahalaga sa sarili
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan naiisip ng mga biktima na wala nang halaga ang kanilang buhay
Kawalan ng tiwala sa ibang tao
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan naiisip ng mga biktima na aabusuhin din sila ng ibang tao.
Pakiramdam ng naabandona
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ang biktima ay walang malalapitan para mailahad ang pang-aabuso at dito nagsisimula ang pakiramdam na naabandona ito.
Galit
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan normal na reaksiyon ito ng mga biktima dahil ito ang pagkakataon na nailalabas nila ang pat ng kanilang karanasan.
Sensitibo sa pagkabigo
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ito ay kaakibat ng pakiramdam na wala silang halaga.
Paghina ng Mental at Pisikal na kalusugan
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ang sobrang pag=iisip ay nagdudulot ng mental na pagod na nakaaapekto sa pisikal na kalusugan.
Pagkawala ng kakayahang magtrabaho
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan dahil nakatuon sa ibang suliranin ang biktima, nawawala ang pokus nito sa trabaho,
Hindi magandang relasyon sa mga bata at mahal sa buhay
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ang personal na estado ng biktima ay nakaaapekto sa relasyon niya sa mga mahal sa buhay.
Labis na paggamit ng mga gamot
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan karamihan sa mga biktima ay dinadaan ang kondisyon sa pag-inom ng gamot.
pagpapakamatay
Isang epekto ng pang-aabuso kung saan ito ang huling hakbang ng mga biktima kapag hindi na makayanan ang mga nararanasan.