1/18
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
pangatnig
ay tawag sa mga kataga o salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod. Maaaring karagadagan, pagkasalungat, pagpapaliwanag, paglilinaw, at pagtatapos ng kaisipan.
Pandagdag
nagsasaad ito ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon.
Pagbubukod
nagsasaad ito ng paghihiwalay o pagsasabi ng maliban sa...
Pagbibigay-sanhi/ Dahilan
nagbibigay ito ng katuwiran at nagsasabi ng kadahilanan.
Paglalahad ng Bunga/ Resulta
nagsasaadito ng kinalabasan o kinahinatnan.
Pagbibigay- Layunin
nagsasaad ito ng hangarin o naisin.
Pagbibigay-Kondisyon
nagsasaad ito ng kondisyon o pasubali.
Konntrast/Pagsalungat
nagsasaad ito ng pag-iiba, pagkontrata, o pagtutol.
Pagbibigay-konklusyon
nagsasaad ito ng panghuling pananaw o opinyon.
Pagpapatotoo
nagsasaad ito ng patunay.
Pandagdag
Halimbawa: Nag-aaral si Eddie at naglinis si Raymond.
Iba pang halimbawa: saka, pati
Pagbubukod
Halimbawa: Ang pelikula ay maaaring panoorin ng lahat maliban sa mga batang may gulang na pito pababa.
Iba pang halimbawa: bukod kay, puwera, huwag lang, kundi lang
Pagbibigay-sanhi/ Dahilan
Halimbawa: Di dapat kaawaan ang pulubing iyon dahil sa pagsapit ng gabi nakikitang nakasuot siya ng magarang damit at nakakotse.
Iba pang halimabawa: sapagkat, palibahasa, kasi, mangyari, kundunga’y
Paglalahad ng Bunga/ Resulta
Halimbawa: Totoong dibdiban ang pag-aaral ni Nesty kaya hindi kataka-takang nanguna siya sa mga sa mga magsisipagtapos sa kanilang paaralan.
Iba pang halimbawa: tuloy, bunga nito, kaya naman
Pagbibigay- Layunin
Halimbawa: magtulungan tayo upang madaling matapos ang ating gawain.
Iba pang halimbawa: sa ganoon/gayon, para
Pagbibigay-Kondisyon
Halimabawa: Sakaling umulan, magtatampisaw ako sab aha.
Iba pang halimbawa: kapag, kung, lubha, sa sandaling, basta.
Konntrast/Pagsalungat
Halimbawa: Sasama ako sa iyo pero tulungan mo ako sa aking gagawin.
Iba pang halimbawa: ngunit, sa halip, datapwa’t, subalit
Pagbibigay-konklusyon
Halimbawa: Napakamahal ng bilihin; samakatuwid dapat bilhin na lamang ang talagang kailangan
Iba pang halimbawa: kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t
Pagpapatotoo
Halimbawa: Sa totoo lang, hindi ko natapos ang lahat ng dapat kong gawin sa araw na ito.
Iba pang halimbawa: sa katunayan, sa totoo