1/26
Mga bokabularyo at konsepto tungkol sa heograpiya, mapa, globo, mga guhit pangkaisipan, at ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Mapa
Patag na representasyon ng lahat ng bahagi ng mundo sa isang patag na ibabaw (flat surface).
Globo
Maituturing na modelo ng mundo dahil sa hugis nitong oblate spheroid.
Heograpiya
Ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig, ng iba't ibang bansa o lugar sa mundo, at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
Geo
Salitang Griyego na nangangahulugang mundo.
Graphein
Salitang Griyego na nangangahulugang sumulat o ilarawan.
Kartograpiya
Ang sining ng paggawa ng mapa at globo.
Kartograpo
Ang taong gumagawa ng mapa at globo.
Titulo
Elemento ng mapa kung saan malalaman kung anong uri ng mapa ang tinitingnan.
Legend
Elemento ng mapa na nagpapaliwanag sa iba't ibang simbolo o palatandaang ginagamit sa isang mapa.
Pangunahing Direksiyon
Tinatawag ding cardinal directions na kinabibilangan ng Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.
Pangalawang Direksiyon
Tinatawag ding intercardinal o intermediate directions na nakapagitan sa mga pangunahing direksiyon, tulad ng Hilagang-Silangan, Hilagang-Kanluran, Timog-Silangan, at Timog-Kanluran.
Global Positioning System (GPS)
Ang natatanging Global Navigation Satellite System (GNSS) sa mundo na nilikha noong 1973 ng Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos upang tumukoy ng tiyak na lokasyon, bilis, direksiyon, at oras.
Guhit Pangkaisipan
Tinatawag ding imaginary lines; mga guhit na nilikha upang madaling matukoy ang tiyak na lokasyon, hugis, laki, at sukat ng mga lugar.
Latitud (Parallel)
Mga linyang pahiga o tumatakbo pasilangang-kanlurang direksiyon paikot sa mundo na nagtutukoy sa distansiya ng mga lugar mula sa ekwador.
Longhitud (Meridian)
Mga linyang patayo o tumatakbo mula sa polong hilaga patungong polong timog na nagsasaad ng distansiya mula sa prime meridian.
Prime Meridian
Guhit na kumakatawan sa simula ng mga guhit longhitud na nasa 0∙ longhitud at may kabuoang sukat na 180∙ na naghahati sa mundo sa Kanlurang Hemisphere at Silangang Hemisphere.
Ekwador
Isang malaking guhit parallel na may sukat na 360∙ at matatagpuan sa zero digri (0∙) latitud na naghahati sa mundo sa Hilagang Hemisphere at Timog Hemisphere.
Tropiko ng Kanser
Ang parallel na nasa 23.5∙ hilaga ng ekwador at ang pinakahilagang hanggahan na naaabot ng bertikal na sinag ng araw.
Tropiko ng Kaprikornyo
Ang parallel na nasa 23.5∙ timog ng ekwador at ang pinakatimog na lugar na naaabot ng bertikal na sinag ng araw.
Kabilugang Arktiko
Ang parallel na nasa 66.5∙ hilaga ng ekwador at ang pinakahilagang hanggahan na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.
Kabilugang Antartiko
Ang parallel na nasa 66.5∙ timog ng ekwador at ang pinakatimog na hanggahan na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.
Grid
Ang pinagsama-samang guhit latitud at longhitud na ginagamit na batayan sa pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar.
Tiyak o Absolute na Lokasyon
Pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng grid ng latitud at longhitud.
Lawak na Heograpikal
Tinatawag ding geographical extent; ang lawak na nasasaklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga distansiyang longhitudinal at latitudinal.
Relatibong Lokasyong Kontinental
Ang relatibong lokasyon para sa mga lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain.
Relatibong Lokasyong Maritime (Insular)
Ang relatibong lokasyon para sa mga pulo o kapuluang bansa na matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na katawan ng tubig.
Relatibong Lokasyong Bisinal
Ang relatibong lokasyon na matutukoy gamit ang mga kalapit na bansang nakapalibot sa isang lugar.