Ap summative 2 GRIND

5.0(2)
Studied by 32 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/47

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

I scream, and the world screams with me

Last updated 12:03 PM on 8/2/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

48 Terms

1
New cards

ALOKASYON

ay ang matalinong paggamit at pamamahagi ng limitadong yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao.

2
New cards

ANO ANG GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung anong produkto o serbisyo ang dapat unahin.

3
New cards

PAANO ITO GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin ang paraan, teknolohiya at mga maaring gamitin.

4
New cards

GAANO KARAMI ANG GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung gaano karami ang dapat gawin.

5
New cards

PARA KANINO ITO GAGAWIN O LILIKHAIN?

Piliin kung sino ang makikinabang sa mga produkto o serbisyo.

6
New cards

FIRST COME, FIRST SERVED

Sa paunahan, ang produkto, serbisyo, o oportunidad ay ipinagkakaloob batay sa pagkakasunod-sunod ng pagdating, pagpila, o pagpaparehistro. Ang unang makarating o makapagparehistro ang unang makatatanggap.

7
New cards

PAGRARASYON

nililimitahan ang dami ng produkto o serbisyong maaaring matanggap o magamit upang mapahaba ang suplay at mas maraming tao ang makinabang.

8
New cards

KOMPETISYON

Ginagamit ito sa scholarship, trabaho, paligsahan, grant, bidding, at promosyon. Nakagaganyak ito upang pagbutihin ang pagganap, ngunit kailangang tiyaking patas ang pagkakataong makilahok at ang pamantayan ay angkop sa layunin.

9
New cards

PRESYO

ang produkto o serbisyo ay naipamamahagi sa mga mamimiling handa at may kakayahang magbayad sa itinakdang halaga.

10
New cards

EQUITY

ay tumutukoy sa pagiging makatarungan at angkop ng pamamahagi batay sa pangangailangan at kalagayan ng mga tao.

11
New cards

EQUALITY

ay pagbibigay ng pare-parehong bahagi. Pamimigay ng sapatos: Pantay ang bilang, ngunit hindi pantay ang pakinabang.

12
New cards

EFFICIENCY

ay kakayahang makamit ang pinakamalaking pakinabang mula sa limitadong yaman habang pinabababa ang hindi kinakailangang gastos, oras, at pag-aaksaya. Hindi ito nangangahulugang palaging piliin ang pinakamurang opsyon; mahalaga ring isaalang-alang ang kalidad, tibay, at pangmatagalang epekto ng isang desisyon.

13
New cards

FULL EMPLOYMENT

Ang yamang tao ang nagpapatakbo sa mga makina, negosyo, paaralan, ospital, sakahan, at tanggapan.

14
New cards

GROWTH

Mahalaga sa alokasyon na ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi lamang gamitin upang tugunan ang kasalukuyang pangangailangan. Dapat ding mailaan ang ilan sa mga ito sa mga gawaing makapagpapalawak sa kakayahan ng ekonomiya sa hinaharap, tulad ng edukasyon, imprastraktura, teknolohiya, pananaliksik, at pagpapaunlad ng negosyo.

15
New cards

STABILITY

ay kalagayang napapanatili ang maayos at hindi labis na pabago-bagong galaw ng ekonomiya. Kabilang dito ang relatibong matatag na presyo, tuloy-tuloy na produksiyon, sapat na oportunidad sa trabaho, maaasahang suplay ng mga pangunahing pangangailangan, at kumpiyansa ng mamamayan at mga mamumuhunan.

16
New cards

Sistemang Pang-ekonomiya

Ang paraan o balangkas na ginagamit ng isang lipunan o bansa upang pamahalaan ang produksyon, distribusyon at pagkunsumo ng mga produkto at serbisyo.

17
New cards

TRADISYONAL

Ang mga desisyon sa ekonomiya ay batay sa kaugalian, tradisyon at nakagawian na ng maraming henerasyon.

18
New cards

COMMAND O SENTRALISADO

Ang pamahalaan ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay ukol sa ekonomiya.

19
New cards

MALAYANG PAMILIHAN (MARKET ECONOMY)

Ang mga indibidwal at pribadong negosyo ang malaya at kusang gumagawa ng desisyon sa ekonomiya.

20
New cards

MIXED ECONOMY:

Pinagsasama ang malayang pamilihan at interbensyon ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

21
New cards

kakapusan

ay ang limitasyon ng mga pinagkukunang-yaman kumpara sa walang hanggang pangangailangan ng tao.

22
New cards

PRODUKSIYON

ay proseso ng paglikha ng mga produkto, serbisyo, at pakinabang upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at ekonomiya

23
New cards

input

ay tumutukoy sa mga sangkap, kagamitan, paggawa, kaalaman, teknolohiya, enerhiya, at iba pang pinagkukunang ginagamit sa paglikha ng produkto o serbisyo.

24
New cards

transformation

ay proseso ng pagbabago, pagsasama, pagpoproseso, o paggamit sa mga input upang makabuo ng produkto o serbisyo.

25
New cards

output

ay ang produkto o serbisyong nalikha matapos ang transformation.

26
New cards

tangible goods

ay mga produktong may pisikal na anyo. Nakikita, nahahawakan, nabibilang, naitatago, at naililipat ang mga ito.

27
New cards

intangible services

ay mga serbisyong walang pisikal na anyo ngunit nagdudulot ng pakinabang at tumutugon sa pangangailangan.

28
New cards

consumer goods

ay mga produktong direktang ginagamit ng mamimili upang matugunan ang pangangailangan o kagustuhan.

29
New cards

producer goods o capital goods

ay mga produktong ginagamit upang makalikha pa ng ibang produkto o serbisyo

30
New cards

final goods

ay mga produktong handa na para sa tuwirang paggamit ng huling mamimili o gumagamit.

31
New cards

intermediate goods

ay mga produktong gagamitin pa bilang input upang makalikha ng panibagong produkto.

32
New cards

firm o bahay-kalakal

organisadong yunit na nagsasagawa ng produksiyon

33
New cards

LUPA

bahagi ng likas na yaman at pinagmumulan ng lupain at maraming hilaw na materyales na ginagamit sa produksiyon

34
New cards

Republic Act No. 7916 – Special Economic Zone Act of 1995

Lumikha sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

35
New cards

Republic Act No. 7916 – Special Economic Zone Act of 1995

Ang batas na ito ang nagbibigay ng legal na balangkas para sa pagtatatag at pamamahala ng mga espesyal na economic zones.

36
New cards

LAND CONVERSION ACT – Republic Act No. 6657 (Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) of 1988)

na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Agrarian Reform (DAR) na aprubahan ang conversion ng mga lupang agrikultural tungo sa mga hindi agrikultural na gamit.

37
New cards

KAPITAL

Ito ay tumutukoy sa mga materyal na bagay na ginawa ng tao upang magamit sa produksiyon, tulad ng makinarya, kagamitan, planta, at pabrika.

38
New cards

Materyal na Kapital

Anyo ng Kapital na kabilang dito ang mga gusali, planta, makina, sasakyan, kagamitan, at imbentaryo.

39
New cards

Panlipunang Kapital

Anyo ng Kapital na kabilang dito ang mga imprastruktura at serbisyong tumutulong sa maayos na paggana ng ekonomiya, gaya ng kalsada, tulay, riles, at ilang serbisyong pampubliko.

40
New cards

Hindi Materyal na Kapital

Anyo ng Kapital na kabilang dito ang pananaliksik, kaalaman sa teknolohiya, seminar, impormasyon, at iba pang hindi pisikal na elementong nagpapahusay sa produksiyon.

41
New cards

Circulating Capital

Anyo ng Kapital na mabilis maubos o magpalit ng anyo sa proseso ng produksiyon.

42
New cards

Free Capital

Anyo ng Kapital na maaaring gamitin sa iba't ibang gawaing pamproduksiyon.

43
New cards

Fixed Capital

Anyo ng Kapital na nagagamit sa mas mahabang panahon at hindi agad nagbabago ng anyo.

44
New cards

Specialized Capital

Anyo ng Kapital na idinisenyo para sa tiyak o espesipikong gamit.

45
New cards

PAGGAWA

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng lakas, talino, kakayahan, at kasanayan ng tao upang makalikha ng produkto at serbisyo.

46
New cards

Blue-Collar Work (Paggawang Pisikal, Bokasyonal, o Teknikal)

Paggawa na nakatuon sa pisikal, bokasyonal, o teknikal na kakayahan.

47
New cards

White-Collar Work (Paggawang Mental)

Paggawang higit na gumagamit ng kakayahang intelektuwal at propesyonal

48
New cards

ENTREPRENEUR

Siya ang nag-oorganisa at nagpapaunlad sa iba pang salik ng produksiyon. Gumagawa siya ng mahahalagang desisyon sa negosyo at handang humarap sa panganib ng pagnenegosyo