1/25
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
pagbasa
Ang ________ ay isang kompleks na proseso ng pag-unawa at interaksiyon sa pagitan mambabasa at may-akda sa tulong ng teksto.
Layunin nito na maunawaan, mailapat, at maipahayag ang mga ideya, damdamin, at karunungan.
kakayahang intelektwal; pagpapabuti ng katauhan
Ang pagbasa ay isa sa limang makrong kasanayan kung saan mahalaga ito upang umangat ang _______ at _______ ng isang indibidwal.
Gustave Flaubert
Ayon kay _______, isang manunulat na Pranses, at binanggit ni Sicat-De Laza (2016), "Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog na pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay". Ibig sabihin, napakahalaga ng integrasyon o aplikasyon ng binabasa sa buhay ng isang tao. Pinatatalas nito ang ating isipan at nagagamit natin ito upang mabigyang solusyon ang mga problemang kinahaharap sa hamon ng buhay.
De Leon (2018)
Ayon kay _______ ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwikang tulay ng mga mag-aaral upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pang-unawa sa teksto.
dating kaalaman; ideya o konsepto
Inilahad ni De Leon na ang pagbasa ay isang interaksiyon na ginagamit ang _______ (prior knowledge) at mga _______ (schema)
Badayos (1999)
Ayon kay _______, ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksiyon ng kanilang estratehiya at ganap na pag-unawa kung ano ang pagbasa.
Johnson (1990)
Ayon kay _______, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing nangangailangan ng konsyus at dikonsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan (hal. gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor).
Baltazar (1986); 90%
Ayon naman kay _______, ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larang ng pamumunay. Sa katunayan, _____ sa napag-aralan ng tao ay mula sa kaniyang karanasan sa pagbasa.
Goodman
Para kay _______ (1967), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa
Coady
Para naman kay _______ (1979) na sa pagbasa ay kaniyang nilinaw na para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa..
Borres-Alburo
Ayon naman kay _______ (2017), ang pagbasa ay isang interaktibong gawain dahil hindi lamang tumatanggap ng mga bagong pilosopiya, konsepto at pananaw ang mambabasa ngunit nagbibigay at naglalahad din siya ng kaniyang kaalaman at saloobin bilang tugon sa kaniyang binabasa.
susi sa tagumpay; Mabilin
Ang pagbasa ay __________ ng isang tao lalong-lalo na sa larangang pang-akademiko (_____ et al. 2012).
nagpapatalas sa isip; Arrogante
Ipinaliliwanag ng mga pakahulugang ito na tunay nga namang __________ ng isang tao ang pagbasa. Ang tagumpay ng isang tao sa akademikong larang ay nakatutulong hindi lamang sa kaniyang sarili bagkus malaki rin ang naiaambag nito sa pamilya, bayan, at sa lipunang kaniyang ginagalawan (_______, et al. 2007)
Sicat-De Laza
Sa pag-aaral at pananaliksik naman ni _________ (2016), binigyang kahulugan naman niya ang pagbasa bilang isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
Anderson
Ayon kina ________ et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayang nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.
Bond at Tinker
Upang maisakatuparan ang interaksyon ng imbak na kaalaman sa impormasyong binabasa, kailangan ang rekognisyon ng anomang nakasulat o nakalimbag na simbolo na nagiging stimuli upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kahulugan karanasan ng mga mambabasa (__________, 1967).
Bernales
Ayon kay ________, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyong nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay. Ang mga karanasang ito ay nagiging gabay ng bawat isa tungo sa pagharap ng mga hamon sa buhay.
Nakapagbibigay ng impormasyon, isang kaaya-ayang anyo ng paglilibang, nagdudulot ng inspirasyon sa mga mambabasa
Ano-ano ang kahalagahan ng pagbasa?
kabatiran, karunungan
Ayon kay Bernales, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyong nagiging daan sa ________ at ________. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay. Ang mga karanasang ito ay nagiging gabay ng bawat isa tungo sa pagharap ng mga hamon sa buhay.
Pangkaalaman
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Ito ay nakapagpapalawak ng kaalaman at nakapagpapatalas sa isip ng tao
Pampaglalakbay-Diwa
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Malawak ang imahinasyon ng tao, sa pamamagitan ng pagbabasa para lang din siyang nakarating sa ibang mundo
Pangmoral
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Ang pagbabasa ay nakapag-impluwensiya ng tamang pag-uugali at kilos tulad ng mga aral sa buhay na nararapat pamarisan
Pangkasaysayan
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Naiintindihan ng tao ang nangyayari noon at ang patuloy na nangyayari ngayon para sa paghahanda sa maaari pang mangyari
Pampalipas-oras
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Nakaaalis ng pagkabagot ang pagbabasa. Tulad ng pagbabasa ng komiks, magasin, isports, at iba pa.
Pangpakinabangan
Natatanging Kahalagahan ng Pagbasa (Lesyon at Borres-Alburo)
Nakatutulong ito sa pagtuklas ng mga matatayog na mga kaalaman na maaaring sandata ng tao para guminhawa ang buhay
pakikinig, pag-unawa, pagsulat; pangunahing detalye, hinuha; konsentrasyon, pag-unawa
Katangian ng Pagbasa
Ang pagbasa ay naiugnay sa ______, _______, at ______, na nagpapalalim ng ating ideya sa mga impormasyon.
Lumilinang ito ng iba’t ibang kakayahan tulad ng pagkuha ng ____________ at pagbuo ng _____.
And pagbasa ay isang proseso na nangangailangan ng __________ at _______ sa mga simbolo at salita