1/160
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Agham Panlipunan
pag-aaral ukol sa pwersang sosyal, kultural, sikolohikal, ekonomikal, at politikal na gumagabay sa pag-uugali at kilos ng isang indibidwal.
Sosyolohiya
pag-aaral sa relasyon ng bawat tao sa isa't isa.
Sosyedad/Lipunan
taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
Literatura/Panitikan
kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao.
Literatura
LITERATURA = LITERA (Latin) = Letra/Letter.
Panitikan
PANITIKAN = PANG + TITIK + AN.
Panitikan ayon kay G. Azarias
"Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
Panitikan ayon kay G. Abadilla
"Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.
Panitikan ayon kay Luz A. de Dios
"Ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian.
Kahalagahan ng pag-aaral ng ating sosyedad at literatura
Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng kanyang pagkalahi ang sariling kalinaga at mga mainanang isip.
Ika-14 na Siglo
Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno natin ay mayroon nang sariling kakayahan na bago pa sakupin ng imperyo ng Madjapahit.
Literaturang Filipino
Nagsimula ito sa tradisyong pasalita.
Halimbawa sa Visayas: Ambahan
isang tula o talata na may 7 pantig, maririnig tuwing nakikipagdebate ang lalaki sa babae ukol sa pag-ibig.
Halimbawa sa Visayas: Siday / Kandu
kanta tungkol sa mga bayani, umaabot hanggang 6 na oras.
Ika-16 na Siglo
Surat Mangyan, Tagbanwa, Kulitan.
Taong 1521
naligaw si Ferdinand Magellan sa ating dalampasigan.
Taong 1565 (Panahon ng Kastila)
tuluyang sinakop at inalipin ng mga Kastila ang mga Pilipino sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi.
God, Gold, Glory
Espada at krus, pinalaganap ng mga Kastila ang tradisyong Europa (komedya, sarswela, kurido, awit, pasyon at tungko sa mga Santo).
Taong 1872 (Panahon ng Kastila)
nagsimulang mag-alsa ang mga Pilipino sa pangunguna ni Sarhento La Madrid, subalit ilang oras lamang at napatay rin sila agad.
Jose Rizal
Ginamit ang Tagalog, Kastila at iba't ibang wika sa pagsulat sa mga pahayang Tagalog at Kastila.
Taong 1898 - 1941
Tayo ay kunwaring tinulungan at pinalaya ng mga Amerikano sa kamay ng mga Kastila.
Tratado ng Paris
Namuhunan ang mga Amerikano sa tratado ng Paris noon Disyembre 10, 1898.
Bumili ng Pilipinas
Napagkasunduang bilhin ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila.
Kulat at Pakay ng Amerika
Lumitaw ang tunay na kulat at pakay ng Amerika sa Pilipinas.
Pagsusulat sa Ingles
Madaling natutuo ng Ingles ang mga Pilipino kaya sa humigit kumulang 20 na taon ay nagsusulat na sila sa Ingles.
Panitikang Pilipino sa Ingles
Nagsimulang umunlad ang panitikang Pilipino sa Ingles.
Pampublikong Paaralan
Ang pampublikong paaralan ang isa sa mga nagging ambag ng Amerikano sa lipunan.
Oportunidad na Makapag-aral
Maraming Pilipino ang nabigyan ng oportunidad na makapag-aral.
Pag-iisip ng mga Pilipino
Lumawak ang pag-iisip ng mga Pilipino sa iba't ibang disiplina kasama na rin ang panitikan at literatura.
Sine
Isa rin ang sine sa naging impluwensya ng mga Amerikano.
Taong 1942 - 1945
Natuto ng Haiku at Tanaga ang mga Pilipino.
Karaniwang Anyo ng Panitikan
Haiku at Tanaga.
Tema o Paksa ng Panitikan
Nasyonalismo, Bayan, Pagmamahal, Buhay Sa Bario, Pananampalataya, Sining.
Taong 1946 - 1950
Unti-unting itinayo ang mga establisyemento na sinira ng digmaan.
Dekada 50's
Nagkaroon ng sigla sa panulat dahil sa KADIPAN (Kapisanang Aklat, DIwa at Panitik).
Gawad Palanca
Itinatag ni Don Carlos Palanca ng La TondeƱa Incorporated.
Dekada 60's at 70's
Ang dekada-60 ay ang pagbibinhi ng aktibismo.
Tema ng Dekada 60's
Kalayaan, pagtutol sa kolonialismo at imperialism, national identity, re-orientation, kritisismo sa gobyerno, kahirapan at pag-ibig sa Diyos.
Dekada 70's
Nauso ang paghawak ng mga placard, barikada at pagbulagta ng mga walang buhay sa kalsada.
Batas Militar
Ibinaba ang Batas Militar hanggang makaisa ang bayan sa EDSA sa buwan ng Pebrero taong 1986.
Dekada 80's - 2000
Nagkaroon impluwensya ang iba pang produktong banyaga sa ating panitikan gaya ng K-POP, Hollywood movies, anime, etc.
Internet at Social Media
Lumaganap dahil sa paglunsad ng internet at social media.
Panitikang Pilipino
Isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao.
2 URI NG PANITIKAN
Ayon sa pagsasalin at ayon sa kaanyuan o anyo.
PANITIKAN AYON SA PAGSASALIN
Pasandila, Pasalinsulat, Pasalintroniko.
Pasandila
Paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao.
Pasalinsulat
Isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahon ng mga Pilipino ang kanilang panitikan.
Pasalintroniko
Pagsasalin ng panitikan sa pamamamgitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika.
Halimbawa ng Pasalintroniko
Aklat na elektroniko, kompyuter, diskong kompakto, plaka, recorder (tape recorder at VHS).
PANITIKAN AYON SA ANYO
Patula.
4 NA URI NG ANYONG PATULA
Tulang pasalysay, Tulang paawit o tulang liriko.
Tulang pasalysay
Naglalarawan ng mga tagpo at pangyayaring mahalaga sa buhay ng mga tao.
Tatlong uri ng Tulang pasalysay
Epiko, awit at kurido, balad.
Tulang paawit o tulang liriko
Awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, oda.
komedya
Isang anyo ng tulang dula na karaniwang nagtatampok ng mga nakakatawang sitwasyon.
trahedya
Isang anyo ng tulang dula na naglalarawan ng malungkot na kwento na kadalasang nagtatapos sa trahedya.
parsa
Isang anyo ng komedya na gumagamit ng labis na katatawanan at exaggeration.
saynete
Isang maikling dula na nagtatampok ng mga nakakatawang sitwasyon at karakter.
melodrama
Isang anyo ng dula na nagtatampok ng labis na emosyon at dramatikong mga pangyayari.
karagatan
Isang anyo ng tulang patnigan na karaniwang isinasagawa sa mga pagdiriwang.
duplo
Isang anyo ng patnigan na gumagamit ng pagtatalo sa anyong tula.
balagtasan
Isang anyo ng patnigan na nagtatampok ng pagtatalo ng dalawang panig sa anyong tula.
maikling kuwento
Isang anyo ng patuluyan na nagkukwento ng isang tiyak na pangyayari sa maikling anyo.
sanaysay
Isang anyo ng patuluyan na naglalahad ng opinyon o pananaw ng may-akda.
nobela o kathangbuhay
Isang mas mahabang anyo ng patuluyan na nagkukwento ng masalimuot na kwento.
kuwentong bayan
Isang anyo ng kwento na naglalarawan ng mga tradisyon at kultura ng isang bayan.
alamat
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalarawan ng pinagmulan ng mga bagay.
mulamat o mito
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalarawan ng mga diyos at diyosa.
pabula
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalarawan ng mga hayop na may katangian ng tao.
kuwentong kababalaghan
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalarawan ng mga hindi kapani-paniwala o supernatural na pangyayari.
kuwentong katatawanan
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalaman ng mga nakakatawang elemento.
palaisipan
Isang anyo ng kuwentong bayan na naglalaman ng mga tanong o suliranin na kailangang lutasin.
paraang historikal
Pamamaraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng tekstong pampanitikan na nakatuon sa kasaysayan.
paraang pormalistiko
Pamamaraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng tekstong pampanitikan na nakatuon sa estruktura at anyo.
pakinabang ng panunuring panitikan
Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda.
panunuri o kritisimo
Naghahanap ng estruktura at nagbibigay ng hatol sa akda batay sa mga pamantayan.
katangian ng isang kritiko
Dapat matapat, handang kilalanin ang sarili, at bukas sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
Alejandro G. Abadilla
Isang namumukod-tanging kritiko sa panitikan ng Filipino.
Clodualdo del Mundo
Isang namumukod-tanging kritiko sa panitikan ng Filipino.
Kathang-Isip (Fiction)
Ang manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahinasyon. Ang mga kwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kwento, nobela, at iba pa.
Hindi Kathang-Isip (Non-Fiction)
Batay sa tunay na pangyayayri katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay at mga akdang pangkasaysayan.
Tuluyan o Prosa
Maluwang na pagsama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Tula o Panulaan
Pagbubuo ng pangungusap sa pamamahitan ng salitang binibiliang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
Anekdota
Isinasalaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sigat o kilalang mga tao.
Nobela
Tinatawag ding kathambuhay. Mahabang kuwentong piksyo na bunubuo ng iba't ibang kabanata.
Parabula
Tinatawag ding talinhaga. Maikling kwentong may aral na kalimitang hango mula sa Bibliya.
Maikling Kwento
Hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Dula
Hinahati sa pamamagitan ng yugto. Kadalasang isinasalaysay sa mga teatro.
Talambuhay
Isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao base sa mga tunay na impormasyon.
Talumpati
Isinasakaysay nito ang mga kaisipan o opinion ng isang tao upang humikayat, tumugon, mangatwira, magbigay ng kaalaman at maglahad ng isang paniniwala.
Balita
Nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa.
Kwentong Bayan
Sumasalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
Tulang Pasalaysay
Naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahaglaga sa buhay. Ito ay may tatlong uri.
Epiko
Mahahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap.
Awit at Korido
Tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa mga reyna't hari, prinsesa't prinsipe. Ang awit ay may 12 na sukat ng pantig; ang korido ay may 10 na sukat ng pantig.
Balad
Tulang inaawit habang nagsasayaw. Mayroong 6-8 na pantig.
Awiting Bayan
Mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin.
Soneto
Tungkol sa damdamin at kaisipan. May 14 na taludtod. May mapupulot na aral ang mambabasa.
Elehiya
Tula patungkol sa kamatayan o pagdadalamhati.
Dalit
Kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Awit ng papuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria.