1/109
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
MAY
Ginagamit ang wastong salita nanito sa;
-pangngalan or noun
-pandiwa or verb
-pang-uri
-panghalip na panao sa kaukulang paari (possive noun)
-pantukoy ng mga
(Kapag ang pangungusap ay sinusundan ng MGA)
-pang-ukol sa (inihalintulad; hindi direktang sinasabi)
MAYROON
Ginagamit ito kung ito ay;
-sinusundan ng isang kataga o ingklitik (indirect pronoun) Palagyo: ako,ikaw,ka,siya,kami,tayo,kayo,sila.
KITA
ito ay isang panghalip Panao at may kailanang isahan or singular na tumutukoy sa kinakausap.
KATA
ito ay isang panghalip panao at may kailanang dalawan or plural na tumutukoy sa mahkasamang nangungusap at kinakausap.
KINA
Ito ay maramihan ng KAY
NG
ito ay ginagaming bilang;
-katumbas ng “of” sa ingles
-pang-ukol ng layon ng pandiwa (object of the verb)
-pang-ukol at tagaganap ng pandiwa sa tinig balintawak ( indirect voice: nagsasaad at tumatanggap ng kilos)
NANG
Ginagamit ito bilang;
-katumbas ng “when” sa ingles
-katumbas ng “so that o “in order” sa ingles
-pinagsamang pang-abay na “na”, at pang-angkop na “ng”
-kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa”
DAW/DIN
ito ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig. .
-kung uto ay nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU, at RAW, RAY ang naunang salita ( D) to ay gagamitin
RAW/ RIN
ito naman ay ginagamit kapag nagtatapos sa patinig at sa D, W, at Y
(Ang patinig ay tunig na likha ng hindi pinipigil na tunog gaya nga a,e,i,o,u) (Ex: isa,uso, apa)
KUNG
ito ay ginagamit bilang pangatnigna panubili na katumbas ng “if” sa ingles.
-sugnay na ‘di mapag-isa sa mga pangungusap na hugnayan
KONG
Ito naman ay ginagamit sa panghalip panao sa kaukulang paari.
-buhat sa panghalip na ‘ko’ at nilagyan ng pang akop na ‘ng’
KUNG DI
Ito ay ginagamit at galing sa salitang KUNG HINDI of “if not” sa ingles.
KUNDI
ito naman ay “except” sa ingles.
PINTO
Ito ay (door) bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
-ito din ay tumutukoy sa isang kongkreyong bahay at bahagi ng dinaraanang isinasara at ibinubukas
PINTUAN
Ito ay isang (doorway) o bahagi na kinalalagyan ng pinto.
-ito ay ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugat at lagusan o pasukan kung saan nakalagay ang pinto.
HAGDAN
Ito ay (stairs) isa itong baiting na inaakyatan at binababaan
HAGDANAN
Ito ay (stairways) isang bahaging kinalalagyan ng hagdan
PAHIRIN AT PUNASIN
Ang kahulugan nito ay ( wipe off) at nangangahulugang alisin o tanggalin
PAHIRAN AT PUNASAN
Ang ibigsabihin nito ay (to apply) at nangangahulugang lagyan.
-kung ang tinutukoy ay bagay na pinagtanggalan ng kung anuman.
OPERAHIN
ito ay ginagamit king ang tinutukoy ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.
OPERAHAN
Ito naman ay tumutukoy sa taong sasailalim ng pagtitistis or surgery.
WALISAN
Ito ay (sweep off) o tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin
WALISAN
ito naman ay (to sweep the place) o tumutukoy ito sa lugar
IKIT
Ito ay nagpapakita ng kilos na pag gilid mula sa labas patungo sa loob.
IKOT
Ito naman ay isang kilos mula sa loob patungo sa labas.
SUNDIN
Ito ay (to obey) na nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral.
SUNDAN
Ito ay (to follow) o gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
SUBUKIN
ito ay ( to test, to try) o upang masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain.
SUBUKAN
Ito ay ( to see secretly) o palihim na pagmamatyag o pag-eedpiya sa tao.
-kung ang nais ipakahulugan ay paniniktik o pagkilatis sa ibang tao.
HATIIN
ito ay (to divide) o pag parte o partihin
HATIAN
ito ay “ to share”
IWAN
Ito ay (to leave something or somebody) o huwag isama
IWANAN
ito ay (to leave something to somebody) o binigyan
NABASAG
ito ay nangangahulugang kilos na ‘di sinasadya o ‘di ginusto.
BINASAG
Ito naman ay nagpapakita sa sariling pagkukusa or sinadya
DAHIL SA
Ito ay ginagamit bilang pangatnig na pananhi.
DAHILAN
ito ay ginagamit bilang pangangalan.
TAGA
Gunagamit ang gitlung sa unlaping salitang ito kung ito ay sinusundan ng pangangalang pantangi ( may tiyak o proper na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari )
-walang gitling sa pagitan ng salitang ito at pangngalang pambalana o common noun.
-maingat sa pagpili ng mga salita
-matalinong pagsasaayos ng mga pangungusap
-malinaw ang relasyon ng mga salita sa pangungusap
Paanong masasabing mabisa ang pangungusap?
TAMANG SAGOT
MALING SAGOT
Ito ay tuntunin upang maging mabisa ang pangungusap
PANLAPI
ito ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.
UNLAPI,GITLAPI, HULAPI, KABILAAN, LAGUHAN
Ito ang limang uri ng panlapi
UNLAPI
Kapag ito ay inilalagay sa unahang ng salita
Ex: MAGbasa
GITLAPI
Ito ay kapag nakalagay sa loob ng salita
Ex: sUMayaw
HULAPI
ito ay kapag nakalagay sa hulihan ng salita
Ex: sulatAN
KABILAAN
Ito ay kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita
Ex: MAG-awitAN
LAGUHAN
ito ay kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna,at hulihan
Ex: PAGsUMikapAN
SIMUNO O PAGSA AT ANG PANAGURI
Ito ay ang mga bahagi ng isang pangungusap
SIMUNO O PAKSA
ito ay siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap.
PANAGURI ( PANGURI)
Ito naman ang nagsasabi tungkol sa SIMUNO O PAKSA
AKTOR FOCUS
it ay mula sa salitang ingles n actor, ibig sabihin, ito ang tagaganap o gumagawa ng kilos ng pandiwa.
MGA PANLAPI: UM, MAG, MANG, MAKA, MA
Ito ay ang mga panlapi na kabilang sa aktor focus.
GOL FOKUS
ito ay mula sa salitang goal na ang kahulugan ay layon.
MGA PANLAPI: I, IN, NI,HIN,AN
Ito ang mga panlaping kabilang sa Gol fokus
BENEFAKTIV FOKUS
Ito ay benefactor o nakikinavang: sa fokus na ito, ang magiging simuno ay ang ‘di tuwirang layon o tagatanggap ng layon.
MGA PANLAPI: I, IPAG
ito ang mga panlapi na kabilang sa benefactiv fokus
LOKATIV FOKUS
Ito ay tumutukoy sa local, pook,lunan; ang ginagampanan naman ang fokus dito.
MGA PANLAPI: AN, HAN, IN, HIN
Ito ay mga panlaping kabilang sa lokativ fokus.
KOSATIV FOKUS
Ito ang causative, dahilan o sanhi; ang sanhi o dahilan ng pagkilos sa pangungusap ang fokus dito.
PANLAPI: IKA
Ito ang panlapi na kabilang sa kosativ fokus
INSTRUMENTAL FOKUS
Ito ay tumutukoy sa instrument o kasangkapan; ang kasangkapang ginagamit sa pagkilos ang nagiging pokus dito.
PANLAPI: IPANG
Ito ay panlapi na kabilang sa intrumental fokus
Retorika
Ito ay isa sa mga uri ng sining na naisasagawa sa pamamagitan nang psalita at pasulat na paraan
Retorika
Isa itong praktikal na pag-aaral na nagbibigay sa tao ng matinding kontrol sa mga smbolikong gawain.Ito din ay maingat at masining na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang hiigit na maunawaan at maging kasiya-siya sa tagapalinig o mambabasa
Tungkulin ng retorika
Pagandahin at pataminis ang pahayag
Balarila o Gramatika
Ito ay nauukol sa kawastuhan
Gramatika at Retorika
Ito ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pahayag.
Paksa
Ito ang pinaka kaluluwa ng isang pahayag
Lantad at Tago
Ito ang dalawang uri ng paksa
Lantad
Sinasabi kung ano ang paksa
Tago
Kinakailangan mo pang hanapin ang natatagong kahulugan. Hindi literal na binabanggit ang paksa ngunit hinihinuha ang ibigsabihin.
Panimula
-ito ay paglalahad ng kahalagahan ng pagkang tatalakayin
-ipagsisimula ito ng isang malinis na biro
-pagsaslaysay kaugnayan na kwento o napapanahong balita
-pagtanong na makagaganyak ng kaisipan
Panimula
-Ito ay pagbanggit ng sariling paniniwala, interes o sentimyento.
-paggagad ng popular na linya sa telebisyon, komersyal o pananalita ng ibang personalidad
-pagbanggit ng tula/ awit, salawikain at iba pa
Katawan
-ito ay naglalahad kaagad ng pangunahing punto
-tinatalakay ang argumento ng diskusyon
-pagbanggit ng mga suportang detalye
Wakas
-mapagtibay ang mga prosisyong inilatag
-pangkalahatang impresyong maiiwan sa isip
Malikhain a maingat na pananalita
Nangangailangan ang retorika nito upang magng kaakit akit sa mga mambabasa ang mga akdang panitikan
Tayutay
Higit na magiging mabisa at masining ang pagpapahayag kung gagamitan ng matalinhagang salita o tinatawag na ______?
Simili o pagtutulad
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad, gya ng, kumpara, tilamistula, katulad at iba pa.
Simili
Hal: ang ugali ng babae ay tulad ng panahon, madaling magbago
Metapor o pagwawangis
Naghahambing din ngunit hindi gingamitan ng mga salitang gaya ng, para ng, tila katulad at iba pa sapagkat itoy tiyakang paghahambing
Hyperbole
Ito ay pagmamalabis o eksaherasyon
Personipikasyon/ pagsasatao
Pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga bagay-bagay
Metonimi/ pagpapalit-tawag
Paggamit ng salitang panumbas o pagpapahiwatig ng kahulugan ng di-tinutukoy na salita.
Sinekdoke/ pagpapalit saklaw
Maaring gamitin sa pagbangggit ng bilang sa pagtukoy sa kabuuan at maari namang isang tao’y kumakatawan sa isang pangkat
Pagtatambis/ anithesis
Ito ay bumabanggit sa mga bagay na magkasalungat upang lalong mangibabaw o mas maging ang isang natatanging kaisipan
Eufemismo
Salitang magagamit bilang panghalili sa mga salitang masakit pakinggan o hindi maganda sa pandinig
Onomatopeya
Ito ay paggamit ng mga salitang ang tunog ay parang nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Panawag ( apostrophe)
Ito ay paggamit ng mga salita sa pakikipagusap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang harapan ngunit wala naman
Pag-uyam ( irony)
Ito ay paggamit ng salitang mapangutya o mapang uyam bagamat tila masarap pakinggan kung titignan ang literal na kahulugan
Aliterasyon
Ito ay paggamit ng magkaugnay na salitang may pag-uulit sa unang unog ng salita
Oxymoron
Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap naman sa nakakarinig o bumabasa
Tayutay at mga idyoma
Ito ay kapwa tumutukoy sa matatalinhagang pahayag.
Sawikain o idyoma
Ito ay salita o pariralang ng kahulugan ay iba o taliwas sa tunat na ibig sabihin nito
Mga Salitang Payak
Ito ay binubuo ng salitang ugat lamang
Mga salitang may panlapi
Ito ang mga salitang binubuo ng salitang ugat at panlapi
Unlapi
Ito ang panlapi na makikita sa unahan
Gitlapi
Ito ay kapag nasa gitna ang panlapi
Hulapi
Ito ay kapag nasa hulihan ang panlapi
Laguhan
Ito ay kapag ang panlapi ay makikita sa unahan at hulihan
Ganap at Di-ganap
Ito ang dalawang paraan ng salitang inuulit