1/45
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pananaliksik
Isang sistematiko, masinop, at obhetibong proseso ng paghahanap ng kasagutan gamit ang pinakaepektibong metodo at teorya.
Clarke at Clarke (2005)
“Ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko, at obhetibong imbestigasyon upang makuha ang balidong katotohanan at makabuo ng konklusyon.”
Nuncio, et al. (2013)
“Isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot batay sa suliranin at metodo tungo sa produksyon ng kaalaman at kasanayan.”
Aquino (1994)
“Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin.”
Katangian ng Pananaliksik
Sistematiko
Matalino
Etikal
Sistematiko
May sinusunod na proseso upang matiyak ang tama at maasahang datos.
Matalino
Nangangailangan ng malalim na pagsusuri at wastong pagpili ng impormasyon.
Etikal
Kinakailangang maging tapat sa buong proseso at iwasan ang paglabag sa karapatan ng iba.
Mga Layunin ng Pananaliksik
Makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
Makahanap ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng umiiral na metodo at impormasyon.
Mapahusay ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o produkto.
Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements.
Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan.
Masagot ang kuryosidad ng mananaliksik.
Mapalawak o maberipika ang umiiral na kaalaman.
Mapaunlad ang sariling kaalaman.
Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay.
Kahalagahan ng Pananaliksik sa Akademya
Isang akademikong pangangailangan sa anumang larangan upang makasabay sa pagbabago ng panahon.
Mahalaga bilang paghahanda sa propesyon at bilang pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng suliranin.
Nakakatulong sa pagpapaunlad ng lipunan at kinabukasan ng mamamayan.
Katangian ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
Sistematik
Kontrolado
Empirikal
Sistematik
May sinusunod na proseso at hakbang.
Kontrolado
Baryabol ay hindi dapat magbago maliban sa eksperimental na baryabol.
Empirikal
Datos at metodo ay dapat katanggap-tanggap at maayos.
Mga Kasanayan sa Pananaliksik
May kakayahang magsuri, magsulat, at bumasa nang maayos.
Dapat bihasa sa pagsasaliksik at paggamit ng tamang sanggunian.
Sumusunod sa tamang proseso at yugto ng pananaliksik.
Maka-Pilipinong Pananaliksik (Sicat-De Laza, 2016)
Filipino o katutubong wika ang ginagamit.
Paksa ay malapit sa puso ng mga Pilipino.
Komunidad ang laboratoryo ng pag-aaral.
Pagpili ng Paksa (San Juan, et al., 2019)
May sapat na sanggunian – Dapat may sapat na literatura.
Limitado ang saklaw – Mas tiyak at pokus ang pag-aaral.
May bagong kaalaman – Hindi lang duplikasyon ng lumang pag-aaral.
Sistematikong at siyentipikong paraan – Hindi lang impormasyon mula sa internet.
May sapat na kaalaman ang mananaliksik – Mas madaling talakayin kung pamilyar sa paksa.
Pagpili ng Batis ng Impormasyon (San Juan, et al., 2019)
Akademikong sanggunian
Uri ng sanggunian
Primarya vs. Sekundarya
Akademikong sanggunian
Obhetibo, dumaan sa ebalwasyon, mapagkakatiwalaan.
Uri ng sanggunian
.edu → Institusyong pang-edukasyon (Hal: academia.edu)
.org → Organisasyon (Hal: digitalcompas.org)
.com → Komersiyo/bisnes (Hal: gmail.com)
Primarya
Direkta at orihinal na ebidensiya (Hal: panayam, talaarawan, survey, legal na dokumento)
Sekundarya
Nagtasa at nagsintesis ng primaryang sanggunian (Hal: aklat, journal)
Paraphrase
Pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto gamit ang ibang pananalita nang hindi binabago ang kahulugan.
Layunin ng paraphrasing
Mas malinaw at mabilis ang pagpapaliwanag ng binasang teksto.
Dapat isama ang sanggunian
Gumamit ng APA style sa pagbibigay ng kredito sa orihinal na may-akda.
Abstrak
Isang lagom ng akademikong papel na nagpapakita ng buod ng buong pananaliksik. Karaniwang matatagpuan sa unahan ng papel.
Layunin ng Abstrak
Upang mabigyan ang mambabasa ng mabilis na pag-unawa sa pananaliksik nang hindi binabasa ang buong dokumento.
Nilalaman ng Abstrak
Introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at konklusyon (Koopman, 1997).
Katangian ng Mahusay na Abstrak
Maikli ngunit komprehensibo, malinaw, direkta, at obhetibo.
Mga Dapat Iwasan sa Pagsulat ng Abstrak
Paglalagay ng opinyon, pagiging maligoy, at pagsulat ng detalyadong datos.
Halimbawa ng abstrak na hango sa pananaliksik
“Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika: Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng Pribadong Paaralan.” Broadway at Zamora (2018)
Rebyu
Isang pampanitikang kritisismo na sinusuri ang isang akda batay sa nilalaman, istilo, at anyo (San Juan, et al., 2019).
Layunin ng Rebyu
Upang suriin at bigyang-evaluasyon ang isang akda mula sa pananaw ng mambabasa.
Elemento ng Rebyu
Nilalaman, istilo ng pagsulat, anyo, at pagtataya ng mambabasa.
Kahalagahan ng Rebyu
Tumutulong sa pagpapaliwanag ng akda upang mas madaling maunawaan ng iba.
"Ang Pag-angkla ng Sikolinggwistikang Filipino sa Kultura"
Pamagat ng rebyu na tumatalakay sa koneksyon ng wikang Filipino sa sikolinggwistika at kultura.
Dr. Ma. Althea T. Enriquez (2013)
May-akda ng rebyu mula sa Unibersidad ng Pilipinas.
Akademikong Publikasyon
Proseso ng paglathala ng pananaliksik sa pahayagan, aklat, o refereed research journal (De Laza, n.d.).
Layunin ng Publikasyon
Upang maibahagi ang kaalaman at makapag-ambag sa larangan ng pananaliksik.
Refereed Research Journal
Ang pinakatanggap at balidong paraan ng publikasyon na dumadaan sa masusing pagsusuri.
Peer Review
Proseso ng screening at ebalwasyon ng manuskrito bago mailathala sa isang journal.
Ok
type/click “ok”
DALUYAN
Journal ng Wikang Filipino mula sa UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, isa sa mga refereed journals sa Pilipinas.
Presentasyon ng Pananaliksik
Isang paraan ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensiya sa pamamagitan ng simposyum, forum, at iba pang pampublikong gawain.
Rebisyon
Pinakahuling proseso ng pananaliksik na naglalayong tukuyin ang kahinaan, ayusin ang gramatika, at sistematisahin ang ideya upang mapalakas at mapalalim ang argumento ng pananaliksik.
Mga Gabay sa Rebisyon (Ayon kay De Laza, n.d.)
Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik.
Tukuyin ang target na mambabasa at layunin ng pananaliksik.
Tasahin ang ebidensiya.
Panatilihin lamang ang mahahalagang punto.
Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng pananaliksik.