1/244
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Kaligirang Kasaysayan ng Nobel
Oktubre 1887- sinimulan isulat ang nobela sa Calamba, Laguna.
March 29, 1891 – natapos ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Biarritz, France.
September 18, 1891 – nailimbag ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
Maximo Viola - ang tumulong sa pagpapalimbag ng unang nobela ni Rizal.
Valentin Ventura – ang tumulong sa pagpapalimbag ng ikalawang nobela ni Rizal.
Alemanya – kung saan inilimbag ang Noli Me Tangere.
Inang Bayan – inialay ni Rizal ang unang nobela.
GOMBURZA – inalay ni Rizal ang ikalawang nobela.
Mariano Gómez
José Burgos
Jacinto Zamora
El Filibusterismo
Ikalawang Nobela ni Dr. Jose Rizal
Nobelang Politika
Natapos niyang masulat ito noong March 29, 1891
Nailimbag sa Ghent Belhika(Belgium) noong Setyembre 1891
Tumulong si Valentin Ventura sa pagbayad
Ang kanyang nobela ay inialay sa GomBurZa (Gomes, Burgos, Zamora)
Kabanata 1 - Sa Kubyerta
(https://www.youtube.com/watch?v=Oj-5IFlzTYQ&list=PLiyC3ODSVCwzpJptbyvet_AMCnMaCpd0q - full story)
Buod
Ng Disyembre lumakbay ang Bapor tabo sa ilog Pasig patungong Laguna. Ang mga pasahero sa kubyerta ay pinagtatalunan kung paano ayusin ang ilog. Biglang nagsalita ang chumichismosong si Simoun ng paraan, na magbukas ng bagong ilog sa Maynila at tabunan ang ilog Pasig. Nagrebatan sila Simoun at Don Custodio.
Simoun: Gamitin ang mga Bilanggo(prisoner) para sa paggawa ng ilog.
Don Custodio: Baka maghimagsik(rebelde) ang mga napilitang gumawa.
Sumipsip si Padre Salvi sa kanilang usapan, ngunit naka isang linyahan lang siya bago siya nirealtalk at inalisan ni Simoun. Pumait ang kalagayan ni Don Custodio dahil kay Simoun, at lumaganap siya ng bagong paraan at sinabi ito kay Ben Zayb. Pilitin ang lahat ng bayang magkakalapit na mag-alaga ng pato. (Katapusan.)
Tauhan
Simoun - Pangunahing tauhan ng nobela. Isa siyang mayaman na alahero at tagapayo ng Kapitan Heneral.
Ben Zayb - Isang mamamahayag(journalist) na kastila na mahilig magsulat ng sariling bersyon ng mga pangyayari.
Donya Victorina - Isang pilipina na nagpapanggap na isang taga Europa. Mahilig makipagtalo at mataas ang sarili sa kanyang sarili
Don Custodio - Maimpluwensyang opisyal na pumanggap bilang isang liberal, ngunit pumapanig(taking side) sa mga prayle.
Padre Salvi - Isang prayleng Pransiskano na kumakatawan ng duwag at mapang-abusong kapangyarihan ng simbahan.
Talasalitaan
Bapor Tabo - Steamboat, bangka
Kubyerta - Deck, lapag
Katunggakan - tagpuan
Wawa - bunganga ng ilog
Kabanata 2 - Sa ilalim ng Kubyerta
(https://youtu.be/gpmb6dgpnow?si=OJUdtiPMBHMplCws - full story)
Buod
Ganito pala sa ilalim ng kubyerta! Maingay, mainit, mausok, at puno ng mga Indio! Nag-uusap sila Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani tungkol sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila. Sang-ayon si Kapitan Basilio sa kanilang ideya, at ni-regaluhan nila Basilio at Isagani si Padre Irene para makipagkita sa Kapitan Heneral na nasa Los Banos. Ang mga salaping gugugulin ay ang mga estudyante na mag-aambag, at nakapag-alok ng isang guro si Macaraig. Nilapitan ni Simoun silang dalawa at tinanong si Isagani kung bakit hindi makabili ng mga alahas ng mga tao sa kanilang lalawigan. Totoo daw sabi ni Isagani, ngunit di naman kailangan. Niyaya sila ni Simoun na uminom ng alak, pero tinanggihan nila.(Katapusan)
Tauhan -
Kapitan Basilio - Kumausap kila Basilio at Isagani
Basilio - Ang bida, at estudyante
Isagani - Kaibigan ni Basilyo
Simoun - Inaya sina Isagani at Basilio mag inuman ng serbesa(beer)
Talasalitaan
Serbesa - Alak
Karalitaan - Kahirapan
Indio
Sasalungatin
Kabanata 3 - Mga Alamat
(https://youtu.be/q1ZjcXipHSg?si=pkmrbrZaN1bw_QBF- full story)
Tauhan -
Padre Florentino - Amain ni Isagani, isang pilipinong pari na tahimik at makatao
Simoun - mayaman na alahero
Padre Sibyla - Dominikang vice - rector ng Unibersidad ng Santo Tomas
Padre Irene - nag - udyok kay Kapitan Tiago upang malulong sa apyan
Padre Camorra - mapagkunwaring paring Kastila
Ben zayb - isang manunulat na kastila
Kapitan ng Bapor - ang namumuno sa Bapor Tabo
Mga alamat:
3 ang mga alamat
Donya Geronima
ikinuwento ni Padre Florentino
Tungkol sa isang babaeng iniwan ng kanyang kasintahan na naging arsobispo. Dahil sa matinding lungkot at paghihintay, pinili niyang manirahan bilang eremita sa Malapad-na-Bato.
Milagro ni San Nicolas
Ikinuwento ni Padre Salvi
San Nicolas: patron ng mga mandaragat
isang bangka ang muntik lumubog sa bagyo. Nanalangin ang isang dulang Tsino kay San Nicolas kaya’t ang buwaya ay naging bato at nailigtas ang bangka.
Kabanata 4: Kabesang Tales
(https://youtu.be/V3j3n-rBpWE?si=zt2vA5dt5CkFhDQh - full story)
Buod
Ipinakilala dito si Kabesang Tales, isang magsasaka at cabeza de barangay, sinaka niya ang paniwalang walang nagmamay-ari na lupa ngunit siya ay siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis , kahit sa kanyang sariling pagsisikap na pangalagaan ang lupa, si Kabesang Tales ay kinidnap ng mga bandido at na-hold for ransom sa halagang 500 pesos, 200 pesos lang ang dala ni Juli, ngunit hindi ito sapat. kaya nagpasya siyang pagsilbihan ang isang mayamang taganayon upang makalikom ng pera at ipagtanggol ang kanyang pamilya at karapatan sa lupa. (Katapusan)
Tauhan -
Kabesang Tales
magsasaka
nag-iisang anak ni Tandang Selo
“Cabeza de barangay”
Tano - anak ni Kabesang Tales na naging sundalo
Juli - anak ni Kabesang Tales, kasintahan ni Basilio
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales
Talasalitaan:
Tabla - pantay
Tulisan - bandido
Agnos - kwintas
Buwis - bayad sa gobyerno