RIZAL RIZAL RIZAL MATAPOS KA NA

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/72

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 9:16 AM on 8/12/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

73 Terms

1
New cards
Bapor Djemnah
Muling sinakyan ni Rizal upang muling magbalik sa Pilipinas, ang ruta nito ay Marselya, France papuntang Saigon, Vietnam.
2
New cards
SS Hayfony
Nang makarating si Rizal sa Saigon, ito ang bapor na sinakyan ni Rizal papuntang Maynila.
3
New cards
Gobernador Heneral Emilio Terrero
Ang gobernador heneral ng Pilipinas ng umuwi si Jose Rizal sa unang pagkakataon. Nagpatawag kay Rizal sa Malacanang dahil sa nobelang Noli Me Tangere at hinilingan siya ng kopya nito upang mapag-aralan dahil sa sumbong ng mga prayle.
4
New cards
Gobernador Heneral Antonio Molto
Humalili kay Terrero sa kanyang pwesto mula April 25 hanggang June 4 1888.
5
New cards
Gobernador Heneral Federico Lobaton
Gobernador Heneral na nanungkulan lamang ng isang araw. June 4 hanggang 5, 1888.
6
New cards
Gobernador Heneral Valeriano Weyler
Ang sumunod na umupong heneral pagkatapos ni Lobaton.
7
New cards
Gymnasium
Itinayo ni Rizal sa kanyang bayan na ang layunin ay maturuan ang mga kabataan gaya ng kanyang mga natutunang isports sa Europa at mailayo ang mga ito sa bisyo gaya ng sabong at iba pang sugal.
8
New cards
Dr. Ulliman
Ang palayaw ni Rizal nang magtayo siyang klinika sa Calamba. Dahil katatapos lang mag-aral at mag-specialize ni Rizal sa ophtalmology sa Germany (nag-aral siya sa Heidelberg at Berlin), akala ng mga taga-Calamba at karatig-bayan ay isang medikong Aleman o Aleman mismo ang dumating.
9
New cards
Palagiang Komisyon ng Pagsesensura
Ang opisyal na lupon na itinatag ng pamahalaang Espanyol noong panahon ng pananakop sa Pilipinas. Nang maipamahagi ang Noli Me Tangere, sinuri nila ito at idineklara na subersibo, heretiko at anti Filipino/Espanyol.
10
New cards
Tenyente Jose Taviel de Andrade
Ang kastilang guwardiya sibil na inatasan ni Gobernador Heneral Emilio Terrero para maging personal na bodyguard ni Rizal.
11
New cards
Padre Jose Rodriguez
Isang prayleng Agustino na gumawa ng serye ng mga babashin na tinawag na Caiingat Cayo. Binabalaan at pinagbabawalan niya ang mga Pilipino na basahin ang Noli Me Tangere dahil ang sinumang magbasa nito ay magkakasala nang malaki at mapupunta sa impyerno.
12
New cards
Dolores Manapat
Bilang pagtatanggol kay Rizal gumawa siya ng pamplet na may pamagat na Caiigat Cayo, ginamit ni Marcelo H. Del Pilar ang alyas na ito. Ginaya niya ang hugis , laki, at pabalat ng babasahin ni Padre Rodriguez para malito ang mga prayle.
13
New cards
Gregorio del Pilar
Ang tumulong para maipamahagi ang Caiigat Cayo. Iniligay niya ang mga pamplet ni Marcelo H. del Pilar sa loob mismong pabalat ng baabsahin ni Padre Rodriguez, at palihim itong ipinamahagi sa mga tao paglabas nila ng Simbahan sa Bulacan.
14
New cards
Padre Vicente Garcia
Paring Pilipino at eksperto sa Teolohiya na gumamit ng alyas na Justo Desiderio Magalang upang ipagtanggol ang Noli Me Tangere laban sa pambabatikos ng prayleng si Rodriguez. Ipinaliwanag na hindi mangmang si Rizal at binasag ang argumento ng mga prayle. Isinulat nya rin na nagkasalang mortal si Padre Rodriguez.
15
New cards
Padre Salvador Font
Ang namuno sa Palagiang Komisyon ng Pagsesensura na angrekomenda na i-ban ang Noli Me Tangere.
16
New cards
Himno Al Trabajo
Isang tula na isinulat ni Rizal sa kahilingan ng kanyang mga kaibigan sa Batangas. Isinulat niya ito para sa pagdiriwang nang maging lungsod ang Lipa upang parangalaan ang sipag ng mga magsasaka at manggagawa.
17
New cards
Bapor Zafiro
Ang bapor na sinakyan ni Rizal paalis ng Pilipinas at patungong Hongkong.
18
New cards
Victoria Hotel
Pinanuluyan ni Rizal sa pagdating sa Hongkong.
19
New cards
Jose Ma. Basa
Isa siyang mangangalakal at repormista. Nag-ambag ng salapi upang maipuslit ang mga nobela ni Rizal at ilang mga babasahing ipinagbawal ng mga Espanyol papasok sa Pilipnas. Ipinatapon siya sa Marianas dahil sa Himagsikan sa Cavite.
20
New cards
Balvino Mauricio
Isa sa mga kusang umalis sa Pilipinas at nanirahan sa Hongkong. Isa siya sa mga Pilipinong naging tahanan at tulungan si Rizal noong naglalagi ito sa HongKong. Isa siyang dating negosyante at abogado.
21
New cards
Jose Sainz de Varanda
Kalihim ni Terrero na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal habang ito ay nasa Hongkong. Nais makasigurado ng gobyernong Espanyol at ng mga prayle kung ano ang mga gingagawa sa abroad ni Rizal at kung kanino siya nakikipagkita.
22
New cards
1,000
Bilang ng paupahang bahay at ng mga order ng mga dominiko sa HongKong. Ang mga dominican ang pinakamayang order sa HongKong.
23
New cards
Barkong Oceanic
Barkong sinakyan ni Rizal papuntang bansang hapon. Ito ay pagmamay-ari ng mga Amerikano.
24
New cards
Macau
Sumaglit si Rizal at Basa sa bansang ito ng 2 araw mula sa Hong Kong.
25
New cards
Don Juan Francisco Lecaros
Isang Pilipinong nakapangasawa ng Portugesa. May-ari ng tinuluyang bahay nila Rizal sa Macao. Bukod sa pagiging maasikaso, napansin ni Rizal ang kanyang interes sa pag-aalaga ng mga halaman at bulaklak na nagmula pa sa Pilipinas.
26
New cards
Macau Kiu Kiang
Ito ang barkong sinakyan ni Rizal patungong Macau at nakita niya dito si Jose Sains Veranda na sumusunod sa kanya.
27
New cards
Yokohama
Unang lugar na dinaungan nI Rizal pagdating sa Japan bago tumungo sa Tokyo.
28
New cards
Juan Perez Caballero
Opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kay Rizal sa hotel at inanyayahan siya na manirahan sa gusali ng opisyal na tinitirhan sa Legasyon. Kaibigan ni Rizal at inilarawan niya bilang isang matalino, magalang, at mahusay na diplomat.
29
New cards
Seiko Usui
Ang haponesang bumighani kay Rizal habang nasa bansang Hapon. Ito ang nagsilbing tour guide , instraktor sa Nihonggo, at nagpapaliwanag sa kanya tungkol sa lipunang Hapones. Isa din siyang anak ng isang samurai.
30
New cards
Tetcho Suehiro
Politikong hapon, nobelista at isa ring mamahayag sa kanyang bayan. Sumulat ng nobelang Setchubai kung saan niya kinilala ang impluwensya ni Rizal para sa nobelang ito.
31
New cards
SS Belgic
Ang barkong sinakyan ni Rizal papunta ng San Francisco Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuuwarentenas sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera.
32
New cards
Batas Jim Crow
Pagpapatupad ng pagtatangi-tangi ng lahi sa Timog na bahagi sa Estados Unidos. Sinambit ni Rizal na napakagandang bansa ng Estados Unidos para sa mga puti, ngunit hindi para sa mga taong may kulay ang balat.
33
New cards
SS City of Rome
Ang pinakamalaking barko sa daigdig noong 1888, sinakyan ni Rizal upang maglakbay mula Estados Unidos patungong Liverpool.
34
New cards
Antonio Ma. Regidor
Isang abogado, ekonomista, at manunulat na ipinatapon sa Marianas dahil sa Himagsikan sa Kabite, kinalaunang pinatawad, na siyang tumanggap kay Rizal sa kanyang pagdating sa London at nagpakilala sa kanya kay Dr. Rheinhold Rost.
35
New cards
Dr. Rheinhold Rost
Isang dalubhasa sa Aklatan at Museo ng Inglatera na eksperto sa kasaysayan at kulturang Malay, at patnugot ng Trubner's Record, na tumulong sa pananaliksik ni Rizal sa London.
36
New cards
Sucesos de las Islas Filipinas
Isang salaysay na isinulat ni Antonio de Morga, unang nailathala sa Mehiko noong 1609, na binigyan ni Rizal ng anotasyon habang nagsasaliksik sa London.
37
New cards
Antonio de Morga
Ang may-akda ng Sucesos de las Islas Filipinas na naging Hukom ng Royal Audiencia at pansamantalang naging Kapitan Heneral ng Pilipinas
38
New cards
Gertrude Beckett
Ang anak na babae ng nagpapaupa kay Rizal sa London na nagturo sa kanya ng wikang Ingles at tumulong sa pagpipinta at iskultura.
39
New cards
Charles Becket
Ang organistang taga-Simbahan ng San Pablo kung kaninong tahanan sa Primrose Hill nanuluyan si Rizal.
40
New cards
La Solidaridad
Isang pahayagang itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona noong ika-15 ng Pebrero 1889, na naging pangunahing lathalain ng Kilusang Propaganda.
41
New cards
Kilusang Propaganda
Ang kilusang humubog sa kamalayang makabayan ng mga Pilipino mula 1880 hanggang 1896, na kalaunan ay nagtulak sa Rebolusyong Pilipino.
42
New cards
Marcelo H. del Pilar
Isang propagandistang dumating sa Barcelona noong Enero 1889, sumapi sa La Solidaridad, at kalaunang nagkaroon ng tunggalian kay Rizal hinggil sa kontrol sa pahayagan
43
New cards
Liham para sa mga Kababaihan ng Malolos
Isang liham na isinulat ni Rizal bilang tugon sa kahilingan ng dalawampung kababaihan ng Malolos na humingi kay Gobernador Weyler ng paaralang panggabi para mag-aral ng Kastila.
44
New cards
Ang Katamaran ng mga Pilipino
Isang sanaysay ni Rizal na sumasagot sa paratang na tamad ang mga Pilipino, unti-unting nailathala sa La Solidaridad mula Hulyo hanggang Setyembre 1890.
45
New cards
Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon
Isang mahabang sanaysay na pangkasaysayan at pampulitika ni Rizal na nailathala sa La Solidaridad mula Setyembre 1889 hanggang Pebrero 1890, na hinuhulaan ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa Espanya
46
New cards
Valentin Ventura
Isang kaibigang nagpatuluyan kay Rizal sa Paris, tumulong sa pagpapalimbag ng anotasyon sa akda ni Morga, at kalaunang tumulong sa paglalathala ng El Filibusterismo sa Ghent.
47
New cards
Garnier Hermano
Isang malaking palimbagan sa Paris na naglathala ng anotasyon ni Rizal sa akda ni Morga noong Enero 1890.
48
New cards
Kidlat Club
Isang samahang panlipunan na binuo ng mga Pilipinong nasa Paris sa panahon ng Universal Exposition noong 1889.
49
New cards
Indios Bravos
Isang samahang itinatag ni Rizal at mga kapwa Pilipino sa Paris upang itaguyod ang pagmamalaki sa pagka-Pilipino.
50
New cards
Nelly Boustead
Isang babae sa Paris na naging dahilan ng halos pagbabanggaan nina Rizal at Antonio Luna.
51
New cards
El Filibusterismo
Ang ikalawang nobela ni Rizal, natapos sa Brussels noong 1890 at unang nailathala sa Ghent noong ika-18 ng Setyembre 1891, na may dedikasyon sa tatlong paring martir na tinaguriang Gomburza
52
New cards
Petite Susanne
Isang dalagang Belhiko sa Brussels na naibig kay Rizal.
53
New cards
Gomburza
Ang tatlong paring martir na siyang pinaglaanan ni Rizal ng dedikasyon sa El Filibusterismo
54
New cards
William Pryor
Isang taong nakilala ni Rizal habang nasa barko na siyang nagtatag ng unang pamayanan ng mga Ingles sa Sandakan, Hilagang Borneo.
55
New cards
La Liga Filipina
Isang samahang sibiko na itinatag ni Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Hulyo 1892, na may motton Bawat Isa'y Katulad ng Lahat.
56
New cards
Pobres Frailes
Isang polyetong natagpuan sa maleta ni Rizal na naging dahilan ng kanyang pagkakadakip noong 1892.
57
New cards
Hotel de Oriente
Ang otel sa Maynila na tinuluyan nina Rizal at kapatid niyang si Lucia pagdating mula Hongkong noong 1892, at kung saan din siya inaresto.
58
New cards
Eulogio Despujol
Ang Gobernador Heneral na kinausap ni Rizal sa Malakanyang noong 1892 hinggil sa proyekto sa Borneo at kaligtasan ng kanyang pamilya, at siya ring nag-utos ng pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan.
59
New cards
Ricardo Carnicero
Ang punong pulitiko-militar ng Dapitan na nagpanauhin kay Rizal noong ipinatapon siya rito noong 1892, na kalaunang naging kaibigan niya.
60
New cards
Dapitan Girl
Isang iniukit na estatwa na nilikha ni Rizal habang siya ay ipinatapon sa Dapitan.
61
New cards
Josephine Bracken
Ang babaeng nakilala at napangasawa ni Rizal habang siya ay ipinatapon sa Dapitan.
62
New cards
Pio Valenzuela
Isang sugo ng Katipunan na dumalaw kay Rizal sa Dapitan upang ipaalam sa kanya ang balak na rebolusyon laban sa mga Espanyol.
63
New cards
Ramon Blanco
Ang Gobernador Heneral na pumayag na paalisin si Rizal sa Dapitan noong ika-31 ng Hulyo 1896 upang magsilbing manggagamot sa Cuba.
64
New cards
Bapor Castilla
Ang barkong Espanyol kung saan nanatili si Rizal habang naghihintay ng barkong magdadala sa kanya patungong Espanya sa Look ng Maynila.
65
New cards
Bapor Isla de Panay
Ang barkong nagdala kay Rizal pabalik sa Maynila sa ilalim ng pangangalaga ni Despujol noong ika-3 ng Oktubre 1896, matapos malamang siya ay nadawit sa rebolusyon.
66
New cards
Camilo de Polavieja
Ang Gobernador Heneral na humalili kay Ramon Blanco noong ika-13 ng Disyembre 1896, sa panahon ng paglilitis kay Rizal.
67
New cards
Rafael Dominguez
Ang punong tagasiyasat na bumasa sa ulat ng imbestigasyon laban kay Rizal sa paglilitis, at siya ring nagpaalam kay Rizal ng hatol na kamatayan.
68
New cards
Luis Taviel de Andrade
Ang abogadong nagtanggol kay Rizal sa kanyang paglilitis sa hukumang militar, kapatid ni Jose Taviel de Andrade na siyang nagbantay kay Rizal noong 1887.
69
New cards
Enrique de Alcocer
Ang piskal na nag-usig kay Rizal, na ang kanyang memorandum sa paglilitis ay nagtapos sa paghingi ng parusang kamatayan.
70
New cards
Jose Togores
Ang tenyente kolonel na namuno sa hukumang militar na binubuo ng anim na kapitan na siyang lumitis kay Rizal noong ika-26 ng Disyembre 1896.
71
New cards
Bagumbayan
Ang lugar kung saan binaril si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.
72
New cards
Lorenzo Marquez
Isang Portuguese physician sa Hong Kong na naging matalik na kaibigan, tagahanga (admirer), at colleague ni Dr. Jose Rizal noong nanirahan si Rizal doon mula 1891 hanggang 1892. Nung nagtayo si Rizal ng kanyang clinic sa No. 2 Rednaxela Terrace sa Hong Kong, tinulungan siya nito na makakuha ng maraming pasyente at maitayo ang kanyang pangalan bilang ophthalmic surgeon sa kolonya.
73
New cards
Dr. Antonio Ma. Regidor
Isa sa mga pinakapananaligang taga-suporta, financier, at adviser ni Jose Rizal habang ito ay nasa Europa. Noong nanirahan si Rizal sa London, ibinukas ni Regidor ang kanyang tahanan at koneksyon upang tulungan siyang makapagsaliksik sa British Museum at maipalimbag ang kanyang mga akda. Bukod dito, naging aktibo ring kaagapay si Regidor sa pagpondo ng Kilusang Propaganda at sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino gamit ang kanyang propesyon bilang abogado.