1/15
Isyu ng Tunggaliang Teritoryal at Hangganan
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Mamamayan,Soberanya,Teritoryo,pamahalaan
Mga Elemento Ng Estado
Tao
Tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa
Pamahalaan
Ito ang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na ang layunin ay mapanatili ang kaayusan at magtatag ng sibilisadong lipunan.
Soberanya o Ganap na Kalayaan
Tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na mamahala sa kanyang nasasakupan na hindi pinakikialaman ng isang bansa.
Teritoryo
Tumutukoy sa sakop na lugar na nasa sakop ng huridissiyon ng estado. Kasama ang katubigan at karagatan, kalawakang itaas at kalaliman ng lupa.
Teritoryo
Nakabatay dito ang pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan.
Nagtatakda sa pinagkukunang yaman
Nagtatakda sa hangganan ng kapangyarihan ng estado kung saan maaaring magkaroon ng bisa ang soberanya at batas nito
Territorial Dispute and Border Conflicts
Ito ay katawagan sa pag-aalitan ng mga magkakaratig na bansa o estado ukol sa kani-kanilang teritoryo.
Nagaganap ito kung may isa, dalawa o higit pang bansa ang umaangkin sa iisang lupain o parte ng katubigan sa mundo.
Artikulo 1 ng Saligang
Batas ng Pilipinas ng 1987
ANG PAMBANSANG TERITORYO
Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.
● Hindi pagsunod sa mga naunang kasunduan
● Natural Resources o Pang-ekonomiyang interes
● Pagkakaiba ng ideolohiyang pampolitika at relihiyon
MGA SANHI NG TERRITORIAL DISPUTES
UNCLOS ( United Nations Convention for the Law of the Sea)
Naglalaman ng mga karapatan at pananagutan ng mga bansa tungkol sa paggamit ng karagatn ng mundo. Nagtataguyod din ito ng alintuntunin sa mga negosyo, kalikasan at pamamahala ng likas na yamang dagat.
Sa Aspektong:
1. Aspektong Panlipunan
2. Pang-ekonomiya
3. Pampolitika
4. Pangkapayapaan
MGA EPEKTO NG TERRITORIAL AT BORDER CONFLICT
1.Maaring magdulot ng sentimentong makabayan.
2.Nagiging sanhi upang lumipat ng ibang bansa ang mga mamamayan lalo na kung ang hidwaan ay nagbunga ng armadong salungatan (armed conflict)
3.Nakakaapeto sa buhay at pamumuhay ng mga tao sa lipunan— ang pag-aaral ng kabataan at ang kalakalan o ekonomiya sa rehiyon.
Aspektong Panlipunan
1. Nag-aatubili ang mga mamumuhunan na magtayo ng mga negosyo sa apektadong lugar.
2. Naaapektuhan ang mga kalakalan sa rehiyon.
Aspektong Pang-ekonomiya
1.Pagsisimula ng digmaan
2.Nananatili ang posibilidad na magkaroon ng labanan o dahas kung walang gagabay sa Code of Conduct sa mga hakbangin ng mga bansang kabilang sa pag-aagawan ng teritoryo.
3. Pag-aagawan ng impluwensya at kapangyarihan sa pinagtatalunang teritoryo
4. Rebisyon ng political agenda ng mga magkatunggaliang bansa 5. Nagkakaroon ng mga rebelde na nagiging kalaban ng pamahalaan
Aspektong Pangkapsyspaan
Materyal
● Likas na yaman
● Estratehikong lokasyon Simboliko
Simboliko
● Kasaysayan
● Kultura
Mga uri ng Agawan sa Teritoryo Materyal
• Daanan ng mga barkong pangkalakal • Mayaman sa natural gas energy methane hydrate (source of
West Philippine Sea