1/22
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Simoun
Isang napakayanang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng kapitan Heneral
Padre Florentino
Isang mabuti at kagalanggalang na paring Pilipino. Pinilit lamang siya ng inang mahing lingkod ng Diyos dahil sa kanayang panata.
Padre Bernardo Salvi
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle.
Padre Hernando Sibyla
Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
Padre Irene
Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante.
Padre Camorra
Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
Padre Millon
Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga magaaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.
Telesforo Juan de Dios
Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kanyang kunitang pera.
Juliana o Juli
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
Tata Selo
ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
Tano/Carolino
Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon.
Basilio
Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay.
Isagani
Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
Makaraig
Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-aaral, at palabasa ng iba't ibang aklat kaya't nangunguna sa pagbabago.
Placido Penitente
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.
Pecson
Mapanuring mag-aaral si _____ Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi siya agad naniniwala sa mga balibalita lamang kaya tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.
Mataas na Kawani
Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila.
Juanito Pelaez
Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang mga gusto.
Tadeo
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang magsalita.
Paulita Gomez
Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Donya Victorina de Espandaña
Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
Kapitan Tiago
Dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo'y masama na ang loob niya sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan.
Maria Clara
Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo.