Filipino APP003

studied byStudied by 26 people
5.0(1)
learn
LearnA personalized and smart learning plan
exam
Practice TestTake a test on your terms and definitions
spaced repetition
Spaced RepetitionScientifically backed study method
heart puzzle
Matching GameHow quick can you match all your cards?
flashcards
FlashcardsStudy terms and definitions

1 / 63

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Modules 1-5

64 Terms

1

Akademikong Pagsulat

tinatawag din na intelektwal na pagsusulat / karaniwang ginagamit sa mga institusyon ng edukasyon at sa mga akademikong komunidad

New cards
2

Gocsik (2004)

ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento

New cards
3

Mga Layunin ng Akademikong Pagsulat

  • malinang ang mga kaalaman ng mga mag-aaral

  • masunod ang partikular na kumbensyon

  • maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik

  • maitaas ang antas ng mga kasanayan

New cards
4

Mga Salik ng Akademikong Pagsulat

  • manunulat

  • layunin

  • mambabasa 

  • paksa

New cards
5

Akademiko

Organisasyon ng ideya

Pananaw

Planado ang ideya

Obhetibo

May pagkakasunod-sunod estruktura ng mga pahayag

Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya

Magkakaugnay ang mga ideya

Totoo

Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat

New cards
6

Di-Akademiko

Organisasyon ng ideya

Pananaw

Hindi malinaw ang estruktura

Subhetibo

Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya.

Sariling opinyon at kabuuang pagtukoy

Tao at damdamin ang tinutukoy

Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat

New cards
7

Bago Sumulat (prewriting)

isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat / ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat

New cards
8

Pagsulat ng Burador (drafting)

aktwal na pagsulat ng tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali

New cards
9

Pagrerebisa (revising)

pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri 

New cards
10

Pag-eedit (editing)

ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat

New cards
11

Paglalathala (publishing)

ang panghuling hakbang na kung saan ibabahagi ang nabuong ponal na kopya ng sulatin sa mga target na mambabasa

New cards
12

Paghahalimbawa

ginagamit ito lalo na sa mga paksang abstrak / nagpapahiwatig ng ilustrasyon o pagbibigay halimbawa

New cards
13

Pagbibigay-kahulugan

paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa Isang salita / paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaa

New cards
14

Maanyo

tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman / tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensiklopedya

New cards
15

Katawagan (form)

salitang ipinaliwanag o binibigyang-kahulugan / ex: ang parabula

New cards
16

Klase o Uri (genus)

kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na bagay / ex: ang Parabula ay isang maikling kwento.

New cards
17

Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference)

ikinaiiba ng salitang binibigyang-depinisyon sa iba pang salita o katawagan / ex: Ang parabula ay isang maikling kwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang kwento.

New cards
18

Pasanaysay

isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita / walang tiyak na abala ito basta't makapag papaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan

New cards
19

Sanghi at Bunga

ang pagtunton sa pinagmulan ng isang isang bagay maging ang dahilan at epekto nito

New cards
20

Proseso

ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay o k byung ano ang mabuting paraan upang matamo ang isang layunin

New cards
21

Abstrak

karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report

New cards
22

Sintensis

ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento

New cards
23

Bionote

ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya

New cards
24

Memorandum

maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon

New cards
25

Agenda

layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong

New cards
26

Panukalang Proyekto

makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad / naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema o suliranin

New cards
27

Talumpati

isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman

New cards
28

Katitikan ng Pulong

ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong

New cards
29

Posisyong Papel

naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama / ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan

New cards
30

Replektibong Sanaysay

uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek / nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat

New cards
31

Piktoryal na Sanaysay

kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita / organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap

New cards
32

Lakbay Sanaysay

isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat

New cards
33

Abstrak

ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.

New cards
34

Proseso ng Pagsulat ng Sintensis

Introduksyon → Katawan → Awtput

New cards
35

Syntithenai

syn- magkasama, tithenai- ilagay kaya ibig sabihin sama-samang ilagay / Griyego

New cards
36

Sintesis

Isang anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa maikling paraan at sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ideya

New cards
37

Padayagram na Anyo

Napagsama-sama ang mga impormasyon gamit ang grapiko.

New cards
38

Patalatang Anyo

Sa paraang talata nailalahad ang impormasyon.

New cards
39

Agenda

Isang mahalagang elemento sa pagpupuplong / Ang listahan ng mga bagay na tatalakayin o tinatalakay sa isang pormal na pagpupulong / Ang mga plano o gustong gawin sa isang bagay / Maaring gamitin bilang checklist upang matiyak kung lahat ng impormasyon ay sakop ng talakayan.

New cards
40

Pamagat

Ay para makita ang kabuuang pananaw sa agenda / Una, siya ay nagbabasa ng agenda / Pangalawa, sakop nito ang paksa ng pulong / Mainam kung ito ay payak at maikli ang pagkakasulat

New cards
41

Petsa, Lokasyon at mga Dadalo

Kailangan isulat ito sa agenda para malaman ng mga hindi dumalo ng pulong kung sinu-sino ang mga dumalo, saan nangyari ang pulong at kailan ito nangyari.

New cards
42

Layunin ng Agenda

Sa anumang gawain kailangan laging may layunin / Magsasabi kung ano ang pag- uusapan o awtput sa pulong / Kailangan mabasa ito ng mga magsisidalo para makapaghanda sa pulong.

New cards
43

Iskedyul

Ang bahaging ito makikita kung paano tatakbo ang pagpupulong / Ito ay nagdudulot ng kaayusan ng pulong.

New cards
44

Tungkulin

Nakasulat sa bahaging ito ang papel na gagampanan ng mga dadalo sa pulong.

New cards
45

Gabay sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

  1. Kailangang malinaw na nakasulat kung paano at kailan matatapos ang proyekto

  2. Kailangang ipakita ang pangangailangan ng kumunidad

  3. Dapat maayos, malinis, at walang nakasulat na mga impormasyong walang kinalaman sa proyekto

  4. Patunayang ang proyekto ay karapat-dapat na tustusan

New cards
46

Panukalang Proyekto

Ito ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansiyal para maisagawa ang isang proyekto / kadalasan na ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor

New cards
47

Mga tanong sa pagsulat na panukalang proyekto

  1. Ano ang nais mong maging proyekto?

  2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?

  3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?

  4. Paano mo ito isasagawa?

  5. Gaano katagal mo itong gagawin?

  6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

New cards
48

Titulo ng Proyekto (Project Title)

Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw

New cards
49

Proponent ng Proyekto (Project Proponent)

Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto, adres, telepono o cellphone, e-mail at lagda.

New cards
50

Pagpapahayag ng Suliranin

Dito inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais

New cards
51

Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)

Ilagay rito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.

New cards
52

Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)

Isaad ang background at kahalagahan ng proyekto.

New cards
53

Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)

Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito / Dito rin isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.

New cards
54

Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)

Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.

New cards
55

Planong Dapat Gawin

Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng panukalang proyekto.

New cards
56

Katitikan ng Pulong

tinatawag na minutes of meeting sa wikang Ingles / isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang piang-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag- uusap /

New cards
57

Kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong

  1. Ito ay opisyal na ulat ng mga pagtalakay.

  2. Ito ay nagiging basehan para sa susunod na talakayan

New cards
58

Nakasaad sa katitikan ng pulong

  • Paksa

  • Petsa

  • Oras

  • Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong

  • Oras ng pagsisimula

  • Oras ng pagtatapos

  • Mga napag-usapan

  • Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong

New cards
59

Mga dapat tandaan o gawin sa pagsulat ng katitikan ng pulong

1. Habang namamahagi ng ideya ang mga dumalo sa pulong, inililista ang mga adyendang napag- usapan isa-isa.

2. Lahat ng kalahok ay dapat ipahayag ang kanilang mga kaalaman, punto at/o opinyon.

3. Dapat pag-usapan nang maayos ang mga mabubuti at masamang naidudulot ng mga naibigay na mungkahi.

4. Magkroon ng opisyal na ulat o talaan.

5. Dapat ang mga salita na sinabi sa pagtalakay ay nakasulat sa ulat, hindi dapat ibahin ang mga nagamit na salita.

6. Dapat malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan sa pulong.

7. Piliin lamang ang mga importanteng bahagi ng pagtalakay sa pulong.

New cards
60

Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Pagpili ng paksa batay sa interes

2. Gumawa ng panimulang saliksik

3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa nihanay na mga katwiran

4. Gumawa ng malalim na saliksik

5. Bumuo ng balangkas

6. Sumulat ang posisyong papel

7. Ibahagi ang posisyong papel

New cards
61

Panimula ng Posisyong Papel

A. Ilahad ang paksa

B. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pagusapan.

C. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o iyong Stand o posisyon tungkol sa isyu.

New cards
62

Paglalahad ng Counter Argument o Argumentong Tumututol o Kumukontra

A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.

B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counter argument.

C. Patunayang mali o walang katotohananang mga counter arugument ng iyong inilahad.

D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong giinawang panunuligsa.

New cards
63

Paghlalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa isyu

A. Ipahayag o ilahad and unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.

B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.

C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.

New cards
64

Kongklusyon ng Posisyong Papel

A. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.

B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makakatulongsa pagpapabuti ng kaso o isyu.

New cards
robot