fil-w3-part1

5.0(1)
Studied by 3 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/29

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 2:10 PM on 5/18/23
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

30 Terms

1
New cards
Don Santiago “Kapitan Tiago” delos Santos
Isang mayamang mangangalakal na taga- Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
2
New cards
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa yamang kaniyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kaniyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
3
New cards
Sisa
Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.
4
New cards
Padre Bernardo Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso.
5
New cards
Padre Hernando Sibyla
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
6
New cards
Basilio
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
7
New cards
Crispin
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
8
New cards
Alperes
Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
9
New cards
Donya Consolacion
Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
10
New cards
Donya Victorina de Espadaña
Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.
11
New cards
Don Tiburcio de Espadaña
Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
12
New cards
Alfonso Linares
Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara.
13
New cards
Tiya Isabel
Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara.
14
New cards
Donya Pia Alba delos Santos
Siya ang ina ni Maria Clara. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
15
New cards
Tenyente Guevarra
Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kaniyang ama.
16
New cards
Kapitan Heneral
Ang pinakamapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.
17
New cards
Kapitan Basilio
Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.
18
New cards
Don Filipo Lino
Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.
19
New cards
Don Crisostomo Magsalin Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag- aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
20
New cards
Maria Clara delos Santos
Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon, Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
21
New cards
Elias
Siya ay isang piloto at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.
22
New cards
Pilosopong Tasyo
Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. May mga kaisipan siyang una kaysa panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.
23
New cards
Padre Damaso
Isang Pransiskano na dating kura ng San Diego. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmula sa puso ng nagpaparangal.
24
New cards
Lucas
Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
25
New cards
Don Saturnino Ibarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
26
New cards
Don Pedro Ibarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra.
27
New cards
Kapitana Maria
Tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
28
New cards
Maestro Nol Juan
Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kaniyang paaralan.
29
New cards
Kapitan Pablo
Siya ang pinuno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
30
New cards
Salome
Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan.