fil-w3-part1

  • Don Crisostomo Magsalin Ibarra- Binatang nag-aral sa Europa. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag- aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.

  • Maria Clara delos Santos- Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon, Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.

  • Elias - Siya ay isang piloto at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.

  • Pilosopong Tasyo- Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. May mga kaisipan siyang una kaysa panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.

  • Padre Damaso- Isang Pransiskano na dating kura ng San Diego. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmula sa puso ng nagpaparangal.

  • Don Santiago “Kapitan Tiago” delos Santos- Isang mayamang mangangalakal na taga- Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.

  • Don Rafael Ibarra- Ama ni Crisostomo Ibarra. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa yamang kaniyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kaniyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.

  • Sisa- Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.

  • Padre Bernardo Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso.

  • Padre Hernando Sibyla- Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.

  • Basilio- Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.

  • Crispin- Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

  • Alperes- Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.

  • Donya Consolacion- Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.

  • Donya Victorina de Espadaña- Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.

  • Don Tiburcio de Espadaña- Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.

  • Alfonso Linares- Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara.

  • Tiya Isabel- Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara.

  • Donya Pia Alba delos Santos- Siya ang ina ni Maria Clara. Siya ay namatay
    matapos maisilang si Maria Clara.

  • Tenyente Guevarra- Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kaniyang ama.

  • Kapitan Heneral- Ang pinakamapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.

  • Kapitan Basilio- Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.

  • Don Filipo Lino- Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.

  • Lucas- Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.

  • Don Saturnino Ibarra- Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.

  • Don Pedro Ibarra- Nuno ni Crisostomo Ibarra.

  • Kapitana Maria- Tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

  • Maestro Nol Juan- Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kaniyang paaralan.

  • Kapitan Pablo- Siya ang pinuno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.

  • Salome- Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan.