1/62
10-SUNSTONE
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Kontemporaryo
Con- kasama sa
Tempus at Tempur- panahon/kasalukuyang panahon o malapit na nakaraan.
Isyu
Isang paksang pinagtatalunan o tinatalakay ng mainitan o isang bagay na nagdudulot ng pagkabahala.
Lipunan
Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pag papahalaga.
Emile durkheim
Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Karl marx
Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan ito ay nabubuo dahil sa mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangngailangan.
Elemento ng istrukturang panlipunan
Institusyon
Social groups
Status
Gampanin
Charles cooley
Ang lipunan ay binubuo ng tao na may mag kakawing na ugnayan at tungkulin. Nuunawaan at higit na naki-kilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Institusyon
Ay organisadong sistema na ugnayan sa isang lipunan.
Social group
Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nag-kakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Status
Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
Dalawang uri ng status
Ascribed status
Achieved status
Gampanin
Tumutukoy ang mga ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
Kultura
Ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
Mooney 2011
Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan ng isang lipunan.
Dalawang uri ng kultura
Materyal- gusali, likhang sining, kagamitan at iba pa.
Hindi materyal- batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms.
4 na elemento ng kultura
Paniniwala (beliefs)
Pagpapahalaga (values)
Norms
Simbolo (symbols)
Paniniwala (Beliefs)
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa paniniwalaan at tinatanggap na totoo.
Pagpapahalaga (values)
Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan.
Simbolo (symbols)
Ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.
Solid waste
Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento.
Mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nag mula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi na kakalason.
Kagubatan
Mabilis at patuloy na pagliit ng forest corer sa 17 milyong ektarya noong 1934 ay naging 6.43 milyong ektarya noong 2003.
Yamang tubig
Pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa ating 10 kilo.
Yamang lupa
Pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa muling sampung taon.
Deforestation
Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad.
Dahilan ng deforestation sa pilipinas
Illegal logging
Migration
Mabilis na pagtaas ng populasyon
Fuel wood harvesting
Illegal na pagmimina
Climate change
Tumutukoy sa isang natural na pangyayari o kaya ay maari ding napapabilis o napapalala dulot ng gawain ng tao.
Dahilan ng climate change
Patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng cartoon dioxide na naiipon sa atmosphere.
Epekto ng climate change
Madalas at matagalang kaso ng el nino at la nina
Pagkakaroon ng malalakas na bagyo
Malawakang pagbaha
Pagguho ng lupa
Tagtuyot at forest fire
Mga kontemporaryong isyu
Solid waste
Deforestation
Climate change
Global warming
Disaster management
Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Hazard
Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
Dalawang uri ng hazard
Anthropogenic hazard
Natural hazard
Anthropogenic hazard
Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
Natural hazard
Ito ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
Disaster
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na ang nag dudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at mga gawaing pang ekonomiya.
Vulnerability
Tumutukoy ito sa tao, lugar at imprastraktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
Risk
Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
Philippine disaster risk reduction and management framework
PDRRMF
Community-based disaster risk management approach
CBDRMA
National disaster risk reduction and management council
NDRRMC
Community-based disaster risk management approach
Ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikiahok sa pag tukoy, pagsuri, at pagtugon, pag subaybay at pagtataya ng mga risks na maari nilang maranasan.
Bottom-up approach
Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
Top-down approach
Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
Apat na yugto
Disaster prevention and mitigation
Disaster preparedness
Disaster response
Disaster rehabilitation and recovery
Disaster prevention and mitigation
Tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
4 types of assessment
Hazard assessment
Vulnerability assessment
Capacity assessment
Risk assessment
Hazard assessment
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar.
Vulnerability assessment
Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Capacity assessment
Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
Risk assessment
Tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Dalawang uri ng mitigation
Structural mitigation
Non-structural mitigation
Structural mitigation
Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtamo ng hazard.
Non-structural mitigation
Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard.
Disaster preparedness
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
Tatlong pangunahing layunin ng disaster preparedness
To inform
To advise
To instruct
To inform
Magbigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunindad.
To advise
Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna.
To instruct
Magbigay ng hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng paalala o babala
Barangay assembly
Pamamahagi ng flyers
Pagdikit ng poster o billboard
Mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan
Disaster response
Dito tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Tatlong uri ng pagtataya sa disaster response
Needs assessment
Damage assessment
Loss assessment
Disaster rehabilitation and recovery
Ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istraktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nagalantang komunindad.