1/5
Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung ito ay nagpapakita ng Marxism, Keynesian Economics, o Classical.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Marxism
Sa isang bansa, malaki ang agwat ng yaman ng mayayaman at mahihirap. Naniniwala ang ilan na ang solusyon ay ang pagbuwag sa sistemang kapitalista at ibigay sa manggagawa ang kontrol sa produksyon.
Keynesian
Naniniwala ang pamahalaan na ang pagtaas ng gastusin nito sa imprastruktura ay makatutulong upang mapalago ang ekonomiya sa gitna ng krisis.
Classical
Ayon sa pananaw ng isang ekonomista, hindi dapat makialam ang pamahalaan sa daloy ng pamilihan dahil kusa itong babalik sa balanse.
Marxism
Binibigyang-diin ng isang teorya na ang suliranin sa ekonomiya ay nakaugat sa hindi makatarungang distribusyon ng yaman sa ilalim ng kapitalismo.
Classical
Sa paniniwala ng isang ekonomista, kapag tumaas ang presyo, kusa rin itong bababa kapag bumaba ang demand kaya hindi na kailangan ng interbensyon mula sa pamahalaan.
Keynesian
Para maresolba ang mabagal na galaw ng ekonomiya, iminungkahi ng ilang eksperto na bawasan ng gobyerno ang buwis upang dumami ang disposable income ng mga tao at mapalakas ang pagkonsumo.