1/14
Ang mga flashcards na ito ay sumasaklaw sa mga bahagi ng liham-pangnegosyo, iba't ibang uri ng promotional materials, at ang mga paraan ng pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Liham-pangnegosyo
Isang uri ng liham na ginagamit sa transaksyong pangnegosyo o trabaho, na pormal ang paggamit ng wika at maaaring maglaman ng mga salitang teknikal.
Ulong-sulat
Bahagi ng liham kung saan matatagpuan ang pangalan, lokasyon, impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham, at kalimitang nagtataglay ng logo.
Petsa
Bahagi ng liham na nagsasaad kung kailan ito isinulat.
Patunguhan
Naglalaman ng pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan o ang pangunahing patutunguhan ng liham.
Bating Pambungad
Isang maiksing pagbati sa patutunguhan o pagbibigyan ng liham.
Katawan ng Liham
Naglalaman ng mismong nilalaman at pinakapunto ng liham.
Bating Pangwakas
Maiksing pagbati para sa padadalhan bago tuluyang wakasan ang liham.
Lagda
Pangalan o mismong lagda ng taong nagsulat o nagpadala ng liham.
Flyer at Leaflet
Kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang at ginagamit bilang handout upang maipakilala ang produkto, tao, okasyon, o bilang talaan ng impormasyon.
Brochure
Isang promotional material na kalimitang mas mahaba sa isang pahina, nakatupi, at naglalahad ng higit na detalyadong paglalarawan sa produkto.
Poster
Promotional material na nasa mas malaking sukat, may kaunting salita, at nakatuon sa biswal na paglalarawan upang ipaskil sa mga pampublikong lugar.
Deskripsiyon ng Produkto
Isang maikling sulatin na naglalarawan sa mga katangian, benepisyo, gamit, estilo, at presyo ng isang produkto upang maging kaakit-akit sa mamimili.
Buyer persona
Ang ideyal na mamimili o katangian ng target na awdiyens na dapat direktang kausapin sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
Tagline
Isang mahalagang impormasyon o maikling pahayag na nakatutulong sa layunin ng ginagawang flyer o promotional material.
Testimonya
Mga patunay mula sa social media o ibang mamimili na ginagamit sa deskripsiyon ng produkto upang makahikayat.