Mga Pag-aaral ng Kapayapaan at Katarungang Panlipunan

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/21

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Mga flashcard para sa pagrepaso ng lecture ukol sa Edukasyong Pangkapayapaan, Alitan, Katarungan, at mga kaugnay na Batas at Teorya.

Last updated 12:15 AM on 8/23/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

22 Terms

1
New cards

Sino ang itinuturing na ama ng peace studies at ano ang kanyang kahulugan ng kapayapaan?

Si Johan Galtung; ayon sa kanya, ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan (negative peace), kundi ang pagkakaroon ng katarungan, pagkakapangtay-pantay, at estrukturang panlipunan na nagbibigay-daan sa makataong pamumuhay (positive peace).

2
New cards

Ano ang kahulugan ng kapayapaan ayon kay Dalai Lama?

Nagsisimula ito sa loob ng sarili, mula sa pag-unawa, malasakit, at pagtanggap ng kapwa.

3
New cards

Ano ang kapayapaan ayon kay Mahatma Gandhi?

Ito ay bunga ng walang dahas na pagkilos at pag-iral ng katotohanan, pag-ibig at katarungan sa lipunan.

4
New cards

Ano ang kahulugan ng kapayapaan ayon sa UNESCO?

Pamumuhay ng may pagkakaunawaan sa at paggalang sa karapatang pantao, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at pananampalataya.

5
New cards

Ano ang kahulugan ng kapayapaan ayon kay Maria Montessori?

Isang proaktibong estado na kailangang ituro at linangin sa mga bata upang maging likas ito sa kanilang pagkatao.

6
New cards

Ano ang kahulugan ng kapayapaan ayon sa Tony Blair Institute for Global Change?

Hindi lamang pagtigil ng labanan, kundi aktibong pagtataguyod ng mga oportunidad at pantay na pag-unlad para sa lahat.

7
New cards

Ano-ano ang anim na konsepto ng kapayapaan?

a. kapayapaang pansarili, b. pamumuhay nang may habag at hustisya, c. pagtatakwil sa kultura ng digmaan, d. pagtataguyod ng karapatang pantao, e. pamumuhay nang may pakikiisa sa mundo, f. Pakikiisa sa iba't ibang kultura.

8
New cards

Ano-ano ang apat na sangkap ng kapayapaang pansarili?

a. pakikiisa sa sarili, b. pakikipagkapwa, c. pakikiisa sa kalikasan, d. pakikiisa sa Panginoon.

9
New cards

Sino ang may-akda ng sangguniang "Issues and Challenges of Peace Education: The Ateneo de Zamboanga University High Shool context"?

Elpidio F. Biton, Jr., Phd.

10
New cards

Ano ang depinisyon ng alitan o conflict ayon sa mga dalubhasa sa sosyolohiya at sikolohiya?

Isang likas na sitwasyon ng hindi pagkakasundo, pagbabanggaan, o pagkakasalungat ng mga pananaw, paniniwala, layunin, at interes ng dalawa o higit pang panig.

11
New cards

Ano-ano ang mga uri ng alitan batay sa disiplina ng Sikolohiya, Sosyolohiya, at Agham Pampulitika at Kasaysayan?

Sikolohiya: intra-personal; Sosyolohiya: interpersonal (intra-group at intergroup); Agham pampulitika at kasaysayan: etniko/sa loob ng estado (intergroup sa loob ng estado) at internasyonal (sa pagitan ng estado at global).

12
New cards

Ano ang aksyon at resulta ng estilong Pakikipagkumpitensya (competing) sa pamamahala ng alitan?

Aksyon: Mapanindigan (assertive), di-nagpapatinag at di-nakikipagtulung; Resulta: panalo o talo.

13
New cards

Ano ang aksyon at resulta ng estilong Pagtanggap (accepting) sa pamamahala ng alitan?

Aksyon: Di-naninindigan, nakikiisa at nakikipagtulungan; Resulta: Panalo/panalo.

14
New cards

Ano ang aksyon at resulta ng estilong Pag-iwas (avoiding) sa pamamahala ng alitan?

Aksyon: di-makikiisa at di-makikipagtulungan; Resulta: talo/talo.

15
New cards

Ano ang aksyon at resulta ng estilong Pakikipagtulungan (collaborating) sa pamamahala ng alitan?

Aksyon: Parehong mapanindigan at makikipagtulungan; Resulta: panalo/panalo.

16
New cards

Ano ang aksyon at resulta ng estilong Pakikipagkasunduan (compromising) sa pamamahala ng alitan?

Aksyon: Parehong basa pagitan ng mapanindigan at makikipagtulungan; Resulta: Manalo ng ilan at matalo ng ilang kinalabasan.

17
New cards

Ano-ano ang dalawang mahalagang dimensyon ng katarungan?

  1. interpersonal at 2. institusyonal.
18
New cards

Ano-ano ang dalawang aspeto ng katarungan?

  1. panloob at 2. panlabas.
19
New cards

Ano-ano ang tatlong paraan ng paghubog o pagpapakita ng katarungang panlipunan?

  1. paggalang sa umiiral na batas, 2. paggalang sa Karapatan ng kapwa, 3. pagiging patas sa lahat ng oras.
20
New cards

Ano-ano ang limang pagpapahalaga kaugnay sa katarungan?

  1. dignidad, 2. katotohanan, 3. pagmamahal, 4. pagkakaisa, at 5. kapayapaan.
21
New cards

Ano-ano ang mga legal na batayan at batas na nakapaloob sa Kabanata 2 kaugnay ng kapayapaan?

  1. Executive Order No. 570 (2006), 2. CHED Memorandum Order No. 1, s. 2019, 3. DepEd Memorandum kaugnay ng Peace Education, 4. Executive Order No. 158 (2021), 5. National Peace Policy Act (Panukalang Batas).
22
New cards

Ano-ano ang mga paksa sa Kabanata 4 kaugnay ng mga Batayang Teorya ng Edukasyong Pangkapayapaan?

  1. Positibo laban sa negatibong kapayapaan, 2. Teorya ng Paglutas ng Alitan/Salungatan, 3. Transpormatibong Katarungan/Hustisya, 4. Teoryang Pantaong Pangangailangan, 5. Teorya ng Pagbuo ng kapayapaan.