1/117
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Eugene Nida
"Paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng Simulaang Wika"
Eugene Nida
"una'y sa kahulugan at pangalawa'y sa estilo."
Peter Newmark
"Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika"
Mildred Larson
Ang pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng simulaang wika ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning panggramatika at mga salita ng tumatanggap na wika
Benilda Santos
Ang pagsasalin ay ang malikhain at mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga kahulugang taglay ng isang wika, at ang malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang wika.
Theodore H. Savory
Sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako, isinasagawa ang mga salin alang-alang sa mga dalisay na layuning utilitaryo
Theodore H. Savory
walang ibang nasa ang tagasalin maliban sa pag-aalis ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika, sa manunulat at sa mambabasa.
Virgilio Almario
May dalawang pangkalahatang layunin ang pagsasalin: 1) paglilipat, at 2) pagpapalit
Paglilipat
isang unibersal na adhikaing pakinabangan ng pagsasalinan ang karanasan o karunungang nilalaman ng wikang isinasalin.
Virgilio Almario
Sa anumang paraan ng reproduksyon ay inililipat ang isang akda ng SL papunta sa TL.
Pagpapalit
isang pangarap na maisawikang pinagsasalinan ang buong salimuot ng akdang isinasalin.
Teorya sa Pagsasalin
tumutukoy a mga tuntuning malawakang tinatanggap at sinusunod
Gabay ng tagasalin
ito ang batayan sa pagpapasyang paiiralin sa proseso ng pagsasalin ng isang partikular na teksto, paano bibigyan ng pagpapakahulugan ang orihinal, paano tutumbasan sa TL ang mga salitang ginamit ng awtor sa ST
Teorya sa pagsasalin
Ang aktuwal na pagsasagawa o paggamit ng mga teorya
Batnag
may mga pangkalahatang teorya na maaaring gumabay sa pagsasalin sa pangkalahatan
Batnag
bawat uri ng tekstong isinasalin ay nangangailangan ng sariling teoryang angkop dito
Batnag
ang isang partikular na anyong pampanitikan, pati ang mga wikang kasangkot sa pagsasalin, ay mahahalagang salik na kailangang isaalang- alang sa pagbuo ng teorya...bawat pagsasalin ay isang natatanging karanasan
Venuti
Ang kasaysayan ng pagsasalin ay saksi sa nagbabagong ugnayan ng awtonomiya ng salin at ng dalawa pang konsepto, ang equivalence at function..."
Venuti
Ang tekstong salin ay may sarili nang buhay at mga katangiang ibang-iba na sa orihinal
Equivalence
paraan sa pagtutumbas na ginamit ng tagasalin at nagsisilbing ugnayan ng ST at TT.
Function
tumutukoy sa posibleng maging bisa ng salin...na gaya ng bisa ng orihinal na teksto sa target na mambabasa.
Venuti
Tandaan na ang wika ang daluyan ng pagsasalin.
Venuti
Alinmang teorya sa pagsasalin ay nakabatay sa isang pananaw tungkol sa tungkulin ng wika sa lipunan.
Venuti
Ang wika ang gamit sa pakikipagtalastasan.
Venuti
Ang teorya sa pagsasalin ay magbibigay-diin sa madaling maiintindihang salin na titiyak na mauunawaan at mapapakinabangan ng pinag- uukulan.
Venuti
Kung higit pa sa komunikasyon ang gamit ng wika gaya ng paghuhubog sa realidad at pag-aangkop sa nagbabagong lipunan at kultura, ibang teorya at ibang uri ng salin ang mabubuo.
Lucuis Livius Andronicus
Kinikilalang unang tagasalin ayon kay Savory
Lucuis Livius Andronicus
Isang alipin Griyego na nagsalin nang patula sa Latin noong 240 BC ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego. Maaaring hindi siya ang kauna-unahang tagasalin subalit ang kaniyang salin ng Odyssey ang kinagigiliwang basahin ng marami
Lucuis Livius Andronicus
Ama ng Panitikang Latin
Pampanitikan
ang mga unang tekstong hinaharap ng mga unang tagasalin.
Sinaunang Roma
Naging malakas na impluwensiya sa pagbuo ng mga unang gabay sa pagsasalin ang tanyag na mananalumpati gaya nina: Cicero, Pliny the Younger , Quintilian
Sinaunang Roma
Sa pagsasalin ng mga sipi sa mga Griyego ay pinapanatili ang natural na daloy ng sarili nilang wikang Latin
Cicero
isinalin niya ang mga talumpati ng mga Griyegong orador na sina Demosthenes at Aeschines bilang isang orador (speaker), hindi bilang interpreter o gramaryan.
Cicero
De Optimo Genere Oratorum
Cicero
Iniwasan niya ang verbum pro verbo
verbum pro verbo
salita-sa-salitang tumbasan
Horace
ang panganay ni Cicero na sumusuporta sa kaniya
Horace
Ars Poetica
Awit ng Troy
epiko ni homer
Horace
"maaring paghanguan ng mga bagong tula o ng iba pang anyong pampanitikan"
Pagsasalin sa Bibliya
isa sa mga unang tekstong isinalin
Augustine
Sa kaniyang De Doctrina Christiana (428 AD), iginiit ni sa sadyang wasto ang Septuagint, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa silang lahat sa salin bagaman't magkakahiwalay silang nagsalin, Di umano'y dinalaw ng Banal na Espiritu ang mga tagasalin at pinabayan sa kanilang gawain.
Septuagint
ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo
70
bilang ng mga Griyegong Hudyo na nagsalin ng Septuagint
Hindi dinalaw ng Banal na Espiritu
dahilan kung baking nagkaisa ang mga Griyegong Hudyo na magsalin ng Septuagint.
St. Jerome
patron ng mga tagasalin
St. Jerome
Letter to Pammachius
St. Jerome
mas pinaboran niya ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil "ang mismong paghahanay ng mga salita ay isang misteryo."
St. Jerome
kinilala pa rin niya ang awtoridad ng Ebanghelyo sa kabila ng ilang malayang pagtutumbas na naiiba sa Septuagint.
St. Jerome
Tinanggap niya na sa pagsasalin ng Luma at Bagong Tipan, kahulugan at hindi salita ang tinutumbasan.
St. Jerome
Salita-sa-salita at kahulugan- sa- kahulugan, pumapasok rin ang interpretasyon ng mga tagasalin ng Bibliya.
Etienne Dolet
isang French humanist na unang manunulat na nagbuo ng teorya sa pagsasalin
Etienne Dolet
nilitis at nahatulan ng kamatayan sa pagiging isang erehe dahil sa maling salin ng isa sa mga dayalog ni Plato, na nagpapahiwatig ng di paniniwala sa imortalidad.
Etienne Dolet
kailangang maunawaan ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal na awtor bagaman may kalayaan siya na linawin ang mga bahaging malabo.
Etienne Dolet
"iwasan ng tagasalin ang salita-sa-salitang tumbasan."
George Chapman
Nagsalin kay Homer, na nagsasabing kailangang 'mahuli' ng tagasalin ang diwa ng orihinal.
George Chapman
"paniniwalang posibleng ilipat ang diwa at tono ng orihinal sa ibang kontekstong kultural sa pamamagitan ng isang tagasalin na singhusay ng
orihinal na awtor at may tungkulin at responsibilidad hindi lamang sa kaniyang pinag-uukulang tagabasa kundi maging sa orihinal na awtor"
Thomas Wyatt at Henry Howard
nagpakilala ng modelong Petrachan sa Inglatera noong ika-16 na siglo. Isinaayos nila ang tugma at sukat upang umangkop sa wikang Ingles
Thomas Wyatt at Henry Howard
"hindi lamang ang kahulugan ng orihinal ang dapat maisalin kundi pati ang epekto at tungkulin nito sa orihinal na mambabasa"
Philemon Holland
Nagsalin kay Livy, Plutarch, at Pliny sa Ingles ay gumamit ng mga kontemporaneong terminolohiya gaya ang patres et plebs ay naging nobles at commons, at nagdagdag pa siya ng mga paliwanag sa mga bahaging malabo
Philemon Holland
Mahalagang tao siya sa kasaysayan ng salitang Ingles dahil nagdagdag siya ng libong salita at karamihan dito ay tuwiran mula sa Latin o French
John Denham
"Ang tagasalin at ang orihinal na manunulat ay magkatimbang ngunit gumagawa/lumilikha sa malinaw na magkaibang panlipunan at temporal na konteksto"
John Dryden
"May tatlong uri ng salin: (1) metaphrase o salita-sa-salitang tumbasan; (2) paraphrase o pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan; at (3) imitation o malayang salin, na maaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan sa palagay niya'y tama."
John Dryden
"kailangang makatugon ang tagasalin sa ilang krayterya: Kailangang siya ay isa ring makata; mahusay sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin; at nauunawaan niya ang diwa at katangian ng orihinal na makata bukod sa umaayon siya sa pamantayang pampanulaan ng kaniyang sariling panahon."
August Wilhem Schegel
Iminungkahi niya noong 1809 ang isang teoryana bumabalangkas sa mekanikal at organikong anyo ng pagsasalin.
August Wilhem Schegel
isa sa mga dalubhasa sa pagsasaling Aleman ayon kay Lefevere (1977), naniniwala na ang lahat ng gawaing pangkomunikasyon ay gawaing pagsasalin dahil lagi nang mahalaga ang pagdedekoda at pagbibigay-interpretasyon.
Alexander Pope
Makatang Ingles noong ika-18 na siglo. Kilala sa kaniyang satirikal na tula, Essay on Criticism, The Rape of the Lock and The Dunciad, at kaniyang salin ng Homer.
Alexander Pope
nagbigay diin sa estilo ng orihinal at sa pagpapanatiling buhay sa 'apoy' ng tula.
Alexander Pope
"In every work regard the writer's End, since none can compass more than they Intend".
Friedrich Daniel Ernst Schleiermacher
"ang paglikha ng isang hiwalay na wikang ng pagsasalin para sa pampanitikang salin lamang."
Friedrich Daniel Ernst Schleiermacher
"kapuwa ang dalawang uri ng pagsasalin ay "mechanical", ngunit siya ang unang teorista na nag-uri sa foreignization at domestication
Friedrich Daniel Ernst Schleiermacher
"Inaasahan ng ika-19 na siglong mambabasa na basahin ang isang pagsasalin na puno ng lingguwistikong pagkakaiba na mahirap basahin, kaya ito ang dahilan kung bakit mas gusto niya ang mga salin na tapat sa orihinal na teksto"
Dante Gabriel Rosetti
"kailangang sundan ng tagasalin ang porma at lenggwahe ng orihinal."
Henry Wadsworth Longfellow
"Ang tungkulin ng tagasalin ay iulat ang nais sabihin ng manunulat, hindi ipaliwanag ang nais niyang sabihin"
Matthew Arnold
"ang tekstong SL ang mas mahalaga at ito ang kailangang paglingkuran nang buong katapatan ng tagasalin."
Edward Fitzgerald
"mas mabuti na ang buhay na maya kaysa sa pinatuyong agila" na nangangahulugan ng pagkiling sa isang pumipintig na teksto kaya ang tagasalin ay may layang idagdag sa salin ang sariling ideya.
Walter Benjamin
"Maraming suliranin sa pag-aaral ng pagsasalin. Isa na rito ang daykotomi ng salita at katuturan/kahulugan (word at sense) na nagsimula noon pang panahon ni Cicero"
Walter Benjamin
"the interlinear version of the Bible is the ideal of all translation"
Walter Benjamin
"Ang salin ay di kailangang maging katulad ng orihinal kundi isang kritikal na pagbasa nito."
Walter Benjamin
Ang pagiging tapat sa orihinal ay sa pamamagitan ng pagiging literal, at tungkulin ng tagasalin na hayaang payamanin at palawakin ng simulaang lenggwahe ang tunguhang lenggwahe
Roman Jakobson
Itinatag ang Prague School na nakatuon sa kontemporaneong wika
Prague School
itinatag ito na tumukoy sa tatlong paraan ng pagpapakahulugan sa berbal na senyales
Intralingual translation
rewording
interpretation of verbal signs by means of other signs of the same language
rewording
maghahanap ng salita na mauunawaan
Interlingual translation
translation proper
interpretation of verbal signs by means of some other languages
Intersemiotic translation
transmutation
interpretation of verbal signs by means of some other language
Interlinggual na salin
Simulang teksto - tunguhang teksto
Simulang lengguwahe - tunguhang lengguwahe
Jiri Levy
Noong 1960s, ang tradisyon ng Prague School ay muling nilinang niya, na isa sa mga pangunahin ng Makabagong Pag-aaral ng Pagsasalin.
Jiri Levy
"Hinati niya sa tatlo ang proseso ng pagsasalin: pag-unawa, pagbibigay-interpretasyon at paglilipat"
Leipzig School
Isa sa dalawang pangunahing paaralan sa teorya ng pagsasalin sa Europa.
Leipzig School
may oryentasyong lingguwistiko at binibigyang-katuturan bilang sub-disiplina ng Aplayd Linggwistiks
Leipzig School
Pangunahing dito sina: Otto Kade, Katarina Reiss at Werner Koller ng Alemanya, na sinubok na aralin ang pagsasalin bilang isang makaagham na metodo
Eugene Nida
siya ang nagbigay ng katuturan sa wika bilang bahagi ng kultura at nagdebelop din ng pagdulog kaugnay sa antropolohiya at kultura
Eugene Nida
Tinutukoy din niya ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pagtutumbasan (pormal at dinamiko) bilang tugon sa muhkahi nina Jean-Paul Vinay at Jean Darbelnet sa pagsasalin ng tekstong parallel sa mga kongkretong komunikatibong sitwasyon.
John C. Catford
Nilinang niya ang isang teorya ng pagsasalin batay sa konsepto ng sistematikong gramatika
John C. Catford
"ang pagsasalin ay isang proseso at isang produkto."
John C. Catford
"ang pagsasalin ay pagpapalit ng tekstuwal na materyal mula sa isang wika (SL) sa katumbas na tekstuwal na materyal sa ibang wika (TL)"
John C. Catford
Itinuring niya ang kahulugan bilang katangian ng wika (SL Teksto ay may kahulugan at ang TL Teksto ay may target na kahulugan ng wika)
Hans J. Vermeer
Skopos Theory
Skopos Theory
Nakatuon ito sa gampanin ng mga teksto, kapuwa ang orihinal at target na teksto.