1/12
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Astronomiya
agham na nag-aaral tungkol sa kalawakan, tulad ng mga bituin, planeta, kometa, at mga galaxy, pati na rin ang mga phenomena ng mundo.
Konstelasyon/Talampad
Isang pangkat kapisanan ng mga tala at mga bituin, na karaniwang mayroong isang makikilalang hugis o padron.
Dr. Dante Ambrosio
Naniniwala si _____ na hindi lamang lubos na napag-aralan ang katutubong kaalamang astronomiko ng mga Pilipino dahil sa Kanlurang edukasyon sa agham at astronomiya na nangingibabaw sa Pilipinas
"FATHER OF PHILIPPINE ETHNOASTRONOMY"
Si Dr. Dante Ambrosio ay kilala bilang?
Tanggung
katawagan sa Konstelasyong Orion ng Jama Mapun, isa sa mga Bangsamoro ethnic tribe. Naniniwala ng mga Jama Mapun na may tatlong tao lamang sa daigdig: si Tohng at ang dalawang asawa niya na sina Masikla at Mayuyu.
Magbangal
isang makapangyarihang magsasaka-mangangaso sa alamat ng mga Bukidnon. Away din sa asawa ang dahilan kaya umakyat patungo sa kalangitan
Balatik
isang uri ng bitag sa pangangaso na ginagamit ng mga Bagobo, B’laan, at Manobo. Kinakatawan ng bitag ang konstelasyong Orion.
Tatlong Maria
katawagan sa tatlong bituin sa sinturon ni Orion. Ang Tatlong Maria ay sina Maria Magdalena, Maria Cleofas, at Maria Salome.
Supot ni hudas
Kaawagan sa Pleiades at matatagpuan sa kanang itaas ni Orion.
Koronang Tinik
Katawagan sa Corona Borealis at hugis balinugnog o semi-circle.
Dinaanan ng Barko ni Apong Noe
Katawagan sa Milky Way Galaxy na para sa mga mangingisda
Tukod
haliging sumusuporta sa daigdig at pinaniniwalaan ng maraming pangkat etniko. Sa mga Ifugao, may diyos na nagngangalang Tinukod na sumusuporta sa daigdig. Tinatawag itong Taliakud ng mga Tagbanua.
Sansinukob at Santipakan
Katawagan ng mga Tagalog sa Buong Uniberso o Kalawakan.