1/75
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Angkop na Wika, Tono, at Estruktura ayon sa Audience, Layon, at Konteksto ng Komunikasyon
Wika
Kakayahang Komunikatibo
Tulong sa Komunikasyon
Wika sa Intrapersonal at Interpersonal na Konteksto
Ay nagsisilbing personal at interaksiyonal.
Kakayahang Komunikatibo
Sa pagpapalakas nito, natututuhan ang tamang tono at estruktura ng pagpapahayag.
Tulong sa Komunikasyon
Nakatutulong ito upang mas madaling maunawaan, mahikayat , at makabuo nang matatag na relasyon sa kausap.
2 Tagapagtaguyod Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence)
Dell Hymes 1972
Michael Canale and Merrill Swain 1980/1983
Dell Hymes 1972
Ipinakilala ang terminong ito bilang kritika sa pananaw ni Noam Chomsky.
Dell Hymes 1972
ldiniin ni Hymes na dapat isama ang kontekstong panlipunan at kultural sa paggamit ng wika.
Noam Chomsky
Ang pananaw niya ay nakapokus lang sa grammar.
Michael Canale and Merrill Swain 1980/1983
Sila ang naghati at nagpalawak sa ideya ni Dell Hymes sa apat na tiyak na kakayahan upang maging gabay sa pagtuturo ng wika.
4 na Tiyak na Kakayahan
Linguistic
Sociolinguistic
Strategic
Discourse
Kakayahang Komunikatibo
Localized na bersyon ng modernong Communicative Competence model ayon sa kurikulum ng DepEd.
4 na Kakayahang Komunikatibo
Kakayahang Lingguwistik
Kakayahang Sosyolingguwistik
Kakayahang Pragmatiko
Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Lingguwistik
Paggamit ng wika sa aspektong estruktural at semantikal sa pagpapahayag.
Kakayahang Sosyolingguwistik
Pag-unawa sa wika sang-ayon sa kultural na kaligiran o konteksto.
Kakayahang Pragmatiko
Paggamit ng wika upang makapaglinaw ng sariling intensyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng pagpapahayag o usapan.
Kakayahang Diskorsal
Abilidad at pagiging sensitibo sa maayos na pagbabahagi ng ideya at mabisang pakikilahok sa usapang tekstuwal o retorikal.
Halimbawa ng Kakayahang Lingguwistik
Tamang pagpili sa pagitan ng "ng" at "nang" o "din" at "rin" sa pangungusap.
Halimbawa ng Kakayahang Sosyolingguwistiko
Paggamit ng "po" at "opo" at pormal na tono kapag kausap ang guro o nakatatanda, at kolokyal na salita naman kapag kaibigan.
Halimbawa ng Kakayahang Pragmatiko
Pag-unawa na ang pahiwatig na "Gabi na pala " ay nangangahulugang "Umuwi na kayo" at hindi lang simpleng pagsasabi ng oras.
Halimbawa ng Kakayahang Diskorsal
Paggamit ng mga pang-ugnay tulad ng "samakatuwid" o "sa kabilang banda" upang maging swabe at lohikal ang daloy ng isang sanaysay o talumpati.
S.P.E.A.K.I.N.G
Akronim na binuo ni Dell Hymes (1974) bilang gabay sa mabisang komunikasyon.
lsinaalang-alang ni Dell Hymes (1974)
Dinamiko at angkop na tono
Estruktura
Katangian ng audience
S.P.E.A.K.I.N.G ni Dell Hymes
Makatutulong sa paglinang ng kakayahang sosyolingguwistika.
S.P.E.A.K.I.N.G ni Dell Hymes
Setting and Scene
Participants
Ends
Act Sequence
Key
Instrumentalities
Norms
Genre
Setting and Scene
Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?
Participants
Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
Ends
Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?
Act Sequence
Paano ang takbo o daloy ng usapan?
Key
Ano ang tono ng pag-uusap?
Instrumentalities
Ano ang anyo at estilo ng pananalita?
Instrumentalities
Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?
Norms
Ang umiiral na tuntunin sa pakikipag-usap at reaksyon ng mga kalahok.
Norms
Isinasaalang-alang kung malayang nakapagsasalita ang bawat isa o nalilimitahan batay sa kultura, kasarian, edad, atbp.
Genre
Tumutukoy sa kategorya o diskurso na ginagamit sa pakikipag-usap.
Halimbawa ng Genre
Interbiyu
Repleksiyon
Liham
Tagalog na Salita ng Interview
Pakikipanayam
Paggamit ng Magalang na Pananalita at Estratehiya sa Intrapersonal at Interpersonal na Pagpapahayag
Mula sa paglinang ng mga binabanggit na kakayahang komunikatibo, malay, at sensitibo, binabalangkas natin ang personal/intrapersonal na pagpapahayag.
Proseso ng Kumbersasyon
Isinasaalang-alang ang mga estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan mula sa magalang na pagbati, hanggang sa pagtatapos ng usapan.
Proseso ng Kumbersasyon
Pagsisimula
Pagpapadaloy
Pagkontrol
Turn-taking
Pagwawakas
Pagsisimula
Pagkilala sa konteksto, audience, at pagpapatatag ng ugnayan.
Pagpapadaloy
Maayos na pagpapadaloy ng usapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na tugon o fidbak.
Pagkontrol
Pagpapanatili, paggabay, o maingat na pagpapalit sa daloy at paksa ng usapan.
Turn-taking
Pagbibigayan ng pagkakataong magsalita at paggamit ng back-channeling.
Back-channeling
Maikling tugon na patunay ng pakikinig.
Pagwawakas
Pagbuo ng kasunduan, pagbubuod, at mabisang pagtatapos ng talastasan.
Engleberg at Wynn (2008)
Estratehiya sa Intrapersonal na Pagpapahayag
Engleberg at Wynn (2008)
Pagiging Handa
Pagiging Kalmado
Pagbibigay-Pokus
Patuloy na Magsanay
Pagiging Handa
Magkaroon ng prediksyon sa sitwasyon at maagap na ihanda ang nilalaman at estruktura ng mensahe bago magsalita.
Pagiging Kalmado
Muling pagbubuo ng kaisipan sa positibong paraan, pagpapanatili ng imahinasyon, at pag-aalis ng tensyonadong kalagayan.
Pagbibigay-Pokus
Maisantabi ang takot at pangamba upang mabigyan ng pansin ang layunin at nilalaman ng mensahe.
Patuloy na Magsasanay
Magsanay sa sarili upang makahikayat ng positibong paraan ng pag-iisip at magkaroon ng mas mataas na kasanayan.
Gracie (1957, 1975)
Estratehiya sa Interpersonal na Pagpapahayag
Gracie (1957, 1975)
Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag.
Pakikiisa na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon, na makapagpapalakas sa kakayahang diskorsal.
Paggamit ng Magalang na Pananalita sa Pagpapahayag
High Context sa Makapilipinong Komunikasyon
High Context sa Makapilipinong Komunikasyon
Mataas ang pagbabahaginan ng kahulugan
Panatilihin ang magandang ugnayan
Eufemismo o malumanay na pananalita
Malalim na konsiderasyon at paggalang
Mataas ang Pagbabahaginan ng Kahulugan
Sa pamamagitan ng konteksto, di-berbal na kilos, at hindi tuwirang pagpapahayag.
Panatilihin ang Magandang Ugnayan
Nakatutulong ito upang panatilihin ang magandang ugnayan at maiwasan ang pahiya sa kapwa.
Eufemismo o Malumanay na Pananalita
Ginagamit ito sa halip na tahas o deretsahang salita.
Halimbawa ng Eufemismo
"titingnan ko”
"susubukan ko”
"parang may mali"
Malalim na konsiderasyon at paggalang
Nagpapakita ang mga ito sa damdamin ng audience o kausap.
(Brown & Levinson; kay Dainton & Zelley, 2015)
Politeness Theory (Teorya ng Pagiging Magalang)
Politeness Theory (Teoryang Pagiging Magalang)
Positibong Mukha (Positive Face)
Negatibong Mukha (Negative Face)
Positibong Mukha (Positive Face)
Ang pagnanais ng isang tao na matanggap, magustuhan, mapahalagahan, at igalang ang kanyang sariling imahen at personalidad sa pakikipag-interaksyon.
Negatibong Mukha (Negative Face)
Ang kagustuhan ng taong makakilos nang malaya, magkaroon ng sariling espasyo, at hindi maramdaman na napipilitan o naabala ng iba.
Komunikasyong Berbal at Di-Berbal sa Paglinang ng Kasanayang Intrapersonal at Interpersonal
Mga anyo ng pagpapahayag ng mensahe gamit ang salita, kilos, simbolo, at kontekstual na senyales.
Komunikasyong Berbal at Di-Berbal sa Paglinang ng Kasanayang Intrapersonal at Interpersonal
Komunikasyong Berbal
Komunikasyong Di-Berbal
Komunikasyong Berbal
Uri ng komunikasyon na tuwirang gumagamit ng mga salita sa anyong pasalita at pasulat upang maghatid ng kaisipan at mensahe.
Komunikasyong Berbal
Mabilis na pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng usapan, pakikipagtalakayan, panayam, at pormal na talumpati.
Komunikasyong Di-Berbal
Kinesika (Kinesics)
Proksemika (Proxemics)
Kronemika (Chronemics)
Pandama o Paghawak (Haptics)
Paralanguage
Katahimikan o Kawalang-Kibo
Kapaligiran
Kinesika (Kinesics)
Kilos at galaw ng katawan kasama ang ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at pokus ng mata (oculesics) na nagpapakita ng emosyon.
Proksemika (Proxemics)
Paggamit ng espasyo o distansya sa pakikipag-usap na nagpapakita ng matalas na antas ng relasyon at pormalidad sa pagitan ng mga nag-uusap.
Kronemika (Chronemics)
Paggamit ng oras sa komunikasyon—ang kahulugan at kahalagahan ng pagiging maaga, huli, o ang tagal ng pagtugon sa pakikipagtalastasan.
Pandama o Paghawak (Haptics)
Paggamit ng pandama o paghipo tulad ng pakikipagkamay, pag-tap sa balikat, o paghawak sa kamay upang magpahayag ng pakikiramay at tiwala.
Paralanguage
Tumutukoy sa tono ng tinig, kalidad at bilis ng pagsasalita .
Katahimikan o Kawalang-Kibo
lto ay ginagamit upang mag-isip at magmuni-muni, o kaya ay magparating ng tampo at sama ng loob nang walang sinasabing salita.
Kapaligiran
Ito ang lugar at kaayusan ng pinagdarausan ng usapan na nakakaimpluwensya sa pormalidad at paraan ng pakikipag-interaksyon.