PAGSULAT | SA1 Reviewer

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
0.0(0)
full-widthCall with Kai
GameKnowt Play
New
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/39

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Filipino

11th

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

40 Terms

1
New cards

Mga Kahulugan ng Pagsulat

  • pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho

  • pakikipagtalastasan gamit ang wika

  • pagpaphayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at anumang naiisip

  • impormasyong nais maipahatid

2
New cards

Layunin ng Pagsulat

  1. Personal o Ekspresibo

  2. Panlipunan o Sosyal

3
New cards

Personal na Layunin

  • nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat

  • makikita minsan ang mga damdamin ng manunulat

  • madalas ito sa mga sanaysay, tula, maikling kuwento, at nobela

4
New cards

Panlipunang Layunin

  • layuning makipag-gnayan sa tao o sa lipunang ginagalawan

  • tinatawag ding transaksiyonal

  • madalas ito sa mga liham, balita, pananaliksik, at talumpati

5
New cards

Kahalagahan ng Pagsulat

Masasanay ang ilang mga kakahayan tulad sa:

  1. ang pag-organisa ng mga kaisipan

  2. pagsusuri ng mga datos

  3. ang pagiging obhetibo sa paglalatag ng kaisipang isusulat para sa paghuhubog ng isipan sa mapanuring pagbasa

  4. ang matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng materyales at mahahalagang datos.

  5. pagdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman

  6. pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

  7. paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

  8. pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

6
New cards

Kahulugan ng Akademikong Pagsulat

nakabatay ito sa isang tiyak na disiplina o larangan na maaaring interdisiplinari o multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko atbp.

7
New cards

Mga Akademikong Disiplina

  • humanidades

  • agham panlipunan

  • agham at teknolohiya

8
New cards

Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

  • kaalaman

  • paraan ng pagsulat

  • pag-unawa

9
New cards

Kaalaman sa Akademikong Pagsulat

  • Bago ang kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong magbibigay ng malawak na kabatiran.

  • Mahalaga kung ang impormasyong ipinababatid ay mapakikinabangan para sa pansarili, pampamilya, panlipunan at pambansang kapakinabangan.

10
New cards

Paraan ng Pagsulat sa Akademikong Pagsusulat

  • Nakabatay ito sa layunin ng sulatin.

  • Halimbawa ng mga paraang ito ay pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran.

11
New cards

Pag-unawa sa Akademikong Pagsulat

Ang pag-unawa ay maaaring magagaling sa:

  • kaalaman sa sarili

  • pagpapaliwanag

  • pagpapakahulugan

  • pagdama

  • pananaw

  • paglalapat

12
New cards

Katangian ng Akademikong Pagsusulat

  • makatao

  • makabayan

  • demokratiko

  • obhetibo

  • pormal

  • maliwanag & organisado

  • may paninindigan

  • may pananagutan

13
New cards

Ang Pagiging Makatao ng Akademikong Sulatin

Naglalaman ng makabuluhang impormasyon para sa kapakinabangan ng mga mamamayan

14
New cards

Ang Pagiging Demokratiko ng Akademikong Sulatin

Walang kinikilingan o kinatatakutan dahil may hangaring magpahayag ng katotohanan.

15
New cards

Ang Pagiging Obhetibo ng Akademikong Sulatin

  • Dapat batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral at pananaliksik.

  • Dapat iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala.

  • Dapat iwasan ang paggamit ng pahayag na: “batay sa aking pananaw” o “ayon sa aming haka-haka/opinyon”

16
New cards

Ang Pagiging Pormal ng Akademikong Sulatin

  • Pormal ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan at impormasyon.

  • Dapat iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.

  • Dapat gumamit ng salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa.

17
New cards

Ang Pagiging Maliwanag at Organisado ng Akademikong Sulatin

  • Maayos na pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.

  • May kaisahan ang mga talata.

  • Ang punong kaisipan o main topic ay mapalutang o mabigyang-diin.

18
New cards

Ang Pagkakaroon ng Paninindigan ng Akademikong Sulatin

  • Dapat iwasan ang magpabago-bago ng paksa.

  • Dapat ang matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

19
New cards

Ang Pagkakaroon ng Pananagutan ng Akademikong Sulatin

Bigyang-pagkilala ang mga ginamit na sanggunian

20
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat

  • wika

  • paksa

21
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Wika

Ito ay behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon atbp. na nais ilahad ng taong sumusulat.

22
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Paksa

Pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

23
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Layunin

Magsisilbing giya/patnubay mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.

24
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Pamaraan ng Pagsulat

Ito ay maaaring maging impormatibo, ekspresibo, naratibo, deskriptibo, at argumentatibo.

25
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Kasanayang Pampag-iisip

Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga.

26
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Kaalaman sa Wastong Pamaraan ng Pagsulat

Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.

27
New cards

Gamit/Pangaingailangan sa Pagsulat | Kasanayan sa Paghabi sa Buong Sulatin

Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang wakas ng akda.

28
New cards

Bionote

tala ng buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas na makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa.

29
New cards

Ang mga Laman ng Isang Bionote

Sa loob nito, ito ay isang maikling buod ng

  • Tagumpay

  • Kakayahan

  • Edukasyon

  • Pagsasanay

  • Publikasyon

30
New cards

Mga Okasyon Kung Saang Kadalasan Hinihiling Ang Bionote

  • Artikulo o pananaliksik

  • Aplikasyon sa palihan o workshop

  • Website o vlog

  • Aplikasyon sa posisiyon o scholarship

  • Pagpapakilala sa tagapagsalita o panauhing pandangal

  • Gabay ng mananaliksik

31
New cards

Dapat Tandaan sa Bionote

  • Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. (200 salita)

  • Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.

  • Hindi dapat pagyayabang.

  • Kailangan upang makilala ng mambabasa ang kakayahan ng manunulat.

  • May kaugnayan ang impormasyon sa paksain ng publikasyon.

  • Gawing simple ang pagkakasulat nito.

  • Binibigyang-diin ang pinakamahalagang impormasyon.

  • Nagsisimula sa pangalan ng taong tinutukoy.

  • Nakasulat sa ikatlong panauhan.

32
New cards

Ang Kahalagahan ng Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong

  • Tatlong mahahalagang elemento na kinakailangan upang maging maayos at organisado ang isang pagpupulong.

33
New cards

Memorandum

  • Ito ay isang kasulatan na nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

  • Nakalagay o nakasaad din ang layunin o pakay ng gagawing miting o
    pagpupulong.

  • Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014) sa kaniyang aklat na Writing in the Discipline, may mga kompanyang gumagamit ng colored stationery para dito.

  • Maituturing din na isang sining pero hindi ito isang liham.

34
New cards

Uri ng Memorandum

  • Memorandum ng Kahilingan

  • Memorandum ng Kabatiran

  • Memorandum ng Pagtugon

35
New cards

Bahagi ng Memorandum

  1. Logo/ Pangalan ng kompanya

  2. Pinagmulan at Patutunguhan nito

  3. Petsa o Mahahalagang Araw

  4. Paksa o Mensahe

  5. Lagda ng Nagpadala nito

36
New cards

Adyenda

  • Ito ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.

  • Nagsasaad din ito ng mga
    impormasyon tulad sa paksang tatalakayin, taong Tatalakay, at oras na itinakda sa bawat paksa.

37
New cards

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda

  • Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap.

  • Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa.

  • Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.

  • Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa adyenda.

  • Ihanda ang mga kinakailangang dokumento kasama ang adyenda.

38
New cards

Katitikan ng Pulong

  • Ginagamit sa pagtatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan.

  • Ito ang tinatawag na opisyal na tala ng isang pulong o miting.

  • Kadalasang ang gumagawa nito ay ang sekretarya ng organisasyon subalit maaari rin namang sumulat ang lahat ng miyembro ng nasabing grupo.

39
New cards

Bahagi ng Katitikan ng Pulong

  1. Heading.

  2. Mga Kalahok o Dumalo (at ang mga liban).

  3. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong.

  4. Action items o usaping napagkasunduan

  5. Iskedyul ng Susunod na Pulong

  6. Pabalita o patalastas

  7. Pagtatapos

  8. Lagda

40
New cards

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katiitkan ng Pulong

  1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.

  2. Umupo malapit sa tagapanguna o presidente ng pulong.

  3. May sipi ng pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.

  4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.

  5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.

  6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng kumpletong heading.

  7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.

  8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.

  9. Isulat o iayos agad ang mga datos ng kaitikan pagkatapos ng pulong.