1/15
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Katagang Medyibal
Ginamit upang ilarawan ang panahon kung kailan nagsimula ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano.
Piyudalismo
Isang sistemang politikal ng lipunan sa Kanlurang Europa na naging laganap sa pagtatapos ng Kanlurang Imperyong Romano at pagsibol ng mga bagong kaharian sa Kanlurang Europa hanggang sa ika-13 siglo CE.
Maharlika o nobility
Ang mga nakatatanggap ng mga lupain mula sa hari.
Feudal Lord
Ito ang taong nagbibigay ng lupa.
Fief
Ito ang lupang ipinamahagi o iginawad ng isang panginoong may-ari ng lupa.
Basalyo
Ito ang taong tumanggap ng fief mula sa panginoong may-ari ng lupa o sa hari.
Homage
Ito ang pagsasagawa ng panunumpa ng isang basalyo sa panginoong may-ari ng lupa o hari ng kaniyang lubos na katapatan ng kahandaang makipaglaban sa panahon ng digmaan para sa kaniyang panginoong may-ari ng lupa.
Estadong Basalyo
Ito ang mga lupaing pagmamay-ari ng mga panginoong maylupa kung saan sila ay mayroong kalayaan na mamuno.
Lipunang Piyudalismo
Ay umiikot sa estadong basalyo na pagmamay-ari ng isang basalyo.
Hari, Basalyo, Kabalyero, Pesante, at Serf
Itala ang antas ng mga kasapi ng lipunang piyudalismo.
Kabalyero
Ang tanyag na hukbo ng Panahong Medyibal ay binubuo ng mga?
Mayayamang pamilya
Ang mga kabalyero ay galing sa anong uri ng pamilya?
7-10 taong gulang
Nagsisimula ang isang indibidwal sa pagiging kabalyero sa anong edad?
Page
Anong tawag sa isang batang kabalyero?
Squire
Ano ang tawag sa isang 14 taong gulang na kabalyero
18 taong gulang
Kung ang isang tao ay naging mahusay na squire ay maitatalaga siya bilang isang kabalyero sa anong edad?