1/81
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Humanidades
Larangan ng pag-aaral na tumatalakay sa sining, wika, pilosopiya, panitikan, at iba pang aspekto ng kultura at pagpapakatao.
Agham Panlipunan
Disiplina na nag-aaral sa tao at lipunan, kabilang ang kasaysayan, ekonomiya, agham pampolitika, at iba pa.
Patakarang Bilinggwal
Patakaran na nagtatakda ng paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa edukasyon.
Wikang Panturo
Wika na ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan at unibersidad.
Register
Mga tiyak na terminong ginagamit sa isang larangan o disiplina na maaaring may isa o higit pang kahulugan.
✔ Isang Kahulugan – Eksklusibo sa isang disiplina.
✔ Dalawa o Higit Pang Kahulugan – Ginagamit sa maraming disiplina.
✔ Parehong Kahulugan sa Magkaibang Disiplina – Dahil sa ugnayan ng mga larangan.
Isang Kahulugan
Eksklusibo sa isang disiplina.
Dalawa o Higit Pang Kahulugan
Ginagamit sa maraming disiplina.
Parehong Kahulugan sa Magkaibang Disiplina
Dahil sa ugnayan ng mga larangan.
Scholarly Journal
Publikasyong pang-akademiko na naglalaman ng pananaliksik at pag-aaral sa isang partikular na larangan.
Halimbawa: Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika.
Illusyon ng Wikang Ingles
Paniniwala na ang pagiging bihasa sa Ingles ay nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at mas mataas na katayuang panlipunan.
Teoretiko at Pilosopikong Pundasyon
Mga batayang ideya at pananaw na nagmumula sa Humanidades at ginagamit sa Agham Panlipunan.
Malalaking Unibersidad sa Pagtuturo ng Filipino
UP
Ateneo
UST
De La Salle
at iba pa—mga pamantasang sumusunod sa patakarang bilinggwal at gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng agham panlipunan at humanidades.
San Juan et al. (2019)
Ayon kay ————— (Mula kay Ferguson, 2006), ang kasikatan ng wikang Ingles sa edukasyon ay may kasamang sosyo-ekonomikong epekto.
Naniniwala ang marami na ang kasanayan sa Ingles ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at nagbibigay ng mataas na impluwensya sa lipunan at politika.
Ferguson (2006)
Binanggit na ang malakas na impluwensya ng Ingles sa sistema ng edukasyon ay may kinalaman sa paniniwala ng mga Pilipino na ito ay susi sa tagumpay.
Mga Iskolar ng Malalaking Pamantasan
Patuloy silang nagsasagawa ng pananaliksik sa Humanidades at Agham Panlipunan gamit ang wikang Filipino.
Humanidades
Larangan na pinag-aaralan ang kaisipan, kultura, at kalagayan ng tao upang maunawaan kung paano maging tunay na tao.
Layunin ng Humanidades
Hindi lang kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano siya magiging ganap na tao.
J. Irwin Miller
“Ang layon ng Humanidades ay gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito.”
Newton Lee
“Dapat pahalagahan ang Humanidades sa pagpapaunlad ng isipan at lipunan, hindi lang para sa karera.”
MGA SAKOP NG HUMANIDADES
Panitikan
Pilosopiya
Sining (Biswal)
Sining (Applied)
Malayang Sining
Panitikan
Pag-aaral ng wika, teatro, at iba pang anyo ng panulat.
Pilosopiya
Pag-aaral ng relihiyon at iba pang pananaw sa buhay.
Sining (Biswal)
Pelikula, teatro, at sayaw.
Sining (Applied)
Graphics, fashion, at interior design.
Malayang Sining
Calligraphy, studio arts, art history, print making, at mixed media.
Iskolastisismo
Paraan ng edukasyon noong panahon ng Griyego at Romano na naghahanda sa tao para sa praktikal, propesyonal, at siyentipikong larangan (hal. doktor, abogado).
Layunin ng Humanidades Noon
Bumuo ng mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan at aktibong miyembro ng lipunan.
MGA PARAAN NG PAG-AARAL SA HUMANIDADES
Analitikal
Kritikal
Ispekulatibo
Analitikal
Pag-oorganisa ng impormasyon sa kategorya, grupo, at kaugnayan nito sa isa’t isa.
Kritikal
Pagsusuri, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.
Ispekulatibo
Pagtukoy ng senaryo, estratehiya, at pamamaraan ng pagsusuri.
MGA PARAAN AT ESTRATEHIYA SA HUMANIDADES
Deskripsiyon
Paglilista
Kronolohiya
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Deskripsiyon
Pagbibigay ng detalyadong paglalarawan ng isang bagay o pangyayari.
Paglilista
Pagbibilang at pagtala ng mahahalagang impormasyon.
Kronolohiya
Pagsunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa oras o panahon.
Sanhi at Bunga
Pag-unawa sa mga dahilan ng isang pangyayari at ang epekto nito.
Paghahambing
Pagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideya.
ANYO NG PAGSULAT SA HUMANIDADES (Quinn at Irvings, 1991)
Impormasyonal
Imahinatibo
Pangungumbinse
Impormasyonal
Pagsulat upang magbigay ng kaalaman. Maaaring:
Paktwal
Paglalarawan
Proseso
Paktwal
Talambuhay, kasaysayan, at iba pang dokumentong nagbibigay ng impormasyon.
Paglalarawan
Kritikal na pagsusuri ng akda (hal. tula, nobela).
Proseso
Paliwanag kung paano isinagawa ang isang bagay sa sining o musika.
Imahinatibo
Pagsulat ng malikhaing akda tulad ng nobela, dula, at maikling kwento.
Pangungumbinse
Pagsulat upang hikayatin o paniwalain ang mambabasa gamit ang ebidensya at argumento.
Agham Panlipunan
Siyentipikong pag-aaral ng tao, kultura, at lipunan.
Rebolusyong Pranses at Industriyal
Dalawang mahahalagang pangyayari na nakaimpluwensya sa pagbuo ng Agham Panlipunan.
Dayakroniko (Historikal)
Pagsusuri ng lipunan batay sa pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
Sinkroniko (Deskriptibo)
Pagsusuri ng lipunan batay sa kasalukuyang kalagayan o sitwasyon.
MGA DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN
Sosyolohiya
Sikolohiya
Lingguwistika
Antropolohiya
Kasaysayan
Heograpiya
Agham Pampolitika
Ekonomiks
Area Studies
Arkeolohiya
Relihiyon
Sosyolohiya
Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao sa lipunan.
Sikolohiya
Pag-aaral ng kilos at pag-iisip ng tao.
Lingguwistika
Pag-aaral ng wika at estruktura nito.
Antropolohiya
Pag-aaral ng kultura at pag-unlad ng tao sa iba't ibang panahon.
Kasaysayan
Pag-aaral ng nakaraan upang maunawaan ang kasalukuyan.
Heograpiya
Pag-aaral ng katangian ng mundo at epekto nito sa tao.
Agham Pampolitika
Pag-aaral ng gobyerno, politika, at mga batas.
Ekonomiks
Pag-aaral ng produksyon, distribusyon, at paggamit ng produkto at serbisyo.
Area Studies
Pag-aaral ng partikular na bansa o rehiyon.
Arkeolohiya
Pag-aaral ng sinaunang labi at relikya ng tao.
Relihiyon
Pag-aaral ng paniniwala at pananampalataya ng tao.
Katangian ng Pagsulat
Impersonal, direkta, tiyak, at batay sa ebidensya.
Anyo ng Sulatin
Report
Sanaysay
Pananaliksik
Abstrak
Artikulo
Rebyu
Balita
Editoryal
Talumpati
PROSESO NG PAGSULAT
Pagtukoy sa anyo ng sulatin: Alamin kung anong uri ng sulatin ang gagawin.
Pagtukoy sa paksa: Siguraduhing bago o may bagong perspektiba ang paksa.
Pagbuo ng paksang pangungusap: Maaring ilagay sa simula, gitna, o hulihan ng sulatin.
Pagkuha ng datos: Paggamit ng interbyu, sarbey, mass media, aklatan, at iba pang mapagkukunan.
Pagsusuri ng ebidensya: Paggamit ng iba't ibang metodo tulad ng kuwantitatibo at kuwalitatibo.
Pagsulat ng sulatin: Dapat lohikal, malinaw, at organisado ang pagkakasulat.
Pagsasaayos ng sanggunian: Tamang paglalagay ng tala at sanggunian ng mga ginamit na datos.
Pagsasalin
Isang sining at agham ng paglilipat ng kahulugan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika.
Translatio
Salitang Latin na pinagmulan ng terminong "pagsasalin," na nangangahulugang paglilipat o pagbabago.
Metaphrase
Salitang Griyego na nangangahulugang salitang-sa-salitang pagsasalin.
Intelektuwalisasyon ng Filipino
Ang proseso ng pagpapayaman at pagpapalawak ng wikang Filipino upang gamitin sa larangan ng agham, edukasyon, at iba pang akademikong disiplina.
Pagsasaling Pampanitikan
Uri ng pagsasalin na may layuning makalikha ng isang akdang pampanitikan batay sa orihinal nitong anyo.
Pagsasaling Siyentipiko-Teknikal
Uri ng pagsasalin na may layuning ipaliwanag ang mga teknikal at siyentipikong impormasyon upang maunawaan ng mas maraming tao.
Layunin ng Pagsasalin
Ang pagbibigay ng bagong impormasyon, pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, at pagpapayaman ng kaalaman sa iba’t ibang wika at kultura.
Epekto ng Pagsasalin sa Wikang Filipino
Nakatulong ito sa paglaganap ng Filipino bilang wika ng akademya, batas, agham, at iba pang larangan sa kabila ng malakas na impluwensya ng Ingles.
Nida (1964)
Ang pagsasalin ay pagbibigay ng pinakamalapit at likas na kahulugan ng isang wika sa ibang wika, una sa kahulugan at pangalawa sa estilo.
Savory (1968)
Ang pagsasalin ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita.
Larson (1984)
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo ng isang mensahe gamit ang natural na gramatikal at leksikal na tuntunin ng tumatanggap na wika.
Newmark (1988)
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na nagpapalit ng nakasulat na mensahe sa isang wika patungo sa parehong mensahe sa ibang wika.
Santos (1996)
Ang pagsasalin ay isang malikhain at mahabang proseso ng pag-unawa at paglilipat ng kahulugan sa ibang wika.
Kasaysayan ng Pagsasalin
Nagsimula noong pananakop ng Español upang ipalaganap ang Kristiyanismo.
Papel ng mga Prayle
Isinalin ang aklat ng katesismo at nagsulat ng gramatika at bokabularyo gamit ang wikang katutubo.
Panahon ng Amerikano
Itinuro ang Ingles, naging mas laganap ang pagsasalin ng panitikang banyaga sa Filipino.
Panahon ng Hapon
Gintong Panahon ng Panitikan – Pinalakas ang paggamit ng Tagalog sa panitikan at pagsasalin.
Kahalagahan ng Pagsasalin Ngayon
Ginagamit sa teknikal na akda, agham, teknolohiya, at panitikan upang mapanatili at maipalaganap ang kaalaman.
Mga Kilalang Tagasalin
Rufino Alejandro
Belvez Paz
Virgilio Almario
Bienvenido Lumbera