1/24
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pagbasa (William S. Gray)
Isang proseso ng pagkilala sa mga salita at pag-unawa sa mga kahulugan nito (si William S. Gray ang ama ng pagbabasa).
Pagbasa (Virgilio Almario)
Hindi lamang simpleng pagtanggap ng mga salita kundi isang aktibong proseso ng pang-unawa at pagbibigay kahulugan ng tekstong binasa.
Estratehiya sa Epektibong Pagbasa (Applebee et al., 2000)
Pagpapalagay, Pag-uugnay, Paglalarawan, Pagtatanong, Paglilinaw.
Panonood
Pagsubaybay sa paraan ng pagtingin sa isang pangyayari o pag-unawa sa mensahe o ideya ng isang palabas, video recording at iba pang visual media sa pamamagitan ng pagmamasid.
Kasanayang Panonood (Masey, 2022)
Ang pinakamabilis at pinakamabisang paraan ng pagkatuto.
Antas ng Pag-unawa sa Panonood
Literal, Interpretatibo, Kritikal, Internatibo, Malikhain.
Barayti ng Wika
Pagkakaiba-iba ng anyo ng wika batay sa mga salik gaya ng heograpiya, edad, katayuang lipunan, o grupong kinabibilangan.
Rehistro ng Wika (Nilikha batay sa kausap)
Nagaganap batay sa katayuan ng kausap at konteksto ng komunikasyon; mga estilo ng pagsasalita at pagsusulat upang epektibong maipahayag ang saloobin.
Idyolek
Personal na paggamit ng indibidwal sa isang salita. Kapag narinig mo ang linya, alam mo agad kung sino ang nagsabi (hal. "Get get aww!", "i-KMJS na 'yan!").
Dayalek
Terminong ginagamit ng mamamayan ayon sa kanilang heograpikal (lugar) na kinalalagyan (hal. Tagalog: Bakit? / Batangas: Bakit ga?).
Sosyolek
Pansamantalang barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na sosyal na grupo ng tao (hal. Gay Lingo, Conyo, Jologs/Jejemon).
Etnolek
Barayti ng wika na nagmula sa wika ng iba't ibang pangkat etniko (hal. Vakkul ng mga Ivatan, Kalipay).
Ekolek
Nagmumula sa pananalita ng mga batang nagsisimula pa lamang matututo at ng mga matatanda sa loob ng tahanan/komunidad (hal. Palikuran, Popshie, Mamshie).
Pidgin
Walang pormal na estruktura at tinatawag ding "lengwahe na walang kinikilalang nagsasalita" (hal. Chinese Filipino: "Suki ikaw bili saakin...").
Creole
Ang resulta ng pidgin na nagkaroon na ng mas pormal at kumpletong estruktura (hal. Wikang Chavacano).
Register (Disiplina)
Isang teknikal na anyo ng wika na ginagamit upang maiparating ang espesipikong kaalaman sa isang partikular na disiplina.
Konteksto
Kalagayang kinagaganapan ng komunikasyon.
Kalahok
Mga taong bahagi ng komunikasyon.
Mensahe
Paksang pinag-uusapan sa komunikasyon.
Midyum o Daluyan
Mga bagay na dinadaanan ng isang mensahe.
Tugon
Sagot mula sa natanggap na mensahe.
Ingay
Panlabas na ingay na naririnig tulad ng mga tunog nagmumula sa paligid na ginaganapan ng komunikasyon.
Tono
Tumutukoy sa anyo o damdaming kalakip ng ating naririnig (hal. galit, tuwa, o lungkot).
Intonasyon
Pagbabago sa antas ng boses (pagtaas o pagbaba) habang tayo ay nagsasalita.
Pakikinig
Ang pinakamabilis na paraan ng pagkuha ng impormasyon; nagsisimula sa pagtanggap ng tunog (stimulus) na dinadala ng auditory nerves sa utak upang bigyang-kahulugan.