Looks like no one added any tags here yet for you.
PAGSULAT
Ay pagsasalin sa papel sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng siang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan. (Sauco, et.al.,1998)
Kahalagahang Panterapyutika
Kahalagahang Pansosyal
Kahalagahang pang-ekonomiya
Kahalagahang Pangkasaysayan
KAHALAGAHAN ng PAGSULAT (Arrogante, 2000)
Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig magsulat mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.
Kahalagahang Pansosyal
Ang pagsulat ay nagsisilbing ugnayan ng tao at lipunan. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang pagsulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa pangyayari sa lipunan.
Kahalagahang pang-ekonomiya
Ang tao ay sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y kanyang nagiging hanapbuhay.
Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang pagsulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang Pambansa at mga naisatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga susunod na henerasyon.
AKADEMIKONG Pagsulat
TEKNIKAL na Pagsulat
DYORNALISTIK
REPERENSIYAL
PROFESYUNAL
MALIKHAING Pagsulat
URI ng PAGSULAT
AKADEMIKONG Pagsulat
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral.
TEKNIKAL na Pagsulat
Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
DYORNALISTIK
Sumasaklaw ito sa mga sulating tulad ng balita, kolum, anunsiyo, atbpng akdang makikita sa pahayagan at magasin.
REPERENSIYAL
Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa tulad ng bibliyograpiya, index at note cards.
PROFESYUNAL
Ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na larangan o propesyon.
MALIKHAING Pagsulat
Ito ay isang uri ng pagsulat na masining. Ang pokus ng pagsulat nito ay batay sa imahinasyon ng manunulat.
WIKA
PAKSA
LAYUNIN
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
KASANAYANG PAMPAG-IISIP
KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT
KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN
MGA GAMIT sa PAGSULAT
WIKA
Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng taong sumusulat.
PAKSA
Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o temang isusulat.
LAYUNIN
Ang layunin magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng anumang isusulat. Kailangan matiyak na matugunan ang motibo ng isusulat nang sa gayon ay maganap ang pakay sa katauhan ng mambabasa.
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Ito ang paglalahad ng kaisipan at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
Paraang Impormatibo
Paraang Ekspresibo
Pamaraang Naratibo
Pamaraang Deskriptibo
Pamaraang Argumentatibo
Limang Pamamaraan sa Pagsulat:
Paraang Impormatibo
Kung saan ang pangunahing layunin ay magbigay impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Ekspresibo
Kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan o pag-aaral.
Pamaraang Naratibo
Kung saan ang pangunahing layunin ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Deskriptibo
Kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.
Pamaraang Argumentatibo
Kung saan ang layunin ng pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
KASANAYANG PAMPAG-IISIP
Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap at talata.
KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN
Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas.
Paglalagom
Ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito.
Paglalagom
Ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Abstrak
Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
Abstrak
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Abstrak
Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
Abstrak
Ayon kay Philip Koopman (1997) “How to Write an Abstract” tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi tulad ng: introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
Philip Koopman (1997) “How to Write an Abstract”
Ayon kay_____ ang abstrak ay tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi tulad ng: introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
introduksiyon
Kaugnay na literatura
Metodolohiya
Resulta
Konklusyon.
Mahahalagang Elemento o bahagi ng Abstrak
Detalyadong abstrak
Kadalasang nakikita ang ganitong uri ng abstrak sa tesis at desirtasyon.
Bionote
Ay isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Bionote
Ito’y pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda.
Bionote
Ay parang kathambuhay (autobiography) o katha sa buhay (biography).
Bionote
Ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng boud ng kanyang academic career na madalas mababasa sa journal, aklat, abstrak, websites, atbp.
Pagpasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
Pagpasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal
Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng aklat
Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik.
Saan kinakailangan ang Bionote?
Maikling tala at Mahabang Tala
Mga Uri ng Bionote
MAIKLING TALA / BIONOTE
Uri ng tala na karaniwan ngunit siksik sa impormasyon. Hindi na kailangan banggitin ang mga walang kaugnayan sa tema at paksain.
MAHABANG TALA / BIONOTE
Uri ng tala na kadalasang isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae. Naglalaman ito ng higit pang mga impormasyon sa mga natamo ng isang may-akda.
1. Sikaping maisulat lamang ito ng maikli.
2. Banggitin ang mga personal na detalye.
3. Isulat sa pangatlong katauhan.
4.Gawing simple at gumamit ng mga payak na salita.
5. Muling basahin at isulat ng pinal na sipi.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote
Pulong
Ang ___________ o mas kilala sa tawag na miting ay ang pagtitipun-tipon ng mga tao na karaniwan ay kasapi sa isang grupo o samahan na may itinataguyod na layunin.
Pulong
Ang ___________ ay karaniwang ginagawa sa mga paaraalan, opisina at iba pang establisyemento.
Memorandum
Ay isang kasulatan na nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
Memorandum
Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Layunin din nitong ipabatid sa mga dadalo ang aasahang gagawin sa pulong. Katulad ng mga desisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon, atbp.
Memorandum ng Kabatiran
Memorandum ng Kahilingan
Memorandum ng Pagtugon
Mga Uri ng Memorandum
MEMORANDUM NG KABATIRAN
May layunin itong magpabatid ng isang impormasyon hinggil sa isang partikular na dahilan ng anomang organisasyon, samahan o kompanya.
MEMORANDUM NG KAHILINGAN
May layunin itong magpaabot ng isang kahilingan o pabor hinggil sa isang partikular na dahilan ng anomang orgnanisasyon, samahan o kompanya.
MEMORANDUM NG PAGTUGON
May layunin itong maglahad ng tugon hinggil sa isang partikular na dahilan, sitwasyon o hinihingi ng anomang organisasyon, samahan o kompanya.
Logo at Pangalan
Tatanggap
Nagpadala
Petsa
Paksa
Mensahe
Lagda
Mga Bahagi/ Nilalaman ng Memorandum ayon sa aklat ni Sudprasert (2014) English for the Workplace 3
Logo at Pangalan
Pagkakakilanlan ito ng isang kompanya, institusyon, o organisasyon.
Tatanggap/Receiver
Ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo.
Tatanggap/Receiver
Nakasulat ito sa anyong “Para sa” kung isang grupo ang tatanggap / “Para kay” kung isang tao ang tatanggap / “Para kina” kung higit sa isa ang tatanggap.
Nagpadala/ Sender
ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpapadala ng memo. Nakasulat ito sa anyong “Mula Kay / “Mula sa”.
Petsa
Sa bahaging ito ay iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 at dinaglat na buwan na Nobyembre o Nob.
Paksa
Sa bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran.
Mensahe
Kadalasang maikli lamang at naglalahad ng mahalagang impormasyon tungkol sa pulong.
Lagda
Ay naglalaman ng pagkakilanlan ng nagpadala.
Adyenda
Ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ito ang susi sa pagkakaroon ng maayos at sistematikong pulong. (Sudprasert, 2014)
Mga kahalagahan ng Adyenda
Ito’y nagsasaad ng mga impormasyon
Ito ang nagtatakda ng balangkas ng pulong, Nagisisilbing talaan at tseklist
Ito’y nagbibigay kahandaan sa mga kasapi
Nakakatulong na mapanatiling nakapokus sa paksang tatalakayin.
1. Magpadala ng memo. Maaaring nakasulat sa papel o sa paraang e-email.
2. Ilahad sa memo ang paglagda. Mga concerns o paksang tatalakayin.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda
Katitikan ng Pulong
Ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord, pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Katitikan ng Pulong
Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa mga susunod na mga pagpaplano at pagkilos.
Heading
Mga Kalahok
Pinagtibay ng KNP
Action Items
Pabalita/Patalastas
Iskedyul ng Susunod na Pulong
Pagtatapos
Lagda
Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong
HEADING
Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
MGA KALAHOK
Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
PINAGTIBAY NA KNP
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinasagawa sa mga ito.
ACTION ITEMS
Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay kasama ang mga hindi pa natapos o nagawang proyekto.
PABALITA O PATALASTAS
Dito nakalagay ang mga adyenda o suhestiyon para sa susunod na pulong.
ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG
Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
PAGTATAPOS
Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
LAGDA
Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
1. Hangga’t maaari ay hindi partisipant sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng rekorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
Mga Gawain sa KNP
Ulat Katitikan
Salaysay ng Katitikan
Resolusyon ng Katitikan
3 Uri/ Estilo ng Pagsulat ng KNP
ULAT KATITIKAN
Sa ganitong uri ng katitikan ay kailangan nakasulat ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong.
SALAYSAY NG KATITIKAN
Nakasalaysay ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
RESOLUSYON NG KATITIKAN
Nakasaad lamang ang mga isyung napagkasunduan ng Samahan. Sa uring ito kadalasang mababasa ang mga katagang “Napagkasunduan na o Napagtibay na”.