1/17
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
baliskad
Tumutukoy sa pangalawang pag-aararo para mapino ang nabúngkág na tigang na lupa. Dito sinusuyod ng tao, kalabaw, at araro ang mga ligaw na damo hanggang sa lumitaw ang pino at makinis na bahagi at anyo ng lupa.
bangag
Nangangahulugan itong lupang nagkabitak-bitak bunga ng matinding tag-init o tagtuyot.
binati
Ito ang palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman ng palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay yong tumubo na - pánggàs - at nagabot na o nabunot at ngayon, itatanim na.
bungkag
Unang proseso ng/sa pag-aararo para mabaklas ang tigang na lupa. Ang pagbúngkág ng lupa ay pagbungkal upang mapatag ito at malinis. Ang pagbúngkág ng bagay na nakabungkos ay paggamit nito. Malapit ito sa pagbaklas.
hamod
Ito ay uri ng lupang mabato. Hindi gaya ng hanalon, hindi ito masustansya kaya hindi mainam pagtaniman.
hanalon
Tumutukoy sa napakaitim na lupa. Ito ay masustansya at mainam pagtaniman.
inupong
Tumutukoy ito sa bugkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay.
lamigas
Malulusog at mabubuting uri ito ng butil ng palay
linas
Proseso ito ng pag-alis, paghihiwalay ng lamigas sa uhay nito ga pamamagitan ng pakiskis dito ng ma paa. Sayaw ng paa sa palay upang magkahiwa. hiwalay ang mga butil nito.
likyad
Mababaw na pag-araro ito matapos makapagpanggas sa tuyong lupa o palayan.
limbuk
Ito ang bigas na sinangag mula sa bagong ani na palay. Sa Kinaray-a, tradisyon ang paglimbûk, kapag bagong ani bilang tanda ng pasasalamat.
linap wahan
Tumutukoy ito sa tinola mula sa iba't ibang gulay na karaniwang nakikita sa likod-bahay o napipitas sa bukid gaya ng talbos ng kamote, sayote, malunggay, alugbate, at bulaklak ng katuray. Sa mga bulbunduking barangay ng Antique, isa rin itong matingkad na imahen ng kahirapan.
marinhut
Tawag ito sa malilit na tumutubong palay - madalang ang tubo o sibol at arikutoy o malnourished.
panudlak
Ito ay isang rital na isinasagawa bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim.
panggas
Ito ang katawag sa pagsasabog ng binhi ng palay sa tigang na naararong lupa o palayan. Sa kaso ng mais, ng mani, ng munggo at ng iba pang buto, ito ay ang paglagay, paghasik isa-isa sa inidas o hanay na gawa ng pag-aararo, sa tulong ng panungkod, at pagtakip dito sa pamamagitan ng paa.
pinalinpin
Ito ang palay na walang laman o maupa.
suka
Ito ang unang ani.
wayang
Bukas at malawak na lupain. Katumbas ito ng parang ng/sa Tagalog. Sa madaling sabi, ang wáyáng ay isang lugar; isang bahagi ng uma o ng bukid na bukas dahil hindi pinagtataniman o walang tanim at may sapat na lawak upang makapaglaro tulad ng pagpapalipad ng saranggola tuwing tag-araw, makapagpiknik o makapagpastol ng hayop.