W1: Wastong gamit ng salita

5.0(1)
studied byStudied by 36 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/71

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Week 1

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

72 Terms

1
New cards

Madalas

Sa pakikipagtalastasan, di maikakaila na _________ na nagkakamali ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

2
New cards

Bunganga

Ginagamit sa mga bagay, hindi sa tao.

Hal. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.

3
New cards

Bibig

Ginagamit sa tao.

Hal. Bagay kay Olga ang kaniyang makipot na bibig.

4
New cards

Pagkain

Ginagamit sa mga tao.

Hal. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita.

  • Hindi maaaraing paglamon ang gamitin dito.

5
New cards

Mapili

Mas karapat dapat na gamitin ang mapili kaysa maarte.

Hal. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

6
New cards

Depende sa gamit ang salitang kailangan

Sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.

7
New cards

Halimbawa ng pareho ang salita ngunit iba-iba ang gamit

  • bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak

  • kawangis, kamukha, kahawig

  • samahan, saliwan, lahukan

  • daanan, pasadahan

  • aalis, yayao, lilisan

8
New cards

Eupemismo o paglumanay

Ginagamit ito sa halip na tiyak na salita na pareho ang ibig sabihin upang mabawasan ang bigat ng mensahe.

Hal:

  • Namayapa sa halip na namatay

  • Palikuran sa halip na kubeta

  • Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa

9
New cards

Nang

Ginagamit sa panimula ng sugnay na di makapag-iisa at pangatnig sa hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang “when” sa ingles.

10
New cards

Nang

_______(Nang/Ng) ako’y umalis ay biglang umulan.

11
New cards

Nang

Sumasagot sa tanong na paano

12
New cards

Nang

Tuwing umuulit ang kilos

13
New cards

Nang

Singkahulugan ng upang o para (so that/ in order to)

14
New cards

Nang

Pagsasama ng ‘na’ at ‘ng’

15
New cards

Nang

Singkahulugan ng noong

16
New cards

Nang

Tumakbo ______(Nang/Ng) mabilis si Jake.

17
New cards

Nang

Naligo na si Amy _______(Nang/Ng) makaalis na sila.

18
New cards

Nang

Kumain ________(Nang/Ng) lugaw ang batang may sakit. [pagsasama ng na at ng]

19
New cards

Nang

Iyak _______(Nang/Ng) iyak ang bata dahil sa nasira niyang laruan.

20
New cards

Ng

Isang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pantukoy ng pangngalang pambalana.

Hal. Si Holt ang kapitan ng mga pulis

21
New cards

Common Nouns

Pangngalang Pambalana

22
New cards

Proper Nouns

Pangngalang Pantangi

23
New cards

Ng

Si Mang Manding ang puno _______(Nang/Ng) aming samahan.

24
New cards

Ng

  • Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng pandiwang balintiyak. Ito’y katumbas ng ‘by’ sa Ingles.

  • Pananda ito sa gumaganap sa pandiwa.

Hal. Binili ng kapatid ni Lena ang pagkain nila.

25
New cards

Ng

Ang silid-aralan ay nililinis _______(Nang/Ng) mga mag-aaral

26
New cards

Ng

Tagapagpakilala ng layon ng pandiwa.

Hal. Nagbasa ng libro si Dugg.

27
New cards

Ng

Hinuli ______(Nang/Ng) pulis ang mga nagloob sa kanilang bahay

28
New cards

Kung

Pangatnig na panubali. Katumbas ng if sa Ingles.

Hal. Kung siya ay narito, tayo ay magiging masaya.

29
New cards

Kung

_______(Kung/Kong/Kapag) iboboto mo siya, gaganda ang buhay natin.

30
New cards

Kong

Nanggaling sa panghalip na panaong ko sa kaukulang paari at inaangkupan lamang ng ng.

Hal. Nabasa ang binili kong aklat.

31
New cards

Kong

Alagaan mo ang aso ______(Kung/Kong/Kapag) minamahal.

32
New cards

Kapag

Ipinakikilala ang isang kalagayang tiyak. [Condition]

Hal. Umuuwi siya sa probinsya kapag Sabado.

33
New cards

Kapag

Sumasama lamang siya ______(Kung/Kong/Kapag) kasama ka.

34
New cards

May

Kapag ito ay sinusundan ng:

  • pangngalan - May prutas siyang dala.

  • pang-uri - May matalino siyang anak.

  • pandiwa - May kumatok sa labas.

  • pang-abay

  • pantukoy (katagang mga) - May mga lalaking naghihintay sayo.

  • panghalip na paari - May kaniya-kaniya silang ari-arian.

  • pan-ukol (sa) - May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

35
New cards

Mayroon

Kapag ito ay sinusundan ng kataga o ingklitik.

Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?

36
New cards

Inklitik

Pala, ba, nga, pa, sana, ata/yata, lang, naman, etc.

37
New cards

Mayroon

Sinusundan ng Panghalip na Panao sa kaukulang Palagyo (ako, kayo, ikaw, sila, siya, kata, ka)

Hal. Mayroon kayong pagsusulit sa susunod na linggo.

38
New cards

Mayroon

Ginagamit sa patalinghagang pakahulugan (mayaman). Ginamit ito bilang Pangngalan.

Hal. Si Don Pedro ang mayroon sa kanilang bayan.

39
New cards

Mayroon

Ginagamit sa pagtatanong at panagot sa tanong.

Hal. Mayroon ba kayong aklat? Mayroon.

May asawa ba siya? Mayroon.

40
New cards

Rin/Raw

Ginagamit ang salitang ito kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel) at malapatinig (w,y).

Hal. Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo ang problema.

Ikaw raw ang may kasalanan.

41
New cards

Din/Daw

Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos lamang sa katinig (consonant) pati ra, re, ri, ro, ru.

Hal. Takot daw siya sa multo.

42
New cards

Taga

Walang unlaping tiga. Ito lamang ang dapat gamitin, hindi tiga.

43
New cards

Taga

Kung sinusundan ito ng pangngalang pantangi (proper nouns).

Hal. Si Shiela ay taga-Bikol.

Taganayon si Popoy.

44
New cards

Kailan gagamit ng gitling

Kapag may tiyak na pook o pangngalang pantangi, liban dun, walang gitling kapag general.

45
New cards

Tig

Ginagamit kasama ng pambilang.

Hal. Tig-isa, Tigalawa, Tigatlo, Tigapat, etc.

46
New cards

Kina

Walang kila. Ito ay maramihan ng kay.

Hal. Pupunta ako kina Chuck at Jake.

47
New cards

Subukin

To test/to try. Masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain.

Hal. Subukin mo muna kung maayos itong komputer bago mo bilhin.

48
New cards

Subukan

To see secretly. Palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao.

Hal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako ng bahay.

49
New cards

Pahirin

Wipe off. Nangangahulugang alisin o tanggalin.

Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.

50
New cards

Pahiran

To apply. Nangangahulugang lagyan.

Hal. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.

51
New cards

Pahirin

_______ (Pahirin/Pahiran) mo nga ng basang basahan ang pisara.

52
New cards

Pahiran

_______ (Pahirin/Pahiran) mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

53
New cards

Sundin

To obey. Nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o panuto.

Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang.

54
New cards

Sundan

To follow. Panggagaya sa ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao.

Hal. Sundan mo si Ian at baka siya ay maligaw.

55
New cards

Namatay

Nangangahulugan ng paglisan sa mundo alinsunod sa natural na pagkawala ng buhay dahilan gaya ng sakit, bangungot, atake, atb.

Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sasakit sa atay.

56
New cards

Napatay

Ang pagkawala ng buhay na hindi inaasahan na may kadahilanan tulad ng aksidente.

Hal. Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay napatay ng salaring di nakikilala.

57
New cards

Walisan

To sweep the place. Uri ng pandiwang ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na lugar.

Hal. Walisan ninyo ang sahig.

58
New cards

Walisin

To sweep the dirt. Tumutukoy sa bagay na maaaring tanggalin ng walis.

Hal. Walisan mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

59
New cards

Operahin

Kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.

Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.

60
New cards

Operahan

Tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Hal. Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

61
New cards

Hatiin

To divide. Partihin.

Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.

62
New cards

Hatian

To share. Ibahagi.

Hal. Hatian mo ng pagkain ang namamalimos na bata.

63
New cards

Iwan

To leave something or somebody. Huwag isama.

Hal. Iniwan ni Arjay ang kotse sa garahe.

Iniwan ni Rosa si Daniel para sa kaniyang kabit.

64
New cards

Iwanan

To leave something to somebody. Bigyan.

Hal. Iwanan mo ng pera si nanay.

65
New cards

Ibayad

Pagbibigay ng bagay bilang kabayaran. (kapalit)

Hal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa halip na pera.

66
New cards

Ipagbayad

Pagbabayad para sa ibang tao. (abono)

Hal. Ipagbabayad muna kita sa pagkain.

67
New cards

Bumili

To buy.

Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng gulay.

68
New cards

Magbili

To sell. Magbenta.

Hal. Ang trabaho ni Anna ay magbili ng mga antigo.

69
New cards

Kumuha

To get.

Hal. Kumuha siJean ng tubig sa balon.

70
New cards

Manguha

To gather or collect.

Hal. Manguha ka ng mga kabibe sa dalampasigan.

71
New cards

Subukin

Pagsuri o pagsiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.

72
New cards

Subukan

Pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isa o mga tao.