1/25
Mga batayang talasalitaan at mahahalagang detalye ukol sa organisasyon, kasapi, mga akda, at ang pagkakatuklas sa Katipunan.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Sistemang Tatsulok
Ang sistema ng pagrerekrut sa Katipunan kung saan kumuha ng dalawang bagong miyembro na hindi magkakilala upang makaiwas sa pagkakatuklas ng mga Espanyol.
Mabalasik
Tinatawag ding 'Ang nakatatakot na Kapatid', ito ang Unang Hakbang sa pagsali sa Katipunan na nagtatanong ng 3 tanong.
Katipon
Antas ng miyembro ng Katipunan na nagsusuot ng itim at may kontrasenyas na 'Anak ng Bayan'.
Kawal
Antas ng miyembro ng Katipunan na may berdeng takip at may password na 'GomBurZa'.
Bayani
Ang pinakamataas na antas ng miyembro ng Katipunan na nagsusuot ng pulang maskara at may password na 'Rizal'.
Alphabeto ng Katipunan
Ginawa upang magamit sa pagpapadala ng mga lihim na mensahe.
Liwanag at Dilim
Sanaysay na isinulat ni Emilio Jacinto na humihikayat sa mga Pilipino na lumaban para sa kalayaan.
Catuiran?
Artikulo na isinulat ni Pio Valenzuela na tumuligsa sa pang-aabuso ng isang prayle at mga guwardiya.
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Akda ni Andres Bonifacio na nagpapaliwanag kung bakit dapat mamahala ang mga Pilipino sa kanilang sarili.
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Tula na isinulat ni Andres Bonifacio na naglalarawan ng pagmamahal sa bayan.
Josefa Rizal
Kapatid ni Jose Rizal na miyembro ng sangay ng kababaihan ng Katipunan na may layuning palayain ang Pilipinas.
Gregoria de Jesus
Ang Pangalawang Pangulo ng sangay ng kababaihan ng Katipunan, kilala bilang 'Lakambini ng Katipunan', at asawa ni Andres Bonifacio.
Marina Santiago Dizon
Kalihim ng sangay ng kababaihan at tagapagturo ng mga aral na ipinagbili ang kaniyang mga ari-arian upang idagdag sa pondo ng Katipunan.
Angelica Rizal Lopez
Pamangkin ni Jose Rizal na aktibo sa pagdadala ng mga liham ng samahan.
Manuel Sityar
Ang nagsumbong tungkol sa Katipunan sa mga awtoridad na Espanyol.
Gobernador-Heneral Ramon Blanco
Ang Gobernador-Heneral na hindi agad pinansin ang isinumbong ni Tenyente Manuel dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
Teodoro Patiño
Katipunerong nagtatrabaho sa Diario de Manila na nagbunyag ng lihim ng Katipunan sa kaniyang kapatid matapos makipag-alitan kay Apolonio dela Cruz.
Apolonio dela Cruz
Katipunerong nainggit kay Teodoro Patiño dahil sa pagtaas ng suweldo nito ng 2piso, kaya nagpakalat ng liham na nag-aakusa kay Patiño ng pagpupuslit sa pag-imprenta ng Ang Kalayaan.
Honoria
Kapatid ni Teodoro Patiño na nakatira sa bahay-ampunan kung kanino ibinunyag ni Patiño ang lihim ng Katipunan.
Sor Teresa
Ang tagapamahala ng bahay-ampunan na nag-utos kay Teodoro Patiño na ipagtapat kay Padre Fray Mariano Gil ang lihim ng Katipunan.
Padre Fray Mariano Gil
Ang prayleng pinagsabihan ni Teodoro Patiño tungkol sa lihim ng Katipunan, na isinawulat din nito sa mga Espanyol.
Unang Sigaw ng Himagsikan
Naganap noong Agosto 23 sa Pugad Lawin sa bakuran ng bahay ni Juan Ramos, kung saan pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula.
Juan Ramos
Sa bahay niya naganap ang pag-punit ng sedula.
Ikalawang Hakbang
Tatanungin ano ang layunin at mga katuruan ng Katipunan
Ikatlong Hakbang
Pipirma gamit ang sariling dugo
Ang Kalayaan
Pahayagan sa pagpapalaganap ng impormasyon