1/24
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Persona, Imahen, Musikalidad, Sukat, Tugma, Tono, Wika, Kaisipan, Talinghaga, Kariktan
ano-ano ang mga elemento ng tula?
Persona
tagasalita (speaker)
Imahen
tumutukoy sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa.
Musikalidad
nakapokus ito sa porma at paraan ng pakakasulat ng tula.
Sukat
saklaw nito ang bilang ng panig sa bawat linya o taludtod ng tula.
Tugma
ito ang pagkakasintungunan ng mga salita o pagpapakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula, elemento ng tula na nagbibigay ng himig at indayog
Tono
ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
Wika
tumutukoy ito sa paggamit ng salita - maaaring lantad o di-lantad ang mga salita.
Kaisipan
tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at damdamin ng mga mambabasa.
Talinghaga
maganda ang salita at ito ay kakaiba.
Kariktan
tumutukoy sa malinaw at di-malimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa.
Soneto, Pastoral, Elehiya, Oda, Awit, Dalit
ano-ano ang mga uri ng tulang liriko
Soneto
ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao.
Pastoral
hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig at iba pa.
Elehiya
ito ay tula ng pagmamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Oda
ang tualng ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng dalawa karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anumang bagay na maaaring papurihan.
Awit
karaniwang pinpakita ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban, Ito ay awit na tungkol sa pag-ibig.
Dalit
ito ay katututbong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin. Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at nag parangal sa kasalukuyang kahulugan masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may darakila sa bayan.
Pagtutulad, Pagwawangis, Pamamalabis, Pagtatao, Pagtawag
ano-ano ang mga uri ng tayutay?
Pagtutulad
isang paghahambing ng dalawang bagay na makatba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian, at ginagamitan ng salitang parirala.
Pagwawangis
tiyakang paghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing, hindi ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa simile.
Pamamalabis
pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kaligayahan o katayuan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari upang bigyan kaigtingan ang nais ipahayag tinatawag diin itong eksaherasyon.
Pagtatao
ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao, sa mga karaniwang bagay na walang buhay, ito rin ay ginagamitan ng pandiwa, tinatawag rin itong pagbibigay katauhan.
Pagtatawag
ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.
Tulang lirko o Tula
ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa, ito rin ay maikli at payak.