1/24
Mga flashcard para sa pagbabalik-aral sa Kaligirang Pangkasaysayan at mga Tauhan ng El Filibusterismo batay sa aralin.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Ang salitang pilibustero ay tumutukoy sa taong taksil na kumakalaban o tumutuligsa sa __________.
pamahalaan
Ang pamagat sa Ingles ng El Filibusterismo na isinalin ni Dr. JORGE BOCOBO ay __________.
The Reign of Greed
Ang La Solidaridad ay isang diyaryo sa wikang Espanyol na naglalayong iparinig sa Gobyernong Espania ang masaklap na kalagayan ng mga mamamayan sa __________.
Pilipinas
Si __________ ang naging kahati ni Rizal sa upa sa Ghent at kahati din niya sa pagkain.
JOSE ALEJANDRO
Si __________ ay ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram sa kanya ng pera mula sa Maritimes.
JOSE MARIA BASA
Ang nagpadala ng pera kay Rizal upang maipalimbag ang El Fili at unang humawak ng orihinal na manuskrito nito ay si __________.
VALENTIN VENTURA
Ayaw ng ina ni Leonor Rivera na makasal ang anak kay Rizal dahil sila ay magpinsan at itinuturing na isang __________ si Rizal.
erehe
Nagsimula ang pagsulat ng nobelang El Filibusterismo noong buwan at taon ng __________.
Oktubre 1887
Noong __________, lumipat si Rizal sa Belgium kung saan nirebisa at dinagdagan niya ang mga kabanata ng nobela.
1890
Natapos ni Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo noong __________.
Marso 1891
Naganap ang matagumpay na pagpapalimbag sa El Filibusterismo noong __________.
Setyembre 1891
Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero __________.
1872
Ang inspirasyong idinulot ng GOMBURZA kay Rizal ay mula sa kuwentong ibinahagi sa kanya ng kanyang kapatid na si __________.
Paciano
Ang Noli Me Tangere ay nailimbag sa bansang __________.
Alemanya
Si __________ ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang Noli Me Tangere.
Maximo Viola
Ang El Filibusterismo ay isang nobelang __________ dahil ito ay tumatalakay sa pamamahala ng Kastila (sibil at simbahan).
Politikal
Si __________ ay ang mayaman na mag-aalahas na nakasalaming may kulay at umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral.
SIMOUN
Si Basilio ay mag-aaral ng medisina, kasintahan ni Juli, at anak ni __________.
Sisa
Ang amain ni Isagani na paring dating may kasintahan ay si __________.
PADRE FLORENTINO
Si __________ ang paring binasagang patay na langaw.
PADRE SALVI
Si __________ ay ang kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago na namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
PADRE IRENE
Ang abogadong sanggunian ng mga prayle na pinagsanggunian din ng mga kabataan ay si __________.
GINOONG PASTA
Ang binatang mayaman at pinakamasigasig na maipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila ay si __________.
MACARAIG
Si __________ ay ang kaibigan ng mga prayle na naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik.
QUIROGA
Ang may-akda ng Things Fall Apart mula sa Africa na maihahambing sa El Filibusterismo ay si __________.
Chinua Achebe