1/99
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ano ang panitikan
katipunan ng mga akdang nasusulat; makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang maliw
Ano ang tunay na panitikan
nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan
Paano lumaganp ang panitikan
Pasalin-dila - sa pamamagitan ng bibig ng tao, hindi pa natututunan ng tao ang pagsulat
Pasulat - inaawit, ikinukuwento, binibigkas, ay naisatitik na lalo namang yumaman ang panitikang nasusulat nang maimbento ang imprenta
Ano ang dalawang uri ng panitikan
Piksyon - kathang isip lamang na karakter, lugar, at pangyayari (e.g. alamat, pabula, kuwentong bayan).
Di-piksyon - naglalahad ng totoong mga detalye at pangyayari sa buhay (e.g. talambuhay, pagsasaliksik, balita)
Ano ang mga anyo ng panitikan
Tuluyan o prosa - mga akdang nasusulat nang patalata. (e.g. alamat, pabula, maikling kwento)
Patula - mga akdang nagpapahayag ng damdamin na nasusulat nang pasaknong.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga tuluyan o prosa
alamat - nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
pabula - kinasasangkutan ng mga hayop, halaman, at mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na waring tunay na tao at nagbibigay aral
maikling kwento - mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon
Ano ang tulang pasalaysay
kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma (e.g. epiko, awit at korido)
Ano ang mga halimbawa ng tulang pasalaysay
Epiko - tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala
Awit at Korido - paawit kung basahin
Awit - labingdalawang pantig ang taludtod
Korido - wawaluhing panting ang taludtod
Ano ang tulang pandamdamin o liriko
tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin ng may-akda o ng ibang tao.
Magbigay ng halimbawa ng mga tulang pandamdamin o liriko
awiting bayan - binibigkas nang may himig; paksa ang nito ang pag-ibig, kawalang pag-asa, o pamimighati
soneto - labing-apat na taludtod; damdamin at kaisipan, at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa
elehiya - nagpapahayag ng paninimdim dahil sa pagyao ng isang mahal sa buhay
Ano ang tulang padula o dramatiko
isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan; patula ang pamamaraan nagpagpapahayag ng mga tauhan (e.g. senakulo)
Ano ang tulang Patnigan
paligsahang patula na karaniwang ginagawa sa bakuran ng mga namatayan; balagtasan (e.g. karagatan, duplo)
Ano ang kasaysayan ng panahon ng Amerikano
digmaang Kastila laban sa mga Pilipino at Amerikano ay nagsimula noong Mayo, 1898
maglayag sa look ng Maynila ang pangkat ni Com. George Dewey at kanilang palubugin ang mga plota ng Kastila
hinikayat ng mga Amerikano ang puwersang Pilipino upang pagtulungang patalsikin ang mga Kastila at sila ay magtagumpay
bumalik si Emilio Aguinaldo mula Hong Kong, at itinatag niya ang pamahalaang Rebolusyunaryo na ang layunin ay maging malaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila
inilipat ng mga Kastila ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano
nagbayad din sila dahil sa kapinsalaang bunga ng digmaan
Ano ang katangian at kaganapan ng panahon ng Amerikano
ang wikang ginamit sa pagsulat ay Tagalog at Kastila
pwede din ang katutubong wika sa mga lalawigan
isang bagong pangkat ng mga manunulat ang nagsimulang magpahayag sa Ingles
sa romantisismo sa Europa, at tungkol sa pagmamahal sa Diyos, sa bayan, sa kapwa
Ano ang tatlong pangkat na manunulat
Maka-kastila
Maka-tagalog
maka-ingles
Ano ang pangkat na maka-kastila sa pagsulat
pagpapahayag damdaming makabayan at paparangal sa mga bayani lalo na kay Jose Rizal
e.g. Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori
Ano ang pangkat na maka-tagalog sa pagsulat
kaapihan ng bayan at nagbibigay tuon sa pagmamahal at pagtatangi sa sariling wika
Sino si Lope K. Santos?
Apo ng mga Mananagalog at Ama ng Balarilang Tagalog
nobelang Banaag at Sikat
Sino si Jose Corazon De Jesus
may sagisag na Huseng Batute at tinaguriang Makata ng Pag-ibig
tulang Isang Punongkahoy
Sino si Florentino Collantes
batikang duplero
unang makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampulitika
sagisag na Kuntil Butil
sumulat ng Lumang Simbahan
Sino si Amado V. Hernandez
Makata ng Manggagawa
tulang Isang Dipang Langit, nobelang Mga Ibong Mandaragit, nobelang Luha ng Buwaya
Sino si Severino Reyes
Ama ng Dulaang Tagalog
dula na Walang Sugat
Sino si Hermogenes Ilagan
Ama ng Sarsuelang Tagalog
Ano ang pangkat ng maka-ingles sa pagsulat
pamamaksa at pamamaraang Amerikano
e.g. Jose Garcia Villa, Zoilo Galang, Estrella Alfon, at Arturo Rotor
Ano ang kasaysayan ng panitikan sa panahon ng Hapon
1941-1944
natigil ang palimbagan (printing press)
ipinagbawal ang pagsulat sa wikang Ingles
pinahalagahan ang wikang Tagalog
Ano ang tema ng mga akda ng panitikan sa panahon ng hapon
kultura ng Pilipinas
pamumuhay sa bukid
pag-ibig
pagpuri sa mga Hapones
Ano ang dalawang uri ng tula
Karaniwan - may sukat at tugma
malaya - walang sukat at tugma
Ano ang dalawang tulang impluwensya ng mga Hapon
haiku
tanka
Ano ang haiku
tatlong taludtod
bilang ang pantig na 5-7-5
ano ang tanka
limang taludtod
bilang ang pantig na 7-7-7-5-5
Ano nangyari sa Hulyo 4, 1946
nakalaya ang Pilipinas sa mga Hapones pero bumalik na naman ang Pilipinas sa mga Amerikano
pwede ulit sumulat sa Ingles
lumaganap ulit ang babasahin sa bansa
ang mga babasahin ay naglalaman ng mahalagang impormasyon at akdang pampanitikan
Ano nangyari sa 1951
inilunsad ng La Tondena Inc. ang La Tondena Awards
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
naglalayon hatulan ang mga akdang nasusulat sa Ingles, pero mamaya, isinama rin ang mga nasusulat sa Tagalog
Ano ang saknong
grupo ng mga taludtod/linya sa tula
ano ang sukat
bilang ng pantig sa taludtod ng bawat saknong
ano ang tugma
salitang magkatulad ng tunog ang huling pantig
ganap o di-ganap
Ano ang tugmaang ganap
magkatulad ang huling patinig o katinig sa huling pantig ng salita
ganap lang din kung ang parehong salita ay may impit o parehong salita ay walang impit
ano ang tugmaang di-ganap
magkatulad ang patinig subalit magkaiba ang katinig sa huling pantig ng salita
dalawang pangkat ng mga katinig ngunit ang mga pangkat na iyon ay hindi maaaring maghalo
(hal. ang salitang araw at hawak ay hindi magkatugma dahil ang mga katinig sa dulo ay mula sa magkaibang pangkat)
unang pangkat ay (b, k, d, g, p, s, t)
ikalawang pangkat ay (l, m, n, ng, w, r, y)
Ano ang mga anyo ng tugmaan
(a-a-a-a)
(a-b-a-b)
(a-a-b-b)
(a-b-b-a)
Ano ang persona
panauhan ng nagsasalita sa tula
una, ikalawa, o ikatlo ang personang ginamit sa tula
ang pagkatao ng nagsasalita sa tula
Ano ang larawang diwa
nag-iiwan ito ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
imagery
Ano ang talinhaga
naglalayong mabigyan ng mas malalim na kahulugan ang salita o parirala sa tula
simbolismo at tayutay
Ano ang simbolismo
mga bagay na nagtataglay ng ibang kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan
Magbigay ng halimbawa ng simbolismo
kalapati - kapayapaan
bulaklak - dalaga, babae
araw - pag-asa, bagong buhay
bato - matatag, matibay
Ano ang tayutay
ginagamit upang ilayo sa karaniwan at magkaroon ng hindi lantad na kahulugan ang pahayag
masining at matalinghaga ang kahulugan ng pahayag
Ano ang mga uri ng tayutay
pagtutulad (simile)
pagwawangis (metaphor)
pagtatao (personification)
pagmamalabis (hyperbole)
pag-uyam (irony or sarcasm)
pagpapalit-saklaw (synedoche)
pagtawag (apostrophe)
Ano ang pagtutulad
naghahambing ng dalawang magkaibang bagay subalit may pagkakaugnay
gumagamit ng salitang parang, tila, kawangis, tulad, kasing, animo’y, atbp.
Ano ang pagwawangis
direktang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay
hindi gumagamit ng mga salitang naghahambing na ginagamit sa pagtutulad
Ano ang pagtao
pagbibigay ng buhay sa mga bagay sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga katangiang pantao
Ano ang pagmamalabis
pinasisidhi ang kakulangan ng kalagayan ng tao, bagay, o pangyayaring tinutukoy
Ano ang pag-uyam
gumagamit ng mga salitang kapuri-puri subalit kabaliktaran naman nito ang nais na sabihin
Ano ang pagpapalit-saklaw
binabanggit ang isang bahagi ng bagay, tao, o pangkat upang matukoy ang kabuoan nito
Ano ang pagtawag
pakikipag-usap sa kalikasan o sa isang bagay na tila nakikipag-usap lamang sa isang taong kaharap o kasama
Sino si Amado V. Hernandez
Makata ng Manggagawa
nakulong sa kasong sedisyon subalit napawalang sala
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973
Ano ang kahulugan ng unang saknong ng kung tuyo na ang luha mo, aking bayan
kalagayan ng bansa sa ilalim ng pananakop ng dayuhan
kunwaring pagtulong ng Amerikano na makalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila (Agosto 13 huwad na labanan)
Ano ang kahulugan ng pangalawang saknong ng kung tuyo na ang luho mo, aking bayan
pang-aabuso sa kahinaan ng bansa at mga mamamayan nito
naghihirap ang bansa habang nagpapakasaya ang mananakop
Ano ang kahulugan ng pangatlong saknong ng kung tuyo ng ang luha mo, aking bayan
pag-angkin sa yaman ng bansa at pagkaubos ng mga ito
Ano ang kahulugan ng pangapat saknong ng kug tuyo na ang luha mo, aking bayan
panghihina at kawalan ng pag-asa na makaalpas sa mananakop
Ano ang kahulugan ng panganim saknong ng kung tuyo na ang luha mo, aking bayan
pag-iipon ng lakas at pagbangon upang lumaban
pagbawi sa kalayaang nawala
Ano ang maikling kwento
akdang pampanitikan na likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa tunay ng pangyayari sa buhay
Ano ang katangian ng maikling kwento
nababasa sa isang upuan, nakapupukaw ng damdamin
nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mambabasa
kawil-kawil na pangyayari na nakahanay ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
Ano ang bahagi ng Maiking kwento
Simula (tagpuan, tauhan, suliranin)
Gitna (saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan)
Wakas (kakalasan, wakas/katapusan)
Ano ang mga uri ng tauhan
Protagonista (pangunahing tauhan/bida)
Antagonista (kalaban ng bida/kontra-bida)
ang antagonista ay hindi lamang sa kalabang pisikal, pwede din ang kalaban sa prinsipyo o paniniwala
Ano ang uri ayon sa karakter
Tauhang Bilog (nagbabago ang karakter)
Tauhang Lapad (walang nagbabago ang karakter)
Ano ang tagpuan
lugar at panahon
Ano ang banghay
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento at ang mga aksyon kaugnay ng panguahing suliranin o tunggalian sa kwento
Ano ang simula
tagpuan at unti-unting ipinakikilala ang mga tauhan
Ano ang saglit na kasiglahan
patatagpo ng mga tauhan masasangkot sa suliranin kasunod ng mga pangyayari sa akda
Ano ang tuggalian
isang pakikibaka sa pagitan ng magkasalungat na pwersa
Ano ang kasukdulan
pinakamataas ng bahagi ng banghay
pinakamatindi na bahagi sa kwento
Ano ang kakalasan
malalaman ang kinalabasan ng tunggalian
Ano ang wakas
katapusan ng kwento
malalaman dito kung paano tinanggap ang pangunahing tauhan ang kanyang kabiguan o kung siya ay tagumpay sa kanyang buhay
Ano ang tunggalian
suliranin na hinaharap ng panguahing tauhan
Tao vs tao, tao vs lipunan, tao vs sarili
Ano ang punta de vista
pananaw o perspektibo ng may-akda na nagsasalaysay
Ano ang unang panauhan
may-akda ay nagsasalaysay hinggil sa kanyang sarili at mga tao nakakasalumuha niya
panghalip na nasa unang panauhan (ako, akin, atbp.)
Ano ang ikawalang panauhan
panghalip na nasa ikalawang panauhan (ikaw, kayo, atbp.)
tagapagsalaysay ay isang tauhan sa kwento
Ano ang ikatlong panauhan
naglalarawan hinggil sa mga taong gumagalaw sa akda
nagmamasid ay nagkukwento o naglalarawan lamang at hindi siya parte o kabilang sa mga tauhang na gumaganap
panghalip na nasa ikatlong panauhan
Ano ang tema
naglalahad ng panguahing ideya ng kwento, kaisipan o aral
buod o kaluluwa ng kwento
makukuha dito ang mga kabatiran tungkol sa kwento
Ano ang tema ng mabangis na lungsod
Pang-aabuso sa mga taong walang sapat na kakayahan upang maipagtanggol ang sarili sa kamay ng mga naghahari- harian sa lipunan
Ano ang tagpuan ng mabangis na lungsod
Lugar: isang Simbahan sa Quiapo
Panahon: karaniwang araw sa buhay ni Adong
Ano ang mga tauhan ng mabangis na lungsod
Adong (protagonista, tauhang lapad)
Bruno (antagonista, tauhang lapad)
Ano ang suliranin ng mabangis na lungsod
Gustong takasan ni Adong ang mga pang-aabuso na ginagawa sa kanya ni Bruno at sa iba pang pulubi sa Quiapo
Ano ang simula ng aksyon ng mabangis na lungsod
kumakalat na ang dilim subalit kakaunti pa lamang ang baryang napapalimos ni Adong
Ano ang saglit na kasiglahan ng mabangis na lugsod
Dumarami na ang mga tao sa Quiapo kaya lalong pinagbuti ni Adong ang paghingi ng limos upang madagdagan ang mga baryang nalalaglag sa kanyang palad
Ano ang tuggalian ng mabangis na lungsod
Tutol ang kalooban ni Adong na ibigay kay bruno ang baryang kanyang napagpalimusan
Ano ang kasukdulan ng mabangis na lungsod
Tumakbo si Adong upang magtago at makatakas kay Bruno
Ano ang kakalasan ng mabangis na lungsod
Inabutan ni Bruno si Adong at ginulpi
Ano ang wakas ng mabangis na lungsod
Namatay si Adong dulot ng panggugulpi sa kanya ni Bruno
Ano ang punta de vista ng mabangis na lungsod
Ikatlong Person / Panauhan
Ano ang uri ng tunggalian ng mabangis ng lungsod
Tao vs. Tao (Adong vs. Bruno)
Tao vs. Lipunan (Adong vs. ang mga taong may higit pa ngunit tumangging magbigay sa kanya ng pera)
Ano ang ingklitik
kataga na walang kahulugan kung nag-iisa lamang subalit makapagpapabago sa kahulugan ng pangungusap kapag ginamit na sa pangungusap
Ano ang kahulugan ng mga ingklitik na sana, pala, kasi, ba, man
sana (pagpapakita ng interes)
pala (pagpapakita ng realisasyon)
kasi (pinapasisi ang isang tao)
ba (pagpapakita ng pagtatanong)
man (isang tao na may parehong sitwasyon sa iba)
Ano ang kahulugan ng mga ingklitik na yata, tuloy, na, din or rin, at pa
yata (hindi sigurado)
tuloy (may planong nasira)
na (isang tao na nauna sa ibang tao)
din/rin (isang tao na may parehong sitwasyon)
pa (tinutuloy ang oras)
Ano ang kahulugan ng mga ingklitik na nga, lang, raw o daw, naman, muna
nga (pagbibigay ng pagdidiin)
lang (mag-isa ang tao)
raw/daw (hindi siya ang orihinal na sinabi)
naman (hindi siya ang unang gumawa)
muna (pansamantala)
Bakit mahalaga ang salitang lupa sa kwento na Tata Selo
gustong bawiin ni Tata Selo ang kanyang lupa na kinuha ni Kabesang Tano
binigay niya ang kanyang lupa bilang collateral para humiram ng pera kay Kabesang Tano para may maibigay na gamot para sa kanyang maysakit na asawa
ayaw ibalik si Kabesang Tano ang lupa ni Tata Selo
Bakit mahalaga ang salitang pagkamkam sa tata selo
kinuha ang lupa ni Tata Selo si Kabesang Tano
bakit mahalaga ang salitang dangal sa tata selo
nawala ang dangal ni Tata Selo noong siya’y ikulong at noong nawala ang puri ng kanyang anak na si Saling dahil nilapastangan siya ni Kabesang Tano
bakit mahalaga ang salitang karapatan sa tata selo
ang kinita ay hinati ng 30-70 sa pagitan nila ni Kabesang Tano, subalit tinatanggap pa rin niya
tinaga ni Tata Selo si Kabesang Tano dahil inaagaw niya ang kanyang lupa, at ayaw niya ibaba ang kanyang reputasyon at ang reputasyon ng kanyang pamilya
hindi nila alam na may karapatan sila dahil hindi sila nakapag-aral, kaya hinarap na lang nila ang lahat ng kawalang-katarungang natanggap nila hanggang sa pagbabanta
Ano ang tauhan ng tata selo
Tata Selo (protagonista, tauhang bilog)
Kabesang Tano, mga hepe at pulis (antagonista, tauhang lapad)
Ano ang tagpuan ng tata selo
istaked
opisina ng alkalde
sakahan
ano ang uri ng tunggalian ang tata selo
Tao vs. Tao (Tata Selo vs. Kabesang Tano)
Tao vs. Lipunan (Tata Selo vs. ang mga taong nag-iisip sa kanya bilang isang taong mas mababa sa kanilang sarili, mga taong nag-osioso sa kanya)