M1

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/66

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Last updated 4:11 AM on 10/6/22
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

67 Terms

1
New cards
Senakulo
________- Patungkol sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang dulang ito.
2
New cards
Tuluyan o prosa
Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap
3
New cards
Patula o panulaan
Ito ay sinusulat nang pataludtod o pasaknong sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
4
New cards
Alamat
Ito ay isang uri ng tuluyang tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
5
New cards
Anekdota
Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao
6
New cards
Nobela
Tinatawag din itong kathambuhay
7
New cards
Pabula
Akdang ang mga tauhan ay mga hayop
8
New cards
Parabula
Ito ay maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya
9
New cards
Maikling Kuwento
Hinggil ito sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang
10
New cards
Dula
Salaysay na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro
11
New cards
Sanaysay
Ito ay isang komposisyong kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda
12
New cards
Talambuhay
Isinalaysay nito ang kasaysayan ng buhay ng isang tao na batay sa mga tunay na impormasyon
13
New cards
Talumpati
Paglalahad ito ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao hinggil sa isang napapanahong paksang may layuning humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
14
New cards
Balita
Ito ay nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa
15
New cards
Kwentong Bayan
Ito ay isang uri ng salaysay na likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
16
New cards
Tulang Pasalaysay
Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan, at kabayanihan ng tauhan
17
New cards
Awit
Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, at iba pa. Ang tagpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig na mabagal o tinatawag na andante
18
New cards
Korido
Tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian
19
New cards
Epiko
Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi kapani-paniwala dahil sa mga tagpuang kababalaghan at di-makatotohanan
20
New cards
Dalit
Ito ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat
21
New cards
Oda
Nagpapahayag ito ng paghanga o isang papuri sa isang bagay
22
New cards
Soneto
Nagtataglay ito ng labing-apat (14) na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa
23
New cards
Elehiya
Ang tulang ito ay patungkol sa pagdadalamhati sa isang namatay o naglalarawan sa pagbubulay-bulay sa kamatayan
24
New cards
Kantahin
Ito ay musikang magandang pakinggan at binubuo ng mga payak na salita at sukat
25
New cards
Tibag
Ito ay dulang nagtatanghal sa paghahanap ni Santa Elena sa mahal na krus na kinamatayan ni Hesus
26
New cards
Senakulo
Patungkol sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang dulang ito
27
New cards
Moro-moro
Ito ay isang uri ng "komedya" na nagpapakita ng makasaysayang labanang nagsimula pa noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog ng Pilipinas
28
New cards
Panunuluyan
Ito ay isang tradisyonal na dula tuwing bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban
29
New cards
Salubong
Pagtatanghal ito ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Birheng Maria
30
New cards
Sarswela
Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3) yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba pa
31
New cards
Karagatan
Nanggaling ang dulang ito sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan at nangakong pakakasalan ang binatang makakakuha nito
32
New cards
Duplo
Isa itong larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay
33
New cards
Dalit
Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang handog sa Birheng Maria
34
New cards
Paksa
Ito ang pinag-uusapan sa kabuuan ng babasahin o palabas
35
New cards
Tauhan
Sila ang mga nagsisiganap at nagbibigay-buhay sa panitikan
36
New cards
Subdued (internal)
Kadalasang tahimik lang ang tauhan, maaaring malungkot o nag-aalala
37
New cards
B. Hysterical (external)
Kadalasang sumisigaw, nagwawala o kung di may tumatalon at may labis na paggalaw ang tauhang gumaganap
38
New cards
Building up
Sa ganitong uri ng pagganap ay unti-unting ipinakikita ang pagtaas ng emosyon
39
New cards
Descending
Kabaligtaran ito ng building up, ditoy pababa ang emosyon ng gumaganap
40
New cards
Tagpuan
Tumutukoy ito sa kinaroroonan ng eksena o kuwento
41
New cards
Dayalogo
Ito ay ang salitaan o pagpapalitan ng usapan sa pagitan ng mga tauhan
42
New cards
Teknikal na aspeto
Pagsipat ito sa aspeto ng sining ng pagkakalikha ng panulat o panoorin
43
New cards
Sining
- nagmula sa salitang Latin na "ars"
- nangangahulugang kakayahan o kasanayan.
44
New cards
anyo
ay anomang may angking hugis katulad ng mukha.
45
New cards
perspektibo
Ito ay ang pagbuo ng kaalaman o hugis batay sa iyong pananaw.
46
New cards
anatomiya
anatomikong istruktura ng katawan ng tao, kabilang ang mga selula , tisyu , organo, at mga organ system .
47
New cards
komposisyon
ang pinakapayak na paraan ng pagsusulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari o sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal
48
New cards
Panitikan
- nagmula sa salitang "pang"(unlapi) + "titik" (salitang-ugat) + "an" (hulapi)
- galing sa salitang Latin na "littera" na nangangahulugang titik
49
New cards
Kahalagahan ng Panitikan
1. Matuklasan ang sariling kalinangang maipagmamalaki.

2. Mapahalagahan ang wika, sining, halagang pantao, at iba pa.

3. Maihambing ang panitikan sa mga kilalang akdang nanuluktok sa buong daigdig, nang sa gayon, mapalakas ng mga makata at manunulat ang mga kahinaang taglay ng ating panitikan. Sa pamamagitan nito’y mabilis na mapauunlad ng ating panitikang may sariling tatak ng kasiningan, kagandahan, at kadakilaan.
50
New cards
Mga akdang tuluyan
- Alamat
- Anekdota
- Nobela
- Pabula
- Parabula
- Maikling Kuwento
- Dula
- Sanaysay
- Talambuhay
- Talumpati
- Balita
- Kwentong Bayan
51
New cards
Mga akdang patula
- Tulang Pasalaysay
- Tulang Pandamdamin o Liriko
- Tulang Pandulaan o Pantanghalan
52
New cards
Tulang Pasalaysay
- Awit
- Korido
- Epiko
53
New cards
Tulang Pandamdamin o Liriko
- Dalit
- Oda
- Soneto
- Elehiya
- Kantahin
54
New cards
Tulang Pandulaan o Pantanghalan
- Tibag
- Senakulo
- Moro-moro
- Panunuluyan
- Salubong
- Sarswela
- Karagatan
- Duplo
- Dalit
55
New cards
Paano magsuri ng Panitikan?
- Paksa
- Tauhan
- Tagpuan
- Dayalogo
- Teknikal na aspeto
- Bisang Pampanitikan
56
New cards
Mga Teoryang Pampanitikan
Bayograpikal
Historikal
Klasismo
Humanismo
Romantisismo
Realismo
Pormalistiko
Siko-Analitiko
Eksistensyalismo
Istrukturalismo
Feminismo
57
New cards
Bayograpikal
Matutuklasan dito ang impluwensyang makatutulong sa sining ng manunulat – mga pilosopiyang kaakbay ng kanyang panahon, ang mga aklat o mga akdang kanyang binasa, ang iba pang taong nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.
58
New cards
Historikal
Saklaw nito ang historikal na pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensyang nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na makapaloob sa akda, ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda.
59
New cards
Klasismo
Pinaniniwalaan ng teoryang klasismo na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Pinaniniwalaan nitong ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
60
New cards
Humanismo
Ang pokus sa teoryang ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado.
61
New cards
Romantisismo
Dalawa ang uri nito: romantisismong tradisyunal at romantisismong rebolusyunaryo. Ang una’y dumarakila sa halagang pantao samantalang ang huli’y lumulutang ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
62
New cards
Realismo
Ipinaglalaban ng realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinomang tao, anomang bagay at lipunan ay dapat na maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
63
New cards
Pormalistiko
Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang itong matukoy ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, at (3) paraan ng pagkakasulat ng akda.
64
New cards
Siko-Analitiko
Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanapbuhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad bunga ng kamalayan sa kahirapan.
65
New cards
Eksistensyalismo
Sa teoryang ito, kalayaan at awtentiko ang mga tanging nais kilalanin.
66
New cards
Istrukturalismo
Simulain ng teoryang ito na ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kung hindi humuhubog din sa kalayaang panlipunan.
67
New cards
Feminismo
Pinaniniwalaan nitong lalaki ang mga manunulat ng panitikan kaya ito umiral. Na ang mga babae ay mahina, marupok, mangmang, sunod-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon ng kababaihan.

Pinaniniwalaan nitong ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.