1/40
Mga pangunahing termino at kahulugan mula sa lektura tungkol sa panitikan, mga pagdulog sa panunuri, at isyung panlipunan tulad ng kahirapan.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Panitikan
Pangunahing akdang nakasulat o pasalita na nagpapahayag ng damdamin, karanasan, kasaysayan at kaisipan ng tao.
Kathang-isip (Fiction)
Akdang bunga ng imahinasyon; hindi nakabatay sa totoong pangyayari.
Hindi Kathang-isip (Non-fiction)
Akdang nakabatay sa tunay na datos, balita o karanasan; may tiyak na detalye.
Tuluyan / Prosa
Uri ng panitikang gumagamit ng karaniwang takbo ng pagpapahayag, gaya ng nobela, sanaysay at dula.
Patula / Panulaan
Uri ng panitikang gumagamit ng sukat, tugma at taludtod, gaya ng awit, korido at tulang pasalaysay.
Pagdulog
Paraan o lapit sa pagsusuri ng akda; maaaring pormalistiko, moralistiko, atbp.
Pormalistiko / Pang-anyo
Pagdulog na nakatuon sa istruktura, estilo at anyo ng teksto mismo.
Moralistiko
Pagdulog na layuning magbigay-aral at pagpapahalagang etikal sa mambabasa.
Sikolohikal
Pagdulog na sinusuri ang akda bilang ekspresyon ng kaisipan at damdamin ng may-akda.
Sosyolohikal-Panlipunan
Pagdulog na tinitingnan ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan at konteksto nito.
Klasismo
Pananalig na naglalarawan ng payak na pangyayari at pagkakaiba ng estado sa pag-ibig.
Romantisismo
Pananalig na ipinapakita ang iba’t ibang paraan ng maalab na pag-ibig sa tao, bayan at mundo.
Realismo
Pananalig na naglalahad ng makatotohanang kondisyon at suliranin ng lipunan.
Impresyunalismo
Pananalig na may bukas na komposisyon at diin sa tumpak na paglalarawan ng damdamin o tagpo.
Feminismo
Pananalig na nagwawasto sa maling pananaw at nagpapantay sa kababaihan at kalalakihan.
Imahismo
Pananalig na gumagamit ng matitinding imahe at simbolismo upang mailarawan ang ideya.
Historikal
Pananalig na ipinapakita ang karanasan ng lipi at kaugnayan nito sa kasaysayan.
Pamagat (Sa Panunuri)
Bahagi ng sanaysay na naglalaman ng pangalan ng akda, may-akda at paksa ng pagsusuri.
Panimula
Unang talata ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon at naghahain ng interes sa mambabasa.
Paglalahad ng Tesis
Pahayag na nagsasabi ng layunin at inaasahan sa sanaysay.
Katawan (Sanaysay)
Bahaging naglalahad ng ebidensiya at paliwanag na sumusuporta sa tesis.
Konklusyon
Bahaging nagbubuod sa pangunahing punto at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsusuri.
Mahusay na Kritiko
Isang tapat, bukas-isipang tagasuri na iginagalang ang disiplina at nagsasaalang-alang sa konteksto ng akda.
Isyung Ekonomiko
Suliraning nagdudulot ng pagkawala ng trabaho at hindi pantay na oportunidad ayon sa lugar, lahi o kasarian.
Problemang Pangkapitbahayan
Suliraning panlipunan sa komunidad na nagreresulta sa mataas na drop-out rate at kakulangan sa edukasyon.
Diskriminasyon sa Edad
Pagkiling o pagtangi laban sa tao batay sa kaniyang edad.
Problemang Pantrabaho
Mga isyu tulad ng stress, di-pantay na sahod, panggugulo at rasismo sa lugar ng trabaho.
Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan
Kawalan ng patas na pagtrato batay sa kasarian, lahi, kapansanan o edad.
Kahirapan
Kalagayang kulang o walang sapat na materyal na yaman at batayang pangangailangan.
Absolutong Kahirapan
Kawalan ng paraan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan gaya ng tubig, pagkain at tirahan.
Relatibong Kahirapan
Mas mababang antas ng yaman kumpara sa iba sa parehong lipunan o bansa.
Kawalangk-aalaman / Kamangmangan
Kakulangan sa impormasyon o edukasyon na nagdudulot ng kahirapan.
Sakit / Karamdaman
Mataas na antas ng pagkakasakit na nagreresulta sa pagliban at pagbagsak ng kita ng komunidad.
Kawalangk-pagpapahalaga / Interes
Pagkawala ng pakialam o paniniwalang walang kapangyarihang baguhin ang sitwasyon.
Hindi Mapagkakatiwalaan
Kawalan ng tiwala sa mga taong nasa kapangyarihan o institusyon na dapat mag-lingkod.
Pagiging Palaasa
Pagkasanay sa pagtanggap ng limos o awa na lalo pang nagpapalaganap ng kahirapan.
Komprehensibong Larawan ng Kahirapan
Malawak na pagsusuri sa ugat at epekto ng kahirapan kabilang ang kagutuman, kawalan ng trabaho at serbisyo.
Elite Rule
Pamumunong nakatuon sa interes ng iilang makapangyarihan na nagdudulot ng di tunay na demokrasya.
Anyong Tuluyan
Kolektibong katawagan sa alamat, anekdota, nobela, sanaysay at iba pang prosa.
Anyong Patula
Kolektibong katawagan sa awit, korido, at iba pang uri ng tula na may sukat at tugma.
Sosyedad at Literatura
Larangan ng pag-aaral na tumitingin sa ugnayan ng panitikan at mga isyung panlipunan.