1/40
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
Ano ang Ekonomiks?
Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng mga tao gamit ang limitadong yaman. Ito ay nagmula sa salitang oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay at ang nomos ay pamamahala.
Proseso ng paggawa ng mga produkto galing sa hilaw na materyal
Produksiyon
Proseso ng paggawa ng mga kalakal na magagamit ng mga mamimili
Distribusyon
Ito ang pagbili at paggamit ng produkto ng mga mamimili
Pagkonsumo
Uri ng Ekonomiks; kabuoan ng ekonomiya (bansa, lungsod, etc.)
Macroeconomics
Uri ng Ekonomiks; pag-uugali ng pagpasiya ng maliit na yunit ng ekonomiya (barangay, pamilya, etc.)
Microeconomics
Ito ang pagsakripisyo ng isang bagay.
Trade-Off
Ito ang halaga ng bagay na isinasakripisyo.
Opportunity Cost
Ama ng Kapitalismo at nagsulat ng “The Wealth of Nations” at nakilala sa Invisible Hand Theory
Adam Smith
Ama ng Komunismo at sumulat ng libro na “Das Kapital”. Ito ang paniniwala niya dahil sa mga pag-aabuso ng kapitalista sa mga manggagawa.
Karl Marx
Kilala sa Malthusian Theory na mas mabilis ang pagdaming tao kumpara sa bilang ng pagkain.
Thomas Malthus
Binuo ang Comparative Advantage: Mas pagtuunan ng pansin ang paggawa sa isang partikular na produkto.
David Ricardo
Ama ng Modernong Macroeconomics; naniniwala na kailangan makialam ang pamahalaan ng pagpapatakbo ng ekonomiya.
John Keynes
Agham na nagsasalaysay sa mahalagang pangyayari sa buhay.
Kasaysayan
Ito ay ginagamit upang mas madaling ipaliwanag ang iba’t-ibang economic phenomenon; ginagamit din sa pagkalkula.
Matematika
Tumutukoy sa topograpiya ng isang bansa, na magtatakda ng hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar.
Heograpiya
Agham na nag-aaral ng pag-unlad, istruktura at gawi o pagkilos at pag-iisip ng mga pangkat ng tao sa lipunan.
Sikolohiya
Agham na nag-aaral ng pag-unlad, istruktura at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan. Ito rin ay sa pakikipag-ugnayan (interaction) ng mga tao.
Sosyolohiya
Uri ng pinagkukunang yaman; tinuturi mga biyaya ng kalikasan; dito kinukuha ang mga hilaw na materyales para sa produksyon
Likas na Yaman
Ang apat na uri ng Likas na Yaman
Yamang Lupa, Yamang Dagat, Yamang Mineral, at Yamang Gubat
Uri ng pinagkukunang yaman; ang buong populasyon ng isang bansa, partikular sa mga nasa edad 15 pataas at may kakayahan na maghanapbuhay; pinakamahalagang yaman ng isang bansa; ang nilinang sa mga likas ng yaman ng bansa
Yamang Tao
Uri ng pinagkukunang yaman; ang mga bagay na tumutulong sa kalakal at produksyon
Yamang Kapital
Ito ang pangunahing suliranin ng mga yamang kapital
Depresasyon
Ang pangmatagalang kalagayan ng limitasyon sa pinagkukunan yaman; ibig sabihin kapag ay bagay ay kapus, matagal ito bumalik o puwede din hindi na babalik
Kakapusan
Ang panandaliang sitwasyon ng limitasyon sa mga pinagkukunan yaman; ang mga bagay na kulang ay maaaring bumalik
Kakulangan
Paano nagiging kapus ang Likas na Yaman?
nagiging kapus dahil sa hindi tamang paggamit at pag-aabuso sa mga likas na yaman; solusyon: protektahin ang kapaligiran
Paano nagiging kapus ang Yamang Tao?
nagiging kapus dahil sa kakapusan sa edukasyon at kasanayan ng mga manggagawa; solusyon: pagsasanay para sa mga manggagawa
Paano nagiging kapus ang Yamang Kapital?
nagiging kapus dahil sa kawalan ng inobasyon at makabagong teknolohiya; solusyon: makabagong teknolohiya
Paano nagiging kapus ang Yamang Impormasyon?
nagiging kapus dahil sa kahirapan sa pagkuha ng datos (data); solusyon: makabagong teknolohiya
Paano nagiging kapus ang Yamang Panahon?
nagiging kapus dahil sa tiyak lamang ang bilang ng oras sa isang araw; solusyon: pagsasanay para sa mga manggagawa
Tinutukoy sa mga bagay na pangunahing batayan para mabuhay
Pangangailangan
Ang mga partikular na bagay na hinihiling ng isang tao; hindi naman kailangan para mabuhay
Kagustuhan
Uri ng kagustuhan; tumutukoy sa mga bagay na puwede bumili gamit ang pera; maaaring hawakan
Economic wants
Uri ng kagustuhan; tumutukoy sa mga bagay na hindi puwede bumili gamit ang pera; hindi mahawakan, kundi maramdaman
Non-economic wants
Salik: napakahalagang instrumento ng pagkonsumo: ang pagbili at paggamit ng produkto; ang kakayahan ng tao ay batay sa laki ng kaniyang salik na ito
Kita
Salik: ang pangkalahatang bilang ng tao sa isang lugar; kapag marami ang bilang ng tao, marami ang kagustuhan at kailangan nila
Populasyon
Salik: makapangyarihan sa pagkondisyon sa isipan ng mga mamimili dahil nagbabago nito ang kanilang pagkokonsumo; nakalilikha ng demonstration effect, bandwagon phenomenon, at brainwash
Patalastas
Salik: nang-iiba ang kagustuhan at kailangan ng tao batay kung saan sila naninira
Pisikal na Lokasyon
Salik: ang paglipat ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa siyudad at umiiba ang pangangailangan at kagustuhan ng iba dahil dito; proseso kung saan ang isang rural na lugar ay nagiging industriyalisado.
Urbanisasyon
Salik: umiiba ang mga kagustuhan at kailangan dahil sa personal preference ng isang tao.
Panlasa
Ibigay ang buong herarkiya ng pangangailangan ni Maslow
1. Kaganapan ng Pagkatao
2. Pagpapahalaga sa sarili
3. Pagtanggap at Pagmamahal
4. Kaligtasan at Seguridad
5. Pangangailangan na Pisolohikal