1/38
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
tula
ay pagsasama-sama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan ng sumusulat o humahabi ng tula ay tinatawag na makata,.
Ang makata ito ay punung-puno ng imahinasyon, may matayog na damdamin at kaisipan.
Tulang Pasalaysay o Buhay
Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari.
Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.
Epiko
- Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway.
Maraming tagpo ritong hindi kapani-paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob.
Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.
Awit (song) at Korido
Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila.
Ang mga paksa nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o pakikipagsapalaran.
Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari't reyna, prinsipe't prinsesa.
Balad
Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
Naglalaman ito ng madamdaming pagsalaysay.
Tulang Pandamdamin o Liriko
Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o ng kaya ng ibang tao.
Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan.
Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan.
Awit
Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
Soneto
Ito ay tulang may 14 na taludtod.
Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa sa kabuuan.
Oda
Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang damdamin.
Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Elehiya
Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Pastoral
Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.
Dalit
Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
3. Tulang Pandulaan –
Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.
4. Tulang Sagutan/Patnigan-
Ito ay mga tulang pampagtatalo at panga-ngatwiran.
Ang mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.
1. Matanda o Makalumang Tula -
Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may sukat at tugma.
Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.
2. Malayang Taludturan o Free Verse -
Nabibilang dito ang mga tulang walang sukat at walang tugma.
Isa itong paghihimagsik sa "makipot" na bakod ng matandang panulaan.
3. Tula sa Tuluyan -
Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang nakapaloob ay masagisag.
Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng isang tunay na tula.
4. Di-tugmaang Tula -
Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma.
Hindi ito gaanong gamitin sa ating panulaan.
1. Mapaglarawan
- naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.
2. Mapagpanuto -
namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod.
3. Mapang-aliw -
nagbibigay-aliw o lumilibang sa mga mambabasa.
Maaaring ito ay nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan.
4. Mapang-uroy
-nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay.
1. Masagisag
- gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa pagpapakahulugan ng kanyang akda.
2. Imahistiko
- ipinahahayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa paggamit ng mga imahen at larawang-diwa.
3. Makatotohanan
– tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig o ng nakikita ng ating dalawang mata.
4. Makabaghan/Surealistiko
- ang makata'y gumagamit ng mga pangitain at galaw ng isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.
1. Madamdamin -
ang makata tumutukoy sa mararangal na damdaming gamit ang tula.
Inilalarawan niya ang isang masining na kagandahan.
2. Mabulaybulay
- matimpi o pigil ang damdaming inilalahad ng makata at umaalinsunod sa pagbubulaybulay o repleksyon ng isang bukas na isipan.
1. Mabigat
- mataas ang uri.
Mabigat ang tema at diwa.
Ito ay isang mataas na uring pampanitikan.
Pampagkakataon o Pang-okasyon
mga tulang pambigkasan na ginagamit sa koronasyon, luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at araw ng pangilin.
3. Magaan -
hindi gaanong mataas ang uri.
Madaling isipin at karaniwan sa mga bugtungan at tulang pambata.
1. Tugma
ay ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng taludtod. Sukat ay bilang ng saknong, taludtod at pantig ng tula. Maaaring ito ay walo, sampu, labindalawa at labingapat.
2. Sukat
ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Sa tradisyunal na anyo ng tula, maaaring ang sukat ay 12:6-6, 17:7-7, 16:8-8.
Ang cesura sa tula ay panandaliang paghinto kapag binibigkas ang tula.
Kung labindalawa ng sukat, ang cesura ay nasa ikaanim na pantig; kung labing-apat, ang cesura ay nasa ikapitong pantig.
3. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula
mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito.
4. Talinghaga
kung napapagalaw ng husto ang guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka at pagtatanong, masasabing ang tula ay nagtataglay nito.
5. Imahen o Larawang Diwa
mayroon nito ang tula kung may nabubuo sa guniguni mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari.
6. Aliw-iw
taglay ito ng tula kung maindayog ang pagbigkas lalo pa't ito'y nasa tradisyonal na pagkakasulat.
Bunga ito ng pagkakasintunungan ng huling pantig ng tula.
7. Tono
damdaming nakapaloob sa tula.
Ang tula ay kinapapapalooban ng iba't ibang damdamin tulad ng kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala at iba pa.
Ang tula ay maaari rin naming nangangaral, nanghihikayat, nang-aaliw, o nagtuturo.
8. Persona
siya ang nagsasalita sa tula.