PANITIKAN LONG QUIZ PRELIMS (copy)

0.0(0)
studied byStudied by 29 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/106

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

107 Terms

1
New cards

Webster

ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o nailimbag sa isang tanging wika ng mga tao

2
New cards

Bro. Azarias

pagpapahayag ito ng mga damdamin ng tao hinggil sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan na may kaugnayan sa kaluluwa at Dakilang Lumikha

3
New cards

Ang Tunay na Panitikan

Ang ___ ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang masining. Isa rin itong maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag.

4
New cards

Long (1971)

naitala ng pinakamabubuting damdamin ng tao ang isang tunay na panitikan

5
New cards

Dr. Rufino Alejandro (1949)

ang panitikan ay katuturang bungang-isip na isinatitik

6
New cards
  1. Malaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.

  2. Mabatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.

  3. Maging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.

  4. Malaman ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.

  5. Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN

7
New cards

Klima

may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.

8
New cards

Hanapbuhay

gawaing pang-araw-araw at mga tungkulin ng tao

9
New cards

Kinatitirhan

ang kinatitirhang pook ng lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.

10
New cards

Lipunan at pulitika

mga ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika at pamahalaang nagdadala ng kahilingan at kabihasnang nagpapasama sa panitikan ng isang bansa

11
New cards

Relihiyon at edukasyon

ang tayog, lalim, at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rin sa pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituturo ng pilosopiya ng edukasyon ng bansa.

12
New cards

Doctrina Christiana

Isinulat ni Padre Juan De Plasencia noong 1593. Naglalaman ito ng sampung utos ng Diyos, ang mga utos ng Santa Iglesya, ang pitong sakramento at ang labing-apat na pagkakawanggawa.

13
New cards

Nuestra Señora del Rosario

Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni P. Blancas De San Jose noong 1602. Kinatatalaan ng mga novena at mga aral mula sa buhay ng mga santo at santa

14
New cards

Barlaan at Josaphat

 Isinulat sa wikang Griyego ni San Juan Damaceno at isinalin sa wikang Tagalog ng heswitang pari na si Antonio de Borja. Kauna-unahang nobelang Tagalog na nalimbag sa Pilipinas noong 1712. Binubuo ng 40 na kabanata, na binubuo ng 553 na pahina.

15
New cards

Koran

pinakabibliya ng mga Muslim at nagmula sa Arabia

16
New cards

Banal na kasulatan o Bibliya

Mula sa Palestina at Gresya. Nagmula sa salitang Griyego na “Biblios” na nangangahulugang koleksyon ng mga sinaunang aklat na kinasusulatan ng tungkol sa Diyos at ng Kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga tao.

17
New cards

Lumang Tipan

binubuo ng 46 na mga aklat.

18
New cards

Bagong Tipan

binubuo ng 27 mga aklat.

19
New cards

Iliad at Odessey

Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya

20
New cards

Maha-Bharatas

Kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.

21
New cards

Ang Aklat ng mga Patay

Kinapapalooban ng mga mitolohiya at teolohiya ng mga taga- Ehipto.

22
New cards

Divina Comedia

nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.

23
New cards

Canterbury Tales

Naglalarawan ng mga ugaling Ingles at kanilang   pananampalataya.

24
New cards

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Pinakadakilang likha ni Dr. Jose Rizal na mula sa Pilipinas.

25
New cards

Patula o Panulaan (Poetry)

pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma ang mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

26
New cards

Tulang liriko o tulang pandamdamin

tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni o damdamin ng may akda.

27
New cards

Dalit

nagbibigay parangal sa Maykapal.

28
New cards

Soneto

may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.

29
New cards

Elehiya

isang uri ng panaghoy o panangis

30
New cards

Oda

pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao

31
New cards

Awit

ang mga paksa nito ay pag-ibig, pag-asa, kaligayahan, at   iba pa

32
New cards

Tulang Pasalaysay

tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.

33
New cards

Awit / Korido

tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa.

34
New cards

Awit

labindalawang pantig

35
New cards

Korido

wawaluhing pantig

36
New cards

Epiko

isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

37
New cards

Karagatan

paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.

38
New cards

Duplo

paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang - aliw sa naulila nito.

39
New cards

Ensileda

paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang- aliw sa namatayan. Ginagawa ito gabi - gabi hanggang ikasiyam na gabi.

40
New cards

Balagtasan

isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran pamamaraang patula.

41
New cards

lakan

lalaking nag babalagtasan

42
New cards

lakambini

babaeng nagbabalagtasan

43
New cards

lakandiwa

tagapamagitan sa balagtasan

44
New cards

Tulang pandulaan

dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya

45
New cards

Balad

uri o tema ng isang tugtugin

46
New cards

Tanaga

tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa   mga kabataan.

47
New cards

Haiku

isang panitikang tula na nagmula sa bansang Hapon.

48
New cards

Tula

ito ay uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga saknong at ang bawat saknong ay binubuo naman ng mga taludtod.

49
New cards

Tradisyunal

Tinatawag na ___ ang isang tula kung mayroon itong sukat, tugma at indayog.

50
New cards

Malayang Taludturan

Itinuturing na ___ ang tula kung walang sukat at tugma o di- regular ang sukat at kumbensyunal ang tono o hagod.

51
New cards

Tugma

magkakasintunog ang huling pantig ng bawat taludtod

52
New cards

Sukat

tumutukoy sa bilang ng pantig, saknong, at taludtod ng tula.

53
New cards

Paksa o kaisipang taglay ng tula

ito ang mga nabubuong  kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito

54
New cards

Talinghaga

kung napagagalaw nang husto ang guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka at pagtatanong

55
New cards

Imahen o larawang - diwa

kung may nabubuo sa guniguni ng mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari.

56
New cards

Aliw - iw

 kung maindayog ang pagbigkas.

57
New cards

Tono

ito ang damdaming nakapaloob sa tula. Maaaring may kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala, at iba pa. Maaari ring ang tono ng tula ay nangangaral o kaya naman ay nang-aaliw.

58
New cards

Persona

tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula.

59
New cards

Bugtong

binubuo ito ng mga parirala at mga pangungusap na maaaring patula at patalinhaga kung bigkasin.

60
New cards

kandila

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay

61
New cards

langka

Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako

62
New cards

ampalaya

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat

63
New cards

ilaw

Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

64
New cards

anino

Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

65
New cards

banig

Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon.

66
New cards

siper

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

67
New cards

gamu-gamo

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas

68
New cards

gumamela

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

69
New cards

kubyertos

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

70
New cards

kulambo

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

71
New cards

kuliglig

Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

72
New cards

kulog

Baka ko sa palupandan, unga’y nakararating kahit saan.

73
New cards

kumpisalan

May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan

74
New cards

gunting

Heto na si Kaka, bubuka-bukaka

75
New cards

kasoy

Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa

76
New cards

paruparo

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari

77
New cards

mga mata

Dalawang batong itim, malayo ang nararating

78
New cards

tenga

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita

79
New cards

baril

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit

80
New cards

Salawikain

nagpapahayag ng aral sa buhay sapagkat kinapapalooban ng mabubuting payo ng mga matatanda na batay sa kanilang karanasan sa buhay

81
New cards
  1. Payak

  2. Karaniwan ang mga pananalita

  3. May tugma ang karamihan

  4. Kinasasalaminan ng puna sa buhay

  5. Maiikling pangungusap

  6. Pag-uulit ng mga salita

Katangian ng mga Salawikain

82
New cards

Maikling Kuwento

ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

83
New cards

Edgar Allan Poe

Ama ng Maikling kuwento at nagpahayag na ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni o bungang- isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

84
New cards

Sebastian

Ang dula ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano

85
New cards

Tiongson

Ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat ibang kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict.”

86
New cards

Kuwento ng tauhan

inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Ang diin nito ay nasa mga tauhan.

87
New cards

Kuwento ng katutubong kulay

binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

88
New cards

Kuwentong bayan

inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan

89
New cards

Kuwento ng kababalaghan

pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala

90
New cards

Kuwento ng katatakutan

naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak- sindak

91
New cards

Kwento ng madulang pangyayari

binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan

92
New cards

Kwento ng sikolohiko

ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan

93
New cards

Kwento ng pakikipagsapalaran

nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento

94
New cards

Kwento ng katatawanan

nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa

95
New cards

Kuwento ng romansa

tungkol ito sa pagliligawan at pagmamahalan ng dalawang tao, karaniwan ng isang binata at dalaga

96
New cards

Paksa

pinakakaluluwa ng maikling kuwento.Tinatawag ring tema pamagat, dito umiikot ang kabuuan ng isang kwento

97
New cards

Banghay

tumutukoy sa pagkakasunud- sunod ng mga pangyayaring naganap sa kuwento

98
New cards

Kaisipan

ideya o ang mensahe sa kuwento

99
New cards

Panimula

ipinakikilala rito ang mga tauhan sa kuwento

100
New cards

Saglit na kasiglahan

naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin