Paniniwala sa Hiyas, Anting-anting, at Ginhawa sa Kalinangang Pilipino

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/19

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Mga flashcards tungkol sa mga sinaunang paniniwalang Pilipino sa pagkatao (ginhawa at kaluluwa) at mga gamit na nagbibigay-proteksiyon (hiyas, agimat, at anting-anting).

Last updated 8:02 AM on 8/10/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

20 Terms

1
New cards

Paniniwala

Isang sistemang nagbibigay-kahulugan sa mundo at nagsisilbing gabay sa pag-iisip, pagpapasya, at pamumuhay ng tao.

2
New cards

Panlabas

Tumutukoy sa pisikal na anyo ng tao kabilang ang katawan, mga bahagi nito, at kakayahang kumilos na nakikita ng mata.

3
New cards

Panloob (Kalooban)

Ang mga hindi nakikita ng mata na nagbibigay-buhay, direksiyon, at kahulugan sa tao; dito matatagpuan ang ginhawa at kaluluwa.

4
New cards

Ginhawa (Life Force)

Ang puwersa ng buhay na matatagpuan sa atay o bandang sikmura na nagbibigay ng maayos na paghinga, lakas, sigla, at kakayahang magpatuloy ng buhay.

5
New cards

Kaluluwa (Life Force)

Ang puwersa ng buhay na matatagpuan sa utak na pinagmumulan ng pag-iisip, damdamin, at kalooban.

6
New cards

Matuwid na Kaluluwa

Kalagayan kung saan ang kaluluwa ay patayong nakaayon sa kalangitan, nasa tamang kaayusan, at nagdudulot ng tunay na ginhawa.

7
New cards

Halang ang Kaluluwa

Simbolo ng pagkasira ng moral na kalagayan kung saan ang kaluluwa ay pahalang o wala sa tamang kaayusan.

8
New cards

Pakikipagkapwa

Ang pagpapakita ng mabuting kalooban sa pamamagitan ng pagkita sa sarili sa kapwa.

9
New cards

Kapatiran

Ang pagpapakita ng mabuting kalooban sa pamamagitan ng pagtrato sa kapwa bilang kapatid.

10
New cards

Ginto

Metal na iniuugnay ng mga ninuno sa kaliwanagan at proteksiyon upang hindi mapasok ng masamang kaluluwa ang mga butas ng katawan habang natutulog.

11
New cards

Hiyas

Isang bagay na may natatanging halaga at kahalagahan, tulad ng mamahaling bato o simbolo ng dangal at katayuan.

12
New cards

Mutya

Isang likas na hiyas na pinaniniwalaang nagmumula sa kalikasan na nagdadala ng suwerte, proteksiyon, o natatanging kakayahan.

13
New cards

Agimat at Anting-anting

Amulet o talisman na pinaniniwalaang nagbibigay ng proteksiyon, lakas, suwerte, at natatanging kakayahan.

14
New cards

Orasyon

Maiikling panalangin o banal na mga salita na ginagamit upang palakasin o buhayin ang bisa ng isang anting-anting.

15
New cards

Konsagrasyon

Ritwal ng pagbabasbas o "pagbuhay" sa anting-anting sa itinakdang araw at oras.

16
New cards

Langis na may Birtud (Lana)

Langis ng niyog na pinalakas noong Biyernes Santo na sinasabing kumukulo kapag may malapit na taong may masamang intensyon o kulam.

17
New cards

Macario Sakay

Pilipinong Heneral na nagsuot ng sagradong vest na may mga banal na larawan, salitang Latin, at orasyon tulad ng Caravaca Cross bilang proteksiyon.

18
New cards

Nausog o Nabate

Kalagayan kung saan ang kaluluwa ng isang bata ay na-disorient ng isang taong may malakas na dungan o kalooban.

19
New cards

Boxer Codex

Isang manuskritong Espanyol na nagpapakita ng mga katutubong Tagalog na naramtan ng ginto.

20
New cards

Oton death mask

Isang artifact na gawa sa ginto na ginagamit bilang proteksiyon sa mukha ng yumao, kasalukuyang nasa Ayala Museum.