1/99
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Akademikong Sulatin
- binubuo ng tiyak na paksa at layunin
-malinaw ang pagkasulat at may sinusunod na estruktura
-pormal ang tono at estilo
-may binubuong ideya o argumento na sinusuportahan ng mga datos at argumento
Paksa
karanwang nakugnay sa isang larangang akademiko o disiplina
Malinaw ang pagkakasulat at may sinusunod na estruktura
-may mga nabuo nang mga kumbensiyon
-maingat ang paggamit ng wika
-pinipili ang angkop na salita
-hindi maligoy ang pagkakasulat
-malinaw ang mga pangungusap
Pormal ang tono at estilo ng pagsulat
kailangang maipaabot nang malinaw at tiyak ang impormasyon at ideya
May binubuong ideya o argumento
-sentral na aspekto ang pagbuo ng orihinal na ideya
-hindi lamang inuulit ang dati nang nasabi o nasulat
Sinusuportahan ng datos at ebidensya
kailangang sapat na hango sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian ang datos
Paghalaw
Layunin: Ipahayag sa sariling pananalita
Estilo: Ipahayg sa sariling paraan
Haba: Iba-iba
Estruktura: Sariling estruktura na iba sa hinalaw teksto
Nilalaman: Pumipili lamang ng bahagi ng teksto
Bilang ng Sanggunian: Isa
Pagkilala: In-text citation
Pagbubuod
Layunin: Ipahayag nnang mas maikli
Estilo: Pinaikli ang teksto
Haba: Mas maikli
Estruktura: Sarililing estruktura na iba sa binuod
Nilalaman: Pinipili lamang ang itatampok;lagumin ang buong teksto
Bilang ng Sanggunian: Isa
Pagkilala: In text citation
Paglalagom
Layunin: Pag-ugnayin ang mga ideya mula sa ilang sanggunian
Estilo: Makakaugnay ang ideya na ipinahayag sa sariling paraan
Haba: mas maikli sa tekstong nilagom
Estruktura: sariling estruktura at hindi sa nilagom
Nilalaman: Pinipili lamang ang pinag-uugnay
Bilang ng mga Sanggunian: Dalawa o higit pa
Pagkilala: In text citation
Pagsipi
Layunin: Kopyahin ang eksaktong pahayag
Estilo: Ang mga mali ay pwedeng dugtungan
Haba: tulad din ng orihinal na teksto
Estruktura: tulad din ng orihinal
Nilalaman: Pinipili ang bahagi ng orihinal
Bilang ng Sanggunian: Isa
Pagkilala: Intext citation; panipi; block quotation (mahaba)
Layunin ng papel
pagsunod-sunurin ang mga datos o ebidensiya
Ang mga datos at ebidensiya
pagpangkat-pangkatin ang mga datos o ebidensiya
Pagbuo ng pangunahing ideya o argumento
pagbabasa, pagrepaso, pagsusuri, at paninilay sa datos at ebidensiya
Introduksiyon
nagsasaad ng paksa, layunin at konteksto
Katawan
naglalahad ng datos at ebidensiya at nagdedebelop ng ideya
Kongklusyon
naglalagom ng ideyang nadebelop sa sulatin
hakbang sa mapanuring pagbasa
1. Pakikiramdam sa Teksto
2. Pakikipag-ugnay sa Teksto
Pakikiramdam sa Teksto
1. Kilalanin ang teksto at mga konteksto nito
2. Pahapyaw na basahin ang teksto
3. Tugunan ang malalabong bahagi
Kilalanin ang teksto at mga konteksto nito
pag-alam ng ibang detalye sa teksto
Pahapyaw na basahin ang teksto
-ano ang paksa?
-ano ang datos para talakayin ang paksa?
Pakikipag-ugnay sa teksto
1. Pagsusuri
2. Interpretasyon
3. Ebalwasyon
Pagsusuri
pagsaalang-alang sa mga bahagi ng teksto sa konteksto ng kabuoan.
Interpretasyon
pagbibigay kahulugan sa teksto
Ebalwasyon
pagtatasa o panghuhusga kung maayos o makatwirang nadebelop ng teksto ang paksa
Estratehiya ng Mapanuring Pagbasa
1. Gawan ng anotasyon ang teksto
2. Pasadahan ang teksto
3. Isakonteksto ang teksto
4. Tanungin ang teksto
5. Pagmunian ang teksto
6. Balangkasin at lagumin ang teksto
7. Ihambing ang teksto sa ibang teksto
Gawan ng anotasyon ang teksto
magtala o magbigay komento sa teksto
Pasadahan ang teksto
basahin muna ng mabilisan ang panimula at ang kongklusyon
Isakonteksto ang teksto
a teksto ay hindi nasusulat mula sa wala. lagi itong nililikha batay sa iba't ibang konteksto
Tanungin ang teksto
pagbuo ng tanong upang mas maintindihan at magkaroon ng interaksiyo sa teksto
Pagmunian ang teksto
maituturing na mas personal at internal na gawain
Balangkasin at lagumin ang teksto
mapapalitaw ang daloy ng teksto at pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi
Ihambing ang teksto sa ibang teksto
pag-uugnay sa tekstong binasa sa tekstong nabasa na
Akademya
institusyong pumapanday sa kaalaman at kasanayan na kailangan para sa iba't ibang tungkuling gagampanan ng isang indibidwal sa lipunan
Pagsulat
pagbuo ng mga simpleng sulatin
Pagbasa
kakayahang bigyang-kahulugan ang mga salita at mapag-ugnay-ugnay ang kahulugan ng mga ito
Presentasyon
pagsasalita sa publiko,
Dokumentasyon
angkop at sistematikong pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o ebidensiya para sa isang sulatin
Pagiging Mapanuri
kakayahang sumuri o humimay ng mga bahagi o aspekto ng isang paksa o teksto, o kakayahang tasahin o bigyang ebalwasyon ang mga bagay-bagay
Akademikong Pagsulat
pagsulat na mas pormal at mas nakabatay sa saliksik
Mapanuring Pagbasa
kakayahang makipagdiyalogo sa teksto
Pagbuo ng Konsepto at Pagpaplano
pagpili ng paksa, at pagtukoy ng tiyak na suliranin o aspekto ng paksa na maaaring idebelop, gawan ng pag-aaral, at sulatin
Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
pagtatalakay at pagsagot sa isang suliraning akademiko o panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik
Mapanuring Pag-Iisip
pagsusuri, pagtatasa, at paghuhusga sa mga ideyang mahahango sa iba't ibang sanggunian
Malikhaing Pag-Iisip
pagbuo o paglikha ng mga akdang mahahalaw sa sariling karanasan at imahinasyon
Pakikiramdam sa Teksto
panimulang hakbang upang kilalanin ang teksto
Pagsusuri
pagsasaalang-alang sa mga bahagi ng teksto sa konteksto ng kabuoan
Interpretasyon
pagbibigay ng kahulugan sa teksto
Ebalwasyon
pagtatasa o paghuhusga kung maayos o makatwirang nadebelop ng teksto ang paksa, natupad ang layunin o natupad ang argumento
Anotasyon
magtala o magbigay komento sa teksto
Akademya
Isa sa mga institusyong pumapanday sa kaalaman at kasanayan na kailangan para sa iba't ibang tungkuling gagampanan ng isang indibidwal sa lipunan.
Kasanayan at Gawaing Akademiko
Sa proseso, napapaunlad din ang mga larangan ng kaalaman o disiplina at sa kalaunan, nag-aambag din ito sa pag-unlad at pagbuti ng mas malawak na pamayanan at ng kabuoan ng lipunan.
Kakayahang Pag-iisip
Sinasabi nga, pinapaunlad ng akademya ang kakayahan kung paano mag-isip, hindi kung ano ang dapat isipin. Ang mga impormasyon ay naluluma, puwedeng mali o tama at maaaring manipula.
Pagpapanday ng Kasanayan
Mahalaga na mapanday ang kasanayang akademiko ng isang indibidwal, ng bawat mag-aaral upang magampanan niya ang kanyang tungkuling akademiko. Papaunlad sa sarili, larang, kaalaman at lipunan.
Pagiging Mapanuri
Tumutukoy ito sa kakayahang sumuri o humimay ng mga bahagi ng aspekto ng isang paksa, kakayahang tasahin at bxigyang ebalwasyon ang mga bagay-bagay
Akademikong Pagsulat
Tumutukoy sa pagsulat na mas pormal at mas nakabatay sa saliksik. Karaniwang ang akademikong komunidad din ang mambabasa nito. May sinusunod itong tiyak na pamantayan, hakbang, proseso, metodo na napagkasunduan ng mga akademikong komunidad
Mapanuring Pagbasa
Naipapamalas ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng dating kaalaman ng mambabasa, pagbuo ng koneksyon sa ibang teksto, paghihimay sa naging batayan at argumentong nagpapatibay o pagpapasubali sa argumento.
Pagbuo ng Konsepto at Pagpaplano
Tumutukoy ito sa pagpili ng paksa (kung hindi ito binigay o itinakda) sa pagtukoy ng tiyak na suliranin o aspekto ng paksa na maaaring idebelop, gawan ng pagaaral, at sulatin. Kasama rin dito ang pagbuo ng plano kung paano isasagawa ang pag-aaral o pananaliksik.
Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
Tumutukoy ito sa pagtalakay at pagsagot sa isang suliraning akademiko o panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik. Bahagi ng pananaliksik ang pagtitipon ng mga datos, paglalahad at pagsusuri ng datos batay sa isang pananaw o teorya at ang tiyak na perspektiba o teorya para masuri ang mga datos
Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip
Madalas pinaghihiwalay ang pagsusuri at malikhaing pag-iisip. Sa pangkalahatang tingin ang mapanuring pag-iisip ay karaniwang iniuugnay sa pagsusuri, pagtatasa at paghusga sa mga ideyang mahahango sa iba't ibang sanggunian. Ang malikhaing pag-iisip naman ay karaniwang inuugnay sa pagbuo o paglikha ng mga akdang mahahalaw sa sariling karanasan at imahinasyon
Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip
Madaling paghiwalayin ang dalawang proseso ngunit sa praktika, karaniwang magkasabay namang nagaganap ang dalawa. Ang pagiging malikhain nang hindi ipinapairal ang pagiging mapanuri ay maaring magresulta ng likhang walang pakinabang o walang saysay.
MAPANURING PAGBASA BILANG KUMBERSASYON
maari ding tingnan bilang kumbersasyon. Bilang mambabasa, maari din tayong sumali sa usapan. Maari tayong sumang-ayon, tumutol, o magdagdag sa mga nasabi na sa kumbersasyon.
PAKIRAMDAM SA TEKSTO
tumutukoy sa sa mga panimulang hakbang upang kilalanin ang teksto. Ito ay may kinalaman sa pagtiyak sa mga impormasyon sa teksto.
Kilalanin ang teksto at mga konteksto nito
Tumutukoy ito sa pag-alam sa ilang detalye tungkol sa teksto.
Pahapyaw na basahin ang teksto
Ano ang paksa? Ano ang datos o impormasyong nabanggit paea talakayin ang paksa?
Tugunan ang malalabong bahagi
Kung may bahagi ng teksto na nakalilito, harapin at tugunan ito.
Pagsusuri
tumutukoy sa pagsasaalang-alang sa mga bahagi ng teksto sa konteksto ng kabuoan. Ibig sabihin, tinitingnan ang mga bahagi ng teksto sang-ayon sa relasyon nito sa pangkalahatang layunin ng teksto.
Interpretasyon
Tumutukoy sa pagbibigay kahulugan sa teksto. Ito ang katuturan o ang saysay.
Ano ang kahalahagahan na mapag-usapan ang paksa sa kasalukuyang konteksto?
Ano ang kabuluhan ng teksto sa sariling buhay bilang mambabasa?
ESTRATEHIYA SA MAPANURING PAGBASA
Gumawa ng anotasyon, pasadahan at ilagay sa konteksto ang teksto, tanungin at pagmunian ito, pagkatapos ay balangkasin, lagumin, at ihambing sa ibang teksto
Gawan ng Anotasyon ang teksto
Magtala o magbigay ng komento sa teksto. Maaring salungguhitan ang mga salita, parirala o pangungusap. Maaring magsulat ng mga katanungan. Markahan ang mga mahahalagang bahagi ng teksto.
Pasadahan ang teksto
Bago ang mismong pagbasa, pahapyawan muna ang teksto. Sa gayon, higit na magkakaroon ng pangkalahatang ideya o ekspektasyon sa teksto bago pa man ang mapanuring pagbasa.
Isakonteksto ang teksto
Ang teksto ay hindi basta-bastang naisusulat mula sa wala. Ito ay laging nalilikha batay sa iba't ibang konteksto. Maaaring isaalang-alang ng manunulat ang mga sumusunod: ang panahon kung kailan naisulat at binasa ang teksto, ang kulturang pinagmulan nito, ang orihinal na mambabasang pinag-uukulan, at ang kasalukuyang mambabasa ng teksto.
Tanungin ang teksto
Makatutulong ang pagbuo ng mga katanungan sa teksto upang mas maintindihan ito. Ang mambabasa ay nakikipagdayalogo sa teksto.
Balangkasin ang teksto
Gumawa ng isa hanggang dalawang lebel o antas na balangkas ng teksto. Sa pamamagitan nito, mas madaling mapalitaw ang daloy ng teksto at ang pagkakaugnayugnay ng mga bahagi.
Ihambing ang teksto sa ibang teksto
Mapapayaman pa ang pagbabasa sa pag-uugnay sa tekstong binasa at iba pang tekstong nabasa.
May tiyak na paksa at layunin
Ang paksa ay karaniwang nakaugnay sa isang larangang akademiko o disiplina. Kailangang tiyak ang paksa upang mapalalim ang pagtalakay rito. Halimbawa: Isyung Panlipunan
Malinaw ang pagkasulat at may sinusunod na estruktura.
Bawat bahagi ay may inaasaang nilalaman. Bukod dito, mas maingat ang paggamit ng wika. Pinipili ang angkop na salita hindi maligoy ang pagkasulat, at malinaw ang mga pangungusap.
Pormal ang tono at estilo ng pagsulat
Natatangi ang estilo ng akademikong pagsulat. Pormal ito. Ang estilo ng pagkasulat ay iba sa pang-araw-araw na ng paraan ng paggamit ng wika. Pormal ang estilo ng pagsulat dahil kailangang maipaabot nang malinaw at tiyak ang impormasyon at ideya ng sulatin.
May binubuong ideya o argumento
Sentral na aspekto ng akademikong pagsulat ang pagdebelop ng orihinal na ideya o argumento. Inaasahan na ang akademikong pagsulat ay hindi lamang inuulit ang dati nang nasabi o nasulat
Sinusuportahan ng datos at ebidensiya
Isa sa pangunahing katangian ng akademikong pagsulat ay paggamit ng mga datos at ebidensiya para suportahan ang binuong mga ideya. Kailangang sapat at hango sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian ang mga datos.
KOMPLEKS
Ang pasulat na wika ay mas kompleks sa pasalitang wika. Mayaman sa bokabularyo at higit sa lahat, kapansin-pansin ang gramatika.
Pormal
Hindi angkop ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon
Tumpak
Walang labis at walang kulang
Obhetibo
Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ng mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa haka-haka o opinyon.
Eksplisit
Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa at isinulat na akda.
Wasto
Wasto ang bokabularyo, baybay, at gramatika
Responsable
Lalo sa paglalahad ng mga patunay at mga hanguan ng impormasyon
May pokus
Iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay at hindi mahalagang impormasyon.
Matibay na suporta
Maaring kapalooban ng Facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan at iba pa.
Unang bahagi ng estruktura ng Sulatin
Layunin ng papel. Pagsunod-sunurin ang mga datos at ebidensiya ayon sa paraang makapagsusulong ng layunin.
Ikalawang bahagi ng estruktura ng Sulatin
Ang mga datos at ebidensiya. Pagpangkat-pangkatin ang mga datos atebidensiyang nakuha sa pagbabasa at pananaliksik ayon sa mga ideyang lumilitaw sa mga ito. Isulat ang mga mabubuong ideya. Pagkaraan, pag-isipan kung paano pinakamabisang mapagsusunod-sunod ang mga ideya.
Ikatlong bahagi ng estruktura ng Sulatin
Pagbuo ng pangunahing ideya o argumento. Sa pagbabasa, pagrepaso, pagsusuri, at pagninilay sa mga datos at ebidensiya, inaasahang unti-unting mabubuo ang pangunahing ideya o argumento tungkol sa paksa.
Mapanghikayat
Ang pokus nito ay mahikayat ang mambabasa na panigan ang kaniyang ideya o saloobin.
Mapanuri
Ito ay kilala rin bilang analiktikal sapagkat sinusuri nito ang suliranin upang makapagbigay ng solusyon o sagot sa tanong.
Impormatibo
Ang pokus nito ay makapaglahad at magbigay ng impormasyon.
Pagbasa
Isang proseso ng pagkuha ng mensahe at pagbibigay ng interpretasyon batay sa nakikita nating ugnayan ng mga salita at ideya o ng kaugnayan nito sa ating sariling karanasan.
Mapanuring Pagbasa
Nagaganap ang pagsisiyasat hindi lamang sa pamagat o pabalat ng aklat na babasahin kundi lalo na sa nilalaman nito. Nagagawang timbangin ng mambabasa kung ang teksto ay naglalahad ng katotohanan o opinyon lamang. Higit sa lahat, nakikita niya ang kabuluhan ng binabasa sa kaniyang sarili, sa lipunan, at sa mundong ginagalawan.
Abstrak
Isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto. Kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng manuskrito, ngunit itinuturing ito na may sapat nang impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili.
Pamagat
Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
Panimula
Nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
Metodolohiya
Isang plano sistema para matapos ang isang gawain.